XL MABILIS NA RELEASE NA WINDSHIELD
J045892021-04-27
PANGKALAHATAN
Mga Numero ng Kit
58053-10, 57682-10, 57801-11, 57802-11
Mga Modelo
Para sa impormasyon ukol sa fitment ng modelo, tingnan ang retail na katalogo ng P&A o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (Ingles lamang).
Talahanayan 1. Mga Kit
Blg. ng Kit
Paglalarawan
58053-10
Karaniwang taas, malinaw na windshield
57801-11
Karaniwang taas, malinaw na windshield
57682-10
Mababang profile, smoked windshield
57802-11
Mababang profile, smoked windshield
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00308b)
Mga Nilalaman ng Kit
Tingnan ang Figure 2 at Talahanayan 2 .
PAGKAKABIT
Assembly ng Clamp sa Windshield
1. Alisin ang windshield sub-assembly mula sa pagkakabalot nito at ilapag nang nakadapa sa isang malinis at malambot na ibabaw, kung saan ang mga mount bracket ay nakaharap pataas.
2. Tingnan ang Figure 2 . Alisin ang mga assembly ng clamp (8) at kit ng hardware (11) mula sa pagkakabalot nito, at ihiwalay ang kahalintulad na mga parte bilang paghahanda sa pagbubuo nito.
BABALA
Ang cupped side ng Belleville (cone) na mga washer ay dapat nakaharap sa isa't isa at pinagigitnaan ang mga windshield mount bracket sa bawat mount point. Kapag hindi inilagay sa tamang paraan ang mga washer, maaaring mabawasan ang kakayahan ng windshield na mawasak sa isang banggaan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00422b)
3. Maluwag na i-assemble ang mga assembly ng clamp sa mga pangmount na bracket ng windshield sa pagkakasunod-sunod na ipinapakita sa Figure 1 .
1Shoulder bolt
2Kanang windshield bracket
3Cup washer
4Mga Belleville washer (ang mga naka-cup na bahagi ay nakaharap sa isa’t isa habang ang windshield bracket ay nasa pagitan)
Figure 1. Pangmount na mga Clamp ng Windshield (Kanang Panig ang Ipinapakita)
4. Isa-isang clamp muna, nang nakatihaya pataas ang clamp at nasa loob ng windshield bracket (2), higpitan nang sapat ang mga shoulder bolt (1) upang mahawakan ang oryentasyon ng clamp sa windshield habang ikinakabit ang windshield sa motorsiklo. Ang mga turnilyo ay hihigpitan nang husto sa ibang pagkakataon.
Pagkakabit ng Windshield
TALA
Panatilihing diretso ang harapang gulong upang maiwasan ang paggasgas ng mga bracket sa tangke ng gasolina.
1. Tiyakin na ang lahat ng apat na mga clamp ay nasa “bukas” na posisyon. Dalhin ang windshield (na ang panig ng clamp ay malayo mula sa iyo) sa harapan ng motorsiklo.
TALA
Ang polycarbonate na windshield ay bahagyang nababaluktot at pwedeng ibaluktot upang mailapat ang mga clamp palayo sa headlamp (ilaw) upang mapadali ang pagkakabit nito sa motorsiklo. Mag-ingat na hindi magasgasan ang housing ng headlamp ng mga clamp habang ipinupusisyon ang windshield sa mga fork tube.
BABALA
Maaaring pigilan ng mga naipit na throttle cable ang pagtugon ng throttle, na maaaring magresulta sa pagkawala ng kontrol at kamatayan o malubhang pinsala. (00423b)
2. Mga Kit 58053-10 at 57682-10 Suriin upang matiyak na ang mga kable ng throttle ay nakaposisyon sa ibaba ng pang-ibabang clamp sa iyong kaliwa (kung nakaharap sa motorsiklo, na humahawak sa windshield), at hindi maipit ng mga clamp. Mga Kit 57801-11 at 57802-11 Suriin upang matiyak na ang mga kable ng throttle ay nakaposisyon sa pagitan ng mga clamp sa iyong kaliwa (kung nakaharap sa motorsiklo, na humahawak sa windshield), at hindi maipit ng mga clamp.
BABALA
Tiyaking dire-diretso at maluwag ang steering nang walang anumang pumipigil. Ang pagpigil sa steering ay maaaring magresulta sa pagkawala ng kontrol sa sasakyan at pagkamatay o malubhang pinsala. (00371a)
3. Lahat ng mga kit. Igitna ang windshield sa paligid ng headlamp, at ilagay ang mga clamp sa mga fork tube. Tingnan ang Figure 2 . I-snap ang clip ng kable ng throttle (16) sa paligid ng kanang panig na fork tube, at iruta ang mga kable ng throttle sa butas ng gabay.
