GAUGE NG GASOLINA NG SPORTSTER
J048332022-10-10
PANGKALAHATAN
Numero ng Kit
75031-09, 75338-09
Mga Modelo
Para sa impormasyon ng fitment ng modelo, tingnan ang Parts and Accessories (Mga Piyesa at Accessory) (P&A) Retail na Katalogo o ang seksyon ng mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com .
Tiyakin na ginagamit ang pinakabagong bersyon ng pahina ng tagubilin. Makukuha ito sa: h-d.com/isheets
Makipag-ugnayan sa Harley-Davidson Customer Support Center sa 1-800-258-2464 (para sa U.S. lang) o sa 1-414-343-4056.
Mga Kinakailangan sa Pagkakabit
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Gamitin ang naaangkop na mga pamamaraan sa manwal ng serbisyo. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00333b)
TALA
Tumutukoy sa impormasyon sa manwal ng serbisyo ang pahina ng tagubilin na ito. Ang manwal ng serbisyo para sa taon/modelo ng motorsiklo ay kinakailangan para sa pagkakabit na ito at makukuha sa:
  • Isang Harley-Davidson dealer.
  • H-D Service Information Portal (Portal ng Impormasyon sa Serbisyo), isang akses na nakabatay sa subscription na magagamit ng karamihang 2001 at mas bagong modelo. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Mga madalas itanong tungkol sa mga subscription .
Para sa 2007 Sportster na mga Modelo: Isang update sa Digital Technician II ay kinakailangan para ang ilaw ng mababang gasolina ay gumana nang tama sa fuel gauge.
Mga Nilalaman ng Kit
Tingnan ang Figure 4 at Talahanayan 1 .
MAGHANDA
BABALA
Kapag nagkukumpuni ng sistema ng gasolina, huwag manigarilyo o magpahintulot ng apoy o sparks sa paligid. Ang gasolina ay napakadaling lumiyab at lubhang sumasabog, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00330a)
BABALA
Upang pigilan ang pagwisik ng gasolina, purgahin ang sistema ng high-pressure na gasolina bago idiskonekta ang linya ng supply. Ang gasolina ay napakadaling lumiyab at lubhang sumasabog, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00275a)
BABALA
Maaaring tumagas at masaid ang gasolina mula sa mga bahagi kapag hindi nakakabit sa fuel pump/filter/fuel level sender assembly. Ang gasolina ay napakadaling lumiyab at lubhang sumasabog, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. Punasan agad ang natapong gasolina at itapon ang mga basahan sa angkop na paraan. (00273a)
1. Ipurga ang fuel supply hose ng mataas na presyur na gasolina. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
2. Idiskonekta ang fuel supply hose mula sa fuel pump module. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
3. Alisin ang upuan. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
4. Tanggalin ang pangunahing fuse. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
5. Tanggalin ang tangke ng gasolina. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
6. Tanggalin ang fuel pump. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
7. Tanggalin ang mababang fuel level sender. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
PAGKAKABIT
Fuel Level Sensor
1. Tingnan ang Figure 1 . Ikabit ang bagong sensor.
a. Ikabit ang fuel sensor sa fuel pump module tulad ng sa oryentasyon na pinapakita at ilagay ang base sa pangmount na butas (4) ng fuel pump.
b. Hawakan ang fuel sensor sa pangmount na tab. Tingnan ang puwang sa pagitan ng fuel hose at sensor. Ang puwang ay dapat na hindi bababa sa 1,5 mm (0,06 in) . Kung ang puwang ay masyadong maliit o may pagdikit sa pagitan ng fuel hose at fuel sensor, ikutin ang fuel filter nang humigit-kumulang 3,3 mm (0,13 in) upang malipat ang fuel hose palayo mula sa fuel sensor. Kung ang puwang ay masyadong maliit, tanggalin ang fuel sensor at baluktutin ang pangmount na tab nang bahagya palayo mula sa fuel hose hanggang sa ang puwang ay sapat na.
c. Tingnan ang puwang sa pagitan ng fuel sensor at ng pagkakable ng fuel pump. Ang puwang ay dapat na hindi bababa sa 1,5 mm (0 in) . Kung kinakailangan, ilipat ang pagkakable gamit ang isang mapurol na kasangkapan, tulad ng isang screwdriver.
d. Ikabit ang fuel level sensor sa fuel pump gamit ang turnilyo (3). Higpitan nang sapat ang turnilyo upang makabit ang fuel sensor sa pangmount na tab.
e. Iruta ang pagkakable ng fuel level sensor sa ilalim ng fuel hose at ikonekta ang fuel level sensor sa konektor ng mababang gasolina na switch na nasa fuel pump module. Kung kinakailangan gumamit ng jumper harness ( Figure 4 , item 5).
f. Tingnan ang Figure 2 . Ikabit nang maigi ang mga kable at mga konektor.
