MGA KIT NG TAKIP NG TIMER
J036562019-08-21
Talahanayan 1. Pangkalahatang Impormasyon
Mga Kit
Mga Iminumungkahing Kagamitan
Antas ng Kasanayan(1)
Oras
32972-04A, 32668-98A, 32581-90TB, 32675-04A, 32584-88TA, 32520-10, 32541-10, 25600003, 25600009, 25600025, 25600027, 25600047, 25600060, 25600059, 25600089, 25600134, 25600140
Mga Salaming Pangkaligtasan
1 oras
(1) Mga simpleng kagamitan at teknik lamang ang kinakailangan
MGA NILALAMAN NG KIT
Figure 1. Mga Nilalaman ng Kit: Mga Bahagi ng Takip ng Timer
Talahanayan 2. Mga Nilalaman ng Kit: Mga Bahagi ng Takip ng Timer
Item
Qty
Paglalarawan
Part No. (Piyesa Blg.)
Mga tala
1
1
Takip ng timer
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
2
2
Turnilyo, TORX®, chrome, (Kit 25600140)
9462
2
Turnilyo, hex, black oxide, (Kit 25600059)
10200434
2
Turnilyo, TORX®, black, (Kit 25600089)
10200614
2
Turnilyo, button head, black (Kit 25600134)
10200812
TALA
Tiyakin na lahat ng nilalaman ay nasa kit bago magkabit o magtanggal ng mga item mula sa sasakyan.
PANGKALAHATAN
Mga Modelo
Para sa impormasyon ukol sa fitment ng modelo, pakitingnan ang Retail na Katalogo ng P&A o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (Ingles lamang).
Siguraduhin na ginagamit mo ang pinakabagong bersyon ng pahina ng tagubilin na makukuha sa: www.harley-davidson.com/isheets
Makipag-ugnayan sa Harley-Davidson Customer Support Center sa 1-800-258-2464 (para sa U.S. lang) o sa 1-414-343-4056.
Mga Kinakailangan sa Pagkakabit
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00308b)
ALISIN
BABALA
Tanggalin muna ang pagkakakonekta ng negatibong (-) kable ng baterya. Kapag napadikit ang positibong (+) kable sa ground habang nakakonekta ang negatibong (-) kable, maaaring maging sanhi ng pagsabog ng baterya ang mga magreresultang pagsiklab, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00049a)
1. Alisin muna ang pagkakakonekta ng negatibong (-) kable ng baterya o alisin ang pangunahing fuse. Tingnan ang manwal ng may-ari.
2. Tingnan ang Figure 1 . Alisin at itapon ang Orihinal na Kagamitan (OE) na mga turnilyo at takip ng timer.
IKABIT
1. Ilagay sa posisyon ang bagong takip ng timer (1).
2. Higpitan gamit ang mga turnilyo (2).
3. Ikonekta ang negatibong baterya (-) o ikabit ang pangunahing fuse. Tingnan ang manwal ng may-ari.
MGA ESPESYAL NA TAGUBILIN SA PANGANGALAGA
Kit 25600140: Maaaring maglagay ng Bare Aluminum wheel Protectant Wipes Piyesa Blg. 93600063 sa tekstong "RideFree" para sa dagdag na proteksyon laban sa pangangalawang.
TALA
Upang maiwasan ang pinsala sa chrome na ibabaw, huwag gumamit ng mga detergent, solvent na kemikal, polish o nakakagasgas na panlinis.
Upang mapanatili ang panig na ito sa pinakamagandang kondisyon, marahang punasan gamit ang MICROFIBER DETAILING CLOTH (94663-02) na may malinis na tubig o banayad na panlinis na Harley-Davidson gaya ng:
TALA
Makakakuha ng mga panlinis na ito mula sa dealer ng Harley-Davidson.
MGA GABAY SA PANGANGALAGA AT PAGLILINIS NG MGA PIYESANG BRASS
Mga Tagubilin sa Paglilinis.
  1. Tiyakin na ang piyesa ay tuyo at walang dumi o alikabok.
  2. Maglagay ng kaunting Harley-Davidson ® Chrome Clean & Shine sa telang microfiber o detailing swab.
  3. Marahang kuskusin ang mga piyesang brass gamit ang telang microfiber. Para sa mga dakong mahirap abutin o mga uka, gamitin ang detailing swab.
Pagkakaroon ng Makintab na Finish
Natural na maluluma at iitim sa paglipas ng panahon ang mga piyesang brass. Kung mas gusto mo ang makintab na brass finish, maglagay ng kaunting Harley-Davidson Bare Metal Polish sa telang microfiber at marahang kuskusin ang mga piyesang brass hanggang sa makuha ang gustong kintab.
Pagpapabagal sa Proseso ng Pagkaluma
Upang mapabagal ang pagkaluma ng mga piyesang brass, maglagay ng kaunting Harley-Davidson Glaze Poly Sealant sa telang microfiber o detailing swab, at marahang kuskusin ang mga piyesa hanggang sa masipsip ang sealant.
Mga Pag-iingat
  • Ang paggamit ng mga hindi inirerekomendang produkto sa paglilinis, pagpapakintab at proteksyon ay magreresulta sa pagkakatanggal ng nalumang finish ng mga piyesang brass.
  • Ang matagalang pagtama o pagdikit sa ilang bagay (kamay, guwantes, bota, alikabok, atbp.) at ang pagkakalantad sa mga elemento ay dahilan rin upang maiba ang surface finish at HINDI itinuturing na depekto.
  • Iwasan ang paglilinis ng mga parte gamit ang mga magagaspang at matatapang na kemikal at magagaspang na pad na panlinis.
  • Iwasan ang mga produktong may ammonia at bleach.
  • Mababago ang brass finish sa matagalang pagkakalantad sa tubig. Punasan ang mga bahagi pagkatapos mabasa ng tubig.
  • Ang labis na pagkuskos ay maaaring magpakupas ng kulay ng surface o ng bahaging iyon.