  • Hindi dapat tumama ang mga kable sa hardware ng headlamp o dumaan sa harapan ng headlamp.
  • Hindi dapat tumama ang mga kable sa pangmount na hardware ng senyas sa pagliko o sa mga senyas sa pagliko.
  • Ang mga kable ay hindi dapat tumama sa takip ng gasolina o sa fuel gauge.
  • Ang mga kable ay hindi dapat tumama sa speedometer o tachometer.
  • Tiyaking ang mga kable ay hindi maipit sa pagitan ng frame at/o mga fork.
  • Tiyaking hindi nababanat ang mga kable ng clutch kapag ganap na iniliko ang mga handlebar tungo sa kaliwa at kanan na mga fork stop.
4. Habang ang mga shoulder bolt ay maluwag pa rin na naka-thread at simula sa ibaba, isara ang isang clamp nang paisa-isa sa itaas ng mga fork tube, tandaan na ang mga clamp ay naghahanay sa sarili sa mga tubo at sa isa’t isa.
TALA
Huwag higpitan ang mga shoulder bolt nang lagpas sa inirekomendang higpit. Ang sobrang paghihigpit ay maaaring maging dahilan upang tumabingi ang clamp sa fork tube, na hahantong sa hindi sapat na grip na maaaring magsanhi sa pagkatanggal ng windshield sa paggamit nito.
5. Tiyakin na ang mga shoulder ng mga bolt ay ganap na nakaupo sa bawat lokasyon ng bracket ng windshield. Higpitan.
Torque: 5,4–8,1 N·m (48–72 in-lbs) Hex socket head bolt
6. Iliko ang mga handlebar nang ganap sa kaliwa at sa kanang mga fork stop upang makumpirma na ang mga kable ng throttle ay malayang nakagagalaw. Kapag nagkaroon ng limitadong paggalaw, i-adjust ang windshield kung kinakailangan hanggang matamo ang tamang galaw nito.
TALA
Ipaayos muna sa mga ekspertong tauhan ng Harley-Davidson ang kahit anong problema bago gamitin ang sasakyan nang nakakabit ang accessory na ito.
Pagtatanggal at Pagtatabi ng Windshield
Upang matanggal ang windshield, buksan ang apat na mga clamp, sa anumang pagkakasunod-sunod, at ibaliktad ang mga paraan ng pagkakabit na makikita sa Pagkakabit ng Windshield , mga hakbang 4 at 5. Ingatan na huwag magasgasan ang housing ng headlamp o tangke ng gasolina gaya ng naipayo sa pagkakabit.
Kapag itatabi ang windshield, ilagay sa lokasyon kung saan ang mga clamp ng windshield ay mabibigyan ng pinakamahusay na proteksyon. Ilayo ang windshield sa mga lokasyon kung saan ito ay maaaring matamaan o malaglag. Huwag magpatong ng kahit ano sa ibabaw ng assembly ng windshield.
Bago ikabit muli matapos itong itabi, siyasatin muna ang mga clamp at hardware para sa fastener preload at upang masiguro ang kalinisan nito. Ang mga clamp ay dapat na masiklo ng bukas at masara nang malaya, at ang bawat clamp ay dapat may isang pares ng mga gomang gasket (tingnan ang Talahanayan 2 ) sa clamp saddle kung saan ito ay dumidikit sa fork tube.
PANGANGALAGA AT PAGLILINIS
Pana-panahong suriin ang hardware na pang-mount ng windshield. Huwag imaneho nang may maluluwag na mount. Ang maluwag na mount ay nakapagdudulot ng karagdagang stress sa mga natitirang mount, gayundin sa mismong windshield, at maaaring makapagdulot ng maagang pagpalya ng mga bahagi.
PAUNAWA
Ang mga polycarbonate na windshield/wind deflector ay nangangailangan ng wastong pansin at pangangalaga upang mapanatili. Kapag hindi maayos na napanatili ang polycarbonate, maaari itong magresulta sa pagkapinsala ng windshield/wind deflector. (00483e)
  • Ang aninag ng araw sa loob ng kurba sa windshield, sa mga partikular na oras sa loob ng isang araw, ay maaaring magdulot ng matinding pag-init sa mga instrumento ng motorsiklo. Ugaliing mag-ingat sa pagpaparada. Pumarada nang nakaharap sa araw, maglagay ng bagay na hindi nilalampasan ng liwanag sa mga instrumento, o ayusin ang windshield upang maiwasan ang mga aninag.