2. Ikabit ang fuel pump at bagong gasket (kasama sa kit). Tingnan ang manwal ng serbisyo.
1Fuel level sensor
2Konektor ng fuel level sensor
3Turnilyo
4Lokasyon ng pangmount ng fuel level sensor
Figure 1. Ikabit ang Sensor ng Lebel ng Gasolina
Figure 2. Ikabit nang Maigi ang mga Kable at mga Konektor ng Fuel Pump.
1Tunilyo (2)
2Takip ng reservoir
3Diaphram plate
4Diaphram
5Harapang master cylinder
6Panukat ng gasolina
Figure 3. Ikabit ang Fuel Gauge sa Harapang Master Cylinder
Panukat ng Gasolina (Fuel Gauge)
BABALA
Ang pagkakadikit sa DOT 4 break fluid ay maaaring magkaroon ng malubhang epekto sa kalusugan. Ang hindi pagsusuot ng tamang proteksyon sa balat at mata ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala.
  • Kapag nasinghot: Manatiling kalmado, umalis patungo sa sariwang hangin, humingi ng medikal na tulong.
  • Kapag sa balat: Alisin ang mga kontaminadong damit. Banlawan agad ang balat gamit ang maraming tubig sa loob ng 15-20 minuto. Kapag nagkakaroon ng pagkairita, humingi ng medikal na tulong.
  • Kapag sa mata: Hugasan ang mga apektadong mata nang hindi bababa sa 15 minuto sa ilalim ng dumadaloy na tubig habang nakabukas ang mga talukap ng mata. Kapag nagkakaroon ng pagkairita, humingi ng medikal na tulong.
  • Kapag nalunok: Magmumog at pagkatapos ay uminom ng maraming tubig. Huwag piliting sumuka. Tawagan ang Poison Control. Kinakailangan ang agarang medikal na atensiyon.
  • Tingnan ang Safety Data Sheet (SDS) para sa higit pang mga detalye na makukuha sa sds.harley-davidson.com
(00240e)
PAUNAWA
Ang DOT 4 brake fluid ay makapipinsala sa pininturahan at mga ibabaw ng panel ng katawan kapag napadikit sa mga ito. Palaging gumamit ng pag-iingat at protektahan ang mga ibabaw mula sa mga pagtilamsik tuwing nag-aayos ng preno. Ang pagkabigong sundin ito ay maaaring magresulta sa pagkasirang kosmetiko. (00239c)
TALA
  • Kung ang DOT 4 brake fluid ay dumampi sa mga pininturahang bahagi, KAAGAD na hugasan ang bahaging iyon gamit ang malinis na tubig.
  • Takpan ang mga switch ng handlebar ng tuwalya bago maglagay ng brake fluid sa harapang master cylinder reservoir. Maaaring hindi na gumana ang mga switch ng handlebar kapag natapunan ng brake fluid.
  • Upang maiwasan ang dumi o iba pang mga nagpaparumi mula sa pagpasok sa master cylinder reservoir, linising maigi ang takip bago tanggalin.
1. Iposisyon at isiguro ang motorsiklo nang patayo (hindi nakasandal sa jiffy stand).
2. Tingnan ang Figure 3 . Tanggalin ang mga turnilyo (1), takip ng reservoir (2), diaphragm plate kasama ang diaphragm (3 at 4) mula sa harapang master cylinder (5).
3. Linisin ang lahat ng mga panselyong ibabaw ng master cylinder reservoir at takip ng reservoir.
TALA
Kapag nagkakabit ng isang chrome na fuel gauge, isiguro ang fuel gauge gamit ang mga chrome na turnilyo na kasama sa kit. Kapag nagkakabit ng isang itim na fuel gauge, isiguro ang fuel gauge gamit ang mga itim na Orihinal na Kagamitan (OE) turnilyo.
4. Ikabit ang fuel gauge (6), stock diaphragm plate at diaphragm (3 at 4) at dalawang mga turnilyo (1) sa harapang master cylinder (5). Higpitan ang mga turnilyo.
Torque: 1–1,9 N·m (9–17 in-lbs) Mga turnilyo ng takip ng master cylinder
5. Tingnan ang Figure 4 . Iruta ang fuel gauge harness sa kahabaan ng handlebar kasunod ng pagkakable ng senyas sa pagliko, pababa sa main harness. Pagkatapos ay iruta ito sa loob ng coil bracket at caddy ng main harness, pabalik sa backbone papunta sa bahagi ng seat pan.
6. Hanapin ang konektor ng fuel sender resistor [200B] na matatagpuan sa pagitan ng tangke ng langis at frame na nasa malapit ng seat pan. Idiskonekta ang assembly ng fuel sensor resistor [200A] mula sa konektor [200B] at ikonekta ang konektor ng fuel gauge sa puwesto nito.
