CARBON FIBER TAIL SECTION COWL, AMP
J068022021-01-04
PANGKALAHATANG IMPORMASYON
Talahanayan 1. Pangkalahatang Impormasyon
Mga Kit
Mga Iminumungkahing Kagamitan
Antas ng Kasanayan(1)
Oras
61301070
Mga Salaming Pangkaligtasan
(1) Mga simpleng kagamitan at teknik lamang ang kinakailangan
MGA NILALAMAN NG KIT
AAng posisyon ng hinlalaki habang nagkakabit at nagtatanggal
Figure 1. Mga Nilalaman ng Kit: Carbon Fiber Tail Section Cowl
Ang kit na ito ay naglalaman ng isang carbon fiber na takip sa upuan ng pasahero. Walang pamalit na piyesang mabibili para sa kit na ito.
PANGKALAHATAN
Mga Modelo
Para sa impormasyon ukol sa fitment ng modelo, tingnan ang seksyon ng Retail na Katalogo ng P&A o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (Ingles lamang)
Tiyakin na ginagamit ang pinakabagong bersyon ng pahina ng tagubilin. Makukuha ito sa: www.harley-davidson.com/isheets
Makipag-ugnayan sa Harley-Davidson Customer Support Center sa 1-800-258-2464 (para sa U.S. lang) o sa 1-414-343-4056.
Mga Kinakailangan sa Pagkakabit
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00308b)
IKABIT
1. Itaas ang upuan. Tingnan ang manwal ng may-ari.
2. Tingnan ang Pigura 1. ikabit ang cowl.
a. Ihanay ang likuran na tab sa may slot sa likod ng upuan.
b. Habang ang mga hinlalaki ay nasa malapit sa posisyon A hilahin ang mga strap palabas sapat lang para mapahintulut sa harap ng cowl na lumampas sa upuan.
c. Ipasok ang cowl sa kahabaan ng upuan sa posisyon habang kinakabit ang tab sa likuran.
d. Idugtong ang mga strap sa ilalim ng base ng upuan at idikit sa hook at loop na materyal.
3. Ibaba ang upuan. Hatakin pataas ang upuan upang tiyakin na ito ay nakakabit nang mabuti. Tingnan ang manwal ng may-ari.