Paglalarawan (Dami) | Numero ng Piyesa |
---|---|
Regulator | Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay |
Ring terminal | 9866 |
Cable strap (6) (74537-93A lang) | 10006 |
1. | Sumangguni sa naaangkop na Manwal ng Serbisyo para sa mga tagubilin sa pag-aalis ng regulator. | |
2. | Kung naikabit ang regulator output lead sa "AUX" (kulay silver) na terminal, sukatin ang haba ng regulator output lead at gupitin ang output lead sa pamalit na regulator sa parehong haba. | |
3. | Kung hindi naikonekta ang regulator output lead sa "AUX" (kulay silver) na terminal, iruta ang regulator output lead sa "AUX" na terminal, at gupitin ang output lead sa tamang haba upang maisagawa ang koneksyon sa “AUX” na terminal. | |
4. | Gupitin ang output lead sa pamalit na regulator na may kasamang ring terminal mula sa kit. | |
5. | Ikabit ang pamalit na regulator at sundin ang proseso sa naaangkop na Manwal ng Serbisyo. Ikonekta ang ring terminal sa circuit breaker “AUX” (kulay silver) na terminal. | |
6. | Gamit ang isang Ohmmeter, i-verify ang ground ng regulator sa chassis ng sasakyan. TALA Dapat ay maikonekta ang output lead ng regulator na ito sa “AUX”, na kulay silver na terminal sa Pangunahing (30 amp) circuit breaker. Maaaring naikonekta ang orihinal na regulator sa “BAT” na kulay copper na terminal; upang magbigay ng proteksyon mula sa mga baliktad na lead ng baterya, ang regulator na ito ay dapat ikonekta sa “AUX” na terminal. TALA Ang ilang regulator ay maaaring may ground wire na nakakabit sa ibaba ng regulator case. Kung mayroong ground wire, alisin ito ay ikabit ito sa bagong regulator. | |
7. | Paandarin ang motorsiklo gamit ang isang Voltmeter sa baterya, tapos tiyaking tama ang boltahe sa pagcha-charge gaya ng nakasaad sa naaangkop na Manwal ng Serbisyo. |