KIT NG VRSC MABILIS NA RELEASE NG NATATANGGAL NA WINDSHIELD
J033172021-04-27
PANGKALAHATAN
Numero ng Kit
57211-05, 57177-05
Mga Modelo
Ang mga kit na ito ay kasya sa 2002 at mas bagong VRSCA (V-Rod ® ) na mga modelo at 2004 at mas bagong mga VRSCB na modelo.
Talahanayan 1. Mga Modelo
Mga Kit
Mga Nilalaman
57211-05
Touring, malinaw na windshield
57177-05
Super Touring, malinaw na windshield
Kinakailangan ng Mga Karagdagang Piyesa
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Gamitin ang naaangkop na mga pamamaraan sa manwal ng serbisyo. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00333b)
TALA
Ang pahina ng tagubilin na ito ay sumasangguni sa impormasyon sa Manwal ng Serbisyo. Ang Manwal ng Serbisyo para sa iyong modelo ng motorsiklo ay makukuha mula sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Mga Nilalaman ng Kit
Tingnan ang Figure 4 at Talahanayan 2 .
PAGKAKABIT
Ihanda ang Motorsiklo
BABALA
Upang maiwasan ang aksidenteng pagsisimula ng sasakyan, na maaaring magdulot ng kamatayan o malubhang pinsala, alisin ang mga kable ng baterya (negatibong (-) kable muna) bago magpatuloy. (00307a)
BABALA
Tanggalin muna ang pagkakakonekta ng negatibong (-) kable ng baterya. Kapag napadikit ang positibong (+) kable sa ground habang nakakonekta ang negatibong (-) kable, maaaring maging sanhi ng pagsabog ng baterya ang mga magreresultang pagsiklab, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00049a)
1. Tanggalin ang 40 amp Maxi-Fuse o idiskonekta ang mga kable ng baterya, negatibong kable muna.
2. Ilipat ang mga senyas sa pagliko at ang kanilang pagkakable alinsunod sa mga tagubilin na kasama sa Kit ng Paglipat ng Senyas sa Pagliko, Harley-Davidson Bahagi Bilang 57205-05. Ang mga VRSCB na modelo ay magpatuloy sa Hakbang 4.
TALA
Ang low beam headlamp bulb (pinangalanang H11) ay nakamount sa itaas na butas sa likuran ng assembly ng headlamp. Ang high beam bulb (pinangalanang H9) ay nakamount sa ibabang butas.
1Pangmount na bracket ng Headlamp
2Visor ng headlamp
3Turnilyo
Figure 1. Headlamp na may Bagong Visor
PAUNAWA
Huwag hawakan ang quartz na bumbilya. Ang mga marka ng daliri ay uukit sa salamin at magpapaiksi ng buhay ng bumbilya. Hawakan ang bumbilya gamit ang papel o malinis at tuyong tela. Kapag hindi ito ginawa, maaari itong magresulta sa pagkapinsala ng bumbilya. (00210b)
3. Para sa mga VRSCA na modelo, ikabit ang headlamp visor at mga bumbilya tulad ng sumusunod:
a. Tingnan ang Figure 4 . Kunin ang Headlamp Visor (16) mula sa kit. Tingnan ang Figure 1 . Tanggalin ang dalawang turnilyo (3) sinisiguro ang headlamp (1) sa pangmount na bracket ng headlamp. Ikabit ang headlamp visor sa headlamp (iposisyon tulad ng ipinapakita sa Figure 4 ) at isiguro ang headlamp na may visor sa bracket ng headlamp gamit ang dalawang turnilyo.
b. Gamit ang dalawang pangmount na turnilyo, ihanay at ikabit ang bracket ng headlamp sa pang-itaas na tripleng clamp. Higpitan ang mga turnilyo sa 11–18 N·m (8–13 ft-lbs) .
c. Maingat na ikabit ang bawat mga bumbilya ng headlamp sa likod ng headlamp at ipilipit nang humigit-kumulang 45 degrees pakanan upang masiguro.
d. Sundin ang mga tagubilin sa Manwal ng Serbisyo upang ma-adjust ang headlamp para sa wastong bisibilidad.
4. Sumangguni sa Manwal ng Serbisyo at sundin ang mga tagubiling ibinigay para ikonektang muli ang Maxi-Fuse.
BABALA
Siguraduhing maayos na gumaga ang lahat ng ilaw at switch bago ang paandarin ang motorsiklo. Ang hindi gaanong nakikitang rider ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00316a)
5. Suriin ang mga senyas sa pagliko para sa wastong operasyon.
I-assemble ang Clamps sa Windshield
Figure 2. Mga Mounting Bracket sa Windshield
1. Tingnan ang Figure 2 . Alisin ang windshield sub-assembly mula sa balot nito at ilapag nang nakadapa sa isang malinis at malambot na surface, kung saan ang mga mount bracket ay nakaharap pataas.
2. Tingnan ang Figure 4 . Alisin pareho ang clamp at hardware kit mula sa balot nito, at ihiwalay ang kahalintulad na mga parte bilang paghahanda sa pagbubuo nito.