  • Huwag linisin sa ilalim ng mainit na sikat ng araw o mataas na temperatura.
  • Ang mapulbo, nakakagasgas o alkaline na mga panglinis ay nakakasira ng windshield.
  • Huwag kayurin ang windshield gamit ang labaha o iba pang matatalas na instrumento dahil magdudulot ito ng permanenteng pinsala.
PAUNAWA
Gumamit lamang ng mga inirerekomendang produkto ng Harley-Davidson sa mga windshield ng Harley-Davidson. Huwag gumamit ng matatapang na kemikal o mga rain sheeting na produkto, na maaaring maging sanhi ng pinsala sa ibabaw ng windshield, tulad ng paglabo o hazing. (00231c)
  • Huwag gumamit ng benzene, paint thinner, gasolina, mga lubricant (kasama ang Armorall ® ), o iba pang mga panlinis sa mga gomang bushing. Maaari itong makapinsala sa ibabaw ng bushing.
TALA
Ang pagtakip sa windshield gamit ang malinis at basang tela nang 15 minuto bago ito linisin ay magpapadali sa pagtanggal ng tuyong insektong dumikit dito.
MGA PAMALIT NA PIYESA
Figure 2. Mga Pamalit na Bahagi, XL1200X Mabilis na Release na Windshield
MGA PAMALIT NA PIYESA
Talahanayan 2. Mga Pamalit na Piyesa
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
1
Panserbisyong Kit ng Windshield, karaniwang taas, malinaw (Para sa paggamit sa 58053-10.)
Panserbisyong Kit ng Windshield, karaniwang taas, malinaw (Para sa paggamit sa 57801-11.)
Panserbisyong Kit ng Windshield, mababang profile, smoked (Para sa paggamit sa 57682-10.)
Panserbisyong Kit ng Windshield, mababang profile, smoked (Para sa paggamit sa 57802-11.)
(Kasama sa panserbisyong kit ay mga item 2-5)
57762-10
58061-96
57763-10
58103-96
2
  • Windshield
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
3
  • Tape, pahalang (2)
58052-78
4
  • Tape, patayo (2)
58417-77
5
  • Washer, itim na goma (6)
58152-96
6
Bracket, mount ng windshield, itim (kanan) (Para sa paggamit sa 58053-10 at 57682-10.)
58180-10
Bracket, mount ng windshield (kanan) (Para sa paggamit sa 57801-11 at 57802-11.)
57793-11
7
Bracket, mount ng windshield, itim (kaliwa) (Para sa paggamit sa 58053-10 at 57682-10.)
58188-10
Bracket, mount ng windshield (kaliwa) (Para sa paggamit sa 57801-11 at 57802-11.)
57796-11
8
Set ng clamp, walang-kagamitan na release (kasama ang apat na mga clamp na may mga gasket)
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
9
  • Clamp, walang-kagamitan na release (kasama ang dalawang mga gasket) (4)
57400465
10
  • --- Gasket (2)
58791-04
11
Kit ng Hardware (kasama ang apat sa item 12, at item 16)
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
12
  • Kit ng Hardware, mount ng windshield (4) (kasama ang mga item 13 hanggang 15)
58790-04
13
  • --- Shoulder bolt
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
14
  • --- Spacer, cup washer
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
15
  • --- Belleville washer (2)
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
16
  • Clip, Kable ng Throttle
10868
17
Brace, pahalang, panlabas (itim) (Para sa paggamit sa 58053-10 at 57682-10.)
58069-09
Brace, pahalang, panlabas (Para sa paggamit sa 57801-11 at 57802-11.)
58051-78A
18
Brace, pahalang, panloob (itim) (Para sa paggamit sa 58053-10 at 57682-10.)
58068-09
Brace, pahalang, panloob (Para sa paggamit sa 57801-11 at 57802-11.)
58050-78A
19
Brace, patayo (itim) (2) (Para sa paggamit sa 58053-10 at 57682-10.)
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
Brace, patayo (kanan) (Para sa paggamit sa 57801-11 at 57802-11.)
58406-75A
Brace, patayo (kaliwa) (Para sa paggamit sa 57801-11 at 57802-11.)
58408-75A
20
Turnilyo, button head TORX ® , #12-24 x 13/16 pulgada (20.6 mm) ang haba, na may lock patch (2)
2452
21
Turnilyo, button head TORX, #12-24 X 5/8 pulgada (15.9 mm) ang haba, na may lock patch (7)
2921A
22
Acorn nut, #12-24 (chrome) (9)
7651A