7. I-splice ang mga kable.
a. 2013-mas lumang mga modelo: I-splice ang kahel na kable ng fuel gauge sa kahel/puti (O/W) na kable sa selyadong konektor ng splice na malapit sa likurang ilaw na konektor [7A] na matatagpuan sa bahagi ng seat pan.
b. 2014-mas bagong mga modelo: I-splice ang kahel na kable ng fuel gauge sa pula/dilaw (R/Y) na kable ng Kit ng Elektrikal na Koneksyon (Bahagi Blg. 72673-11). Ikonekta sa Dayagnostiko na konektor. I-tape ang hindi nagamit na mga kable.
8. Isiguro ang fuel gauge harness at kahel na kable sa main harness gamit ang mga strap ng kable (6). Ilikaw at isiguro ang sobrang harness at haba ng kable.
KUMPLETUHIN
1. Ikabit ang tangke ng gasolina. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
2. Ikabit ang pangunahing fuse. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
3. Ikabit ang upuan. Pagkatapos ikabit ang upuan, hilahin pataas ang upuan upang matiyak na ito ay naka-lock sa posisyon. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
KALIBRASYON NG DEALER - 2007 na Sporster na Modelo Lamang
TALA
Para sa 2007 Sportster na mga Modelo: Isang update sa Digital Technician II ay kinakailangan para ang ilaw ng mababang gasolina ay gumana nang tama sa fuel gauge. Ang indikator ng mababang gasolina sa speedometer ay mananatiling nakailaw hanggang sa ang update ay isinasagawa.
  1. Sa ilalim ng Toolbox tab sa Digital Technician II , piliin ang Vehicle Setup.
  2. Piliin ang Babalang Ilaw ng Mababang Gasolina. Isang babalang mensahe ng “PAG-IINGAT: HUWAG i-update ang anumang Sportster hanggang sa hindi pa naikabit ang isang bagong termination resistor (P/N 72545-08).” Piliin ang Update Now.
  3. Sa ilalim ng Toolbox tab sa Digital Technician II , piliin ang Fault Codes. Alisin ang anumang Diagnostic Trouble Codes (Mga Code ng Dayagnostikong Problema) (Mga DTC) .
  4. Isiklo ang switch ng ignisyon sa sasakyan.
OPERASYON
  • Kapag ang sasakyan ay pinaandar, lahat ng Light emitting diode (LED) mga bar ay iilaw sa simula, pagkatapos LED mamamatay ang mga bar, kung kinakailangan, upang matukoy ang kasalukuyang lebel ng gasolina.
  • Lahat ng apat LED na mga bar ng fuel gauge ay iilaw kapag puno ang tangke ng gasolina. Ang mga bar ay mamamatay habang ang lebel ng gasolina sa sasakyan ay bumaba.
  • Ang indikator ng mababang gasolina sa speedometer ay iilaw kasabay ng oras kapag ang fuel gauge ay bumaba mula sa dalawang bar hanggang sa isang bar na lang ang nakailaw. Ito ay ang parehong lebel ng gasolina kung saan ang pinapagana ng orihinal na mababang fuel sender ang indikator.
  • Ang lebel ng gasolina na nakatukoy sa fuel gauge ay pagtatantiya. Ang tagal ng panahon na ang fuel gauge ay nakatukoy ng isang “puno” na tangke ng gasolina ay nag-iiba-iba depende sa laki at istilo ng tangke ng gasolina.
  • Ang icon ng gas pump na nasa fuel gauge ay laging nakailaw sa panahon ng normal na operasyon.
  • Ang huling nakailaw na bar ng lebel ng gasolina ay magsisimulang mag-flash kapag ang lebel ng gasolina ay bababa sa lebel ng gasolina na nasusukat ng sensor.
  • Ang fuel gauge ay sensitibo sa ilaw at awtomatikong didilim sa mga kondisyon na kaunti ang ilaw.
TALA
Iwasang mag-spray ng tubig nang direkta sa fuel gauge display window sa panahon ng paghuhugas.
MGA DAYAGNOSTIKO
Ang digital na fuel gauge display ay paiilawin ang lahat ng LED mga ilaw upang magpakita ng mga error code tulad ng mga sumusunod: :
  • Short circuit - 0.5 segundo bawat flash
  • Walang sender input - 1 segundo bawat flash
  • Open circuit - 2 segundo bawat flash
MGA PAMALIT NA PIYESA
Figure 4. Mga Pamalit na Bahagi para sa Fuel Gauge ng Sportster
Talahanayan 1. Talahanayan ng mga Pamalit na Piyesa:
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
1
Fuel gauge, digital
Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay
2
Selyo, cover plate ng fuel pump
75301-07
3
Sensor, fuel gauge
75093-09
4
Splice, selyado, 14-16 AWG
70586-93
5
Harness, jumper
70449-09
6
Strap ng Kable (5)
10065
7
Turnilyo, sems
2492
8
Turnilyo, chrome (Kit 75338-09 lamang)
2498