1Shoulder bolt
2Kanang windshield bracket
3Cup washer
4Mga Belleville washer (ang mga naka-cup na bahagi ay nakaharap sa isa’t isa habang ang windshield bracket ay nasa pagitan)
Figure 3. Mounting Clamp ng Windshield
3. Tingnan ang Figure 3 . Buuin ang mga clamp assembly at mga hardware stack.
BABALA
Ang cupped side ng Belleville (cone) na mga washer ay dapat nakaharap sa isa't isa at pinagigitnaan ang mga windshield mount bracket sa bawat mount point. Kapag hindi inilagay sa tamang paraan ang mga washer, maaaring mabawasan ang kakayahan ng windshield na mawasak sa isang banggaan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00422b)
4. Tingnan ang Figure 3 . Isa-isang clamp muna, nang nakatihaya pataas ang clamp at nasa loob ng windshield bracket (2), higpitan nang sapat ang mga shoulder bolt (1) upang mahawakan ang oryentasyon ng clamp sa windshield habang ikinakabit ang windshield sa motorsiklo. Ang mga turnilyo ay hihigpitan nang husto sa ibang pagkakataon.
Ikabit ang Windshield
TALA
Panatilihing diretso ang harapang gulong upang maiwasan ang paggasgas ng bracket sa tangke ng gasolina.
1. Siguruhin na ang lahat ng apat na clamp ay nasa “bukas” na posisyon, pagkatapos ay dalhin ang windshield (habang nakalayo sa iyo ang bahagi ng clamp) sa harapan ng motorsiklo.
TALA
Ang Lexan ® windshield ay bahagyang nababaluktot at pwedeng ibaluktot upang mailapat ang mga clamp palayo sa headlamp upang mapadali ang pagkakabit nito sa motorsiklo. Ingatan na huwag magasgas ang kinalalagyan ng headlamp ng mga clamp habang ipinupusisyon ang windshield sa mga fork slider.
2. Saklangan ang harap na fender. Igitna ang windshield sa paligid ng headlamp at ilagay ang mga clamp sa mga fork slider.
3. Magsimula sa ilalim (sa alinmang panig) na kung saan ang mga shoulder bolt ay hihigpitan nang mas mahigpit nang kaunti gamit ang kamay lamang, isara ang bawat clamp, habang sinisiguro na ang mga clamp ay kusang papantay sa mga fork slider at sa bawat isa.
TALA
Huwag higpitan ang mga shoulder bolt nang lagpas sa inirekomendang higpit. Ang sobrang paghihigpit ay maaaring maging dahilan upang tumabingi ang clamp sa fork slider, at bibigay ang clamp jaw. Hindi maaaring magdala ang bumigay na clamp ng preload sa fork slider at maaaring magdulot ito ng pagkakatanggal ng windshield habang ginagamit. Ang maluwag o kumakalampag na windshield ay maaaring magsanhi ng pagkagambala.
PAUNAWA
Huwag lumampas sa inirekomendang torque kapag nag-i-install ng mga mounting screw. Maaaring mapinsala ang windshield. (00385a)
4. Ngayong nakakabit na ang mga windshield clamp sa fork slider, siguruhin na ang shoulder na bahagi ng mga shoulder bolt ay nakaposisyon nang maayos sa bawat lokasyon nito sa windshield bracket. Higpitan ang bawat shoulder bolt.
Torque: 6,7 N·m (60 in-lbs) mga clamp bolt
5. Iliko ang mga handlebar nang ganap sa kaliwa at sa kanang mga fork stop upang makumpirma na ang paggalaw ay hindi nalilimitahan.
BABALA
Ang hindi wastong pagkakabit ng mga accessory o paglo-load ng kargada ay maaaring makaapekto sa katatagan at pagmamaneho ng motorsiklo, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00455b)
BABALA
Ang hindi pagbibigay ng sapat na espasyo sa pagitan ng mga nakatigil at gumagalaw na bahagi ay pwedeng maging sanhi ng pagkawala ng kontrol, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00378a)
TALA
Siyasatin ang windshield matapos makumpleto ang pagkakabit nito. Siguraduhin na ang pagkakakabit ng windshield ay hindi nalilimitahan ang buong paggalaw pakaliwa o pakanan ng harapang assembly ng fork. Kapag nagkaroon ng limitadong paggalaw, i-adjust ang windshield hanggang matamo ang tamang galaw nito. Ipaayos muna sa mga ekspertong tauhan ng Harley-Davidson ang kahit anong problema bago gamitin ang sasakyan nang nakakabit ang accessory na ito.
TALA
Suriin ang mounting hardware pana-panahon. Huwag imaneho nang may maluluwag na mount. Ang maluwag na pagkakakabit ay nagdudulot ng karagdagang stress sa iba pang mga nakakabit na mount, gayundin sa mismong windshield, at maaaring magresulta sa maagang pagpalya ng mga piyesa.
Pag-aalis ng Windshield
Upang matanggal ang windshield, buksan ang apat na mga clamp sa anumang pagkakasunod-sunod. Mag-ingat na hindi magasgasan ang housing ng headlamp o anumang pininturahang mga bahagi tulad ng itinala sa pagkakabit.
Kapag itatabi ang windshield, ilagay sa lokasyon kung saan ang mga clamp ng windshield ay mabibigyan ng pinakamahusay na proteksyon. Ilayo ang windshield sa mga lokasyon kung saan ito ay maaaring matamaan o malaglag. Huwag magpatong ng kahit ano sa ibabaw ng assembly.
Bago ikabit muli matapos itong itabi, siyasatin muna ang mga clamp at hardware para sa fastener at upang masiguro ang kalinisan nito. Ang bawat clamp ay dapat mayroong pares ng rubber gasket sa clamp saddle na umaakma sa fork slider, at dapat bumukas at sumara nang malaya.
PANGANGALAGA AT PAGLILINIS
TALA
Ang aninag ng araw sa loob ng kurba sa windshield, sa mga partikular na oras sa loob ng isang araw, ay maaaring magdulot ng matinding pag-init sa mga instrumento ng motorsiklo. Ugaliing mag-ingat sa pagpaparada. Pumarada nang nakaharap sa araw, maglagay ng bagay na hindi nilalampasan ng liwanag sa mga instrumento, o ayusin ang windshield upang maiwasan ang mga aninag.
PAUNAWA
Ang mga polycarbonate na windshield/wind deflector ay nangangailangan ng wastong pansin at pangangalaga upang mapanatili. Kapag hindi maayos na napanatili ang polycarbonate, maaari itong magresulta sa pagkapinsala ng windshield/wind deflector. (00483e)
PAUNAWA
Gumamit lamang ng mga inirerekomendang produkto ng Harley-Davidson sa mga windshield ng Harley-Davidson. Huwag gumamit ng matatapang na kemikal o mga rain sheeting na produkto, na maaaring maging sanhi ng pinsala sa ibabaw ng windshield, tulad ng paglabo o hazing. (00231c)
PAUNAWA
Gumamit lamang ng mga inirerekomendang produkto ng Harley-Davidson sa mga windshield ng Harley-Davidson. Huwag gumamit ng matatapang na kemikal o mga rain sheeting na produkto, na maaaring maging sanhi ng pinsala sa ibabaw ng windshield, tulad ng paglabo o hazing. (00231c)
Huwag linisin ang Lexan ® polycarbonate sa ilalim ng init ng araw o mataas na temperatura. Ang mapulbo, nakakagasgas o alkaline na mga panglinis ay nakakasira ng windshield. Huwag kayurin ang windshield gamit ang labaha o iba pang matalas na instrumento dahil magdudulot ito ng permanenteng pinsala.
TALA
Ang pagtakip sa windshield gamit ang malinis at basang tela nang 15 minuto bago ito linisin ay magpapadali sa pagtanggal ng tuyong insektong dumikit dito.
Ang Harley-Davidson Windshield Water Repellent Treatment Bahagi Bilang 99841-01 ay aprubado upang gamitin sa mga Harley-Davidson na mga Lexan na ® windshield.
MGA PAMALIT NA PIYESA
Figure 4. Mga Pamalit na Piyesa: Mga Kit ng VRSC na Mabilis na Release na Windshield (57338-08, 57340-08, 58617-09, 58630-09)
Talahanayan 2. Talahanayan ng mga Pamalit na Piyesa:
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
1
Panserbisyong Kit ng Windshield (kasama ang item 2 hanggang 3)
10
Shoulder screw, button head
Hindi Ibinebenta
Touring, malinaw na windshield
57233-05
11
Spacer, cup washer
Hindi Ibinebenta
Super Touring, malinaw
57179-05
12
Belleville washer (2)
Hindi Ibinebenta
2
Windshield
Hindi Ibinebenta
13
Turnilyo, button head, Torx, may kasamang lock patch, 5/16-24 x 3/4 pulgada (8)
94639-99
3
Washer, goma, itim (12)
57964-97
14
Washer (10)
6352
4
Bracket, windshield mount, kanan
57189-05
15
Acorn nut, 5/16-24 (chrome) (8)
94007-90T
5
Bracket, windshield mount, kaliwa
57190-05
16
Visor, headlamp
69200-01
6
Bracket, gitnang pahalang
57210-05
17
Kit ng paglipat ng senyas sa pagliko (hindi pinapakita) Tingnan ang mga tagubilin na ibinigay sa kit para sa mga nilalaman ng kit.
57205-05
7
Assembly ng clamp, walang-kagamitan na pagpapalabas (4) (may kasamang dalawa ng item 8)
57400467
A
Gilid na Paningin ng mga Clamp na Na-assemble sa Bracket.
8
Gasket, (8 - 2 bawat clamp)
57197-05
TANDAAN: Ang hitsura ng mga aktwal na bahagi ay maaaring maiba mula sa ilustrasyon.
9
Kit ng Hardware, mount ng windshield (4) (kasama ang mga item 10 hanggang 12)
58790-04