LICENSE PLATE RELOCATION KIT
J055102018-09-24
PANGKALAHATAN
Numero ng Kit
67900130
Mga Modelo
Para sa impormasyon tungkol sa pagiging sukat sa modelo, tingnan ang P&A Retail Catalog o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (English lamang).
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Gamitin ang naaangkop na mga pamamaraan sa manwal ng serbisyo. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00333b)
TALA
Tumutukoy sa impormasyon sa manwal ng serbisyo ang pahina ng tagubilin na ito. Ang manwal ng serbisyo para sa modelo ng inyong motorsiklo ay kinakailangan para sa pagkakabit na ito at ito ay makukuha sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Ang kit na ito kailangan upang makumpleto ang pagkakabit ng Saddlebag Kit o Docking Hardware sa mga partikular na modelong motorsiklo. Tingnan ang retail na katalogo ng P & A o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (Ingles lamang) para sa impormasyon hinggil sa fitment ng modelo at mga tamang numero ng piyesa ng Saddlebag o Docking Hardware Kit.
Mga Nilalaman ng Kit
Tingnan ang Figure 4 at Talahanayan 1 .
PAGTATANGGAL
TALA
Bago tanggalin ang mga wire ng senyas ng pagliko, maingat na tandaan ang pagruruta ng wire at mga lokasyon ng pangkonekta. Higit sa lahat, bigyang pansin ang mga lokasyon ng mga strap ng kable na maaaring kailanganing palitan.
1. Tanggalin ang pangunahing fuse.
2. Sumangguni sa manwal ng may-ari para tanggalin ang upuan.
3. Tingnan ang Figure 2 . Idiskonekta ang senyales ng pagliko at wiring ng illuminator ng plaka ng lisensya mula sa harness ng ilaw sa likod (12) na matatagpuan sa ilalim ng upuan.
4. Alisin ang assembly ng senyas ng pagliko sa kaliwang kamay (11)
5. Aisin ang assembly ng plaka ng lisensya na naka-mount sa gilid (10) at itapon.
6. Alisin ang assembly ng senyas ng pagliko sa kanang kamay (11).
7. Alisin ang mga turnilyong pang-mount ng fender (2).
8. Alisin ang mga bracket na pang-mount ng fender (7). Alisin ang mga channel ng plastik na kable (9) at i-save.
9. Alisin ang reflector sa likod (15) mula sa likurang dulo ng fender.
10. Alisin ang plastik na takip (14) mula sa likurang butas sa fender.
TALA
Tandaan ang mga kulay ng wire at mga lokasyon ng cavity bago alisin ang mga terminal mula sa mga socket housing.
11. Tingnan ang Figure 1 . Alisin ang mga itim (10), violet (11) at asul (12) na wire at mga socket terminal mula sa mga STT socket housing (13). Itabi ang mga STT lamp at socket housing para sa pagkakabit sa ibang pagkakataon.
12. Tingnan ang Figure 4 . Kumuha ng tatlong bagong wire, isang itim (10), isang violet (9) at isang asul (8), mula sa kit.
13. Ipasok ang tool sa pagitan ng panlabas na gilid ng gomang gasket (4) at sa loob ng housing. Dahan-dahang i-angat and reflector (5) hanggang sa makalas.
1Housing
2Lens
3Bumbilya
4Gasket/Sapatilya
5Reflector
6Socket ng bumbilya
7Spring
8Unthreaded na butas
9Threaded na butas
10Itim na wire
11Violet na wire
12Asul na wire
13Four-way socket housing
14Pamprotektang tubing
15Takip ng recess
16Lockwasher
17Hex nut
Figure 1. Stop/Tail/ITurn Signal Lamp
14. Alisin ang ground terminal at itim na wire (10) mula sa likod ng reflector.
TALA
Tandaan ang lokasyon ng cavity at kulay ng bawat wire sa reflector bulb socket (6) bago alisin. Ang violet wire ang dapat na pinakamalapit sa locating tab sa socket ng bumbilya. Dapat ikabit ang mga bagong wire mula sa kit sa parehong cavity.
15. Tandaan ang lokasyon at kulay ng dalawang wire sa reflector bulb socket. I-slide ang socket ng bumbilya mula sa reflector. Alisin ang mga wire at button terminal mula sa socket ng bumbilya. Gabayan ang pamprotektang tubing (14) habang ang lahat ng tatlong wire ay nasa labas ng non-threaded na butas (8) sa housing ng ilaw, at itapon.
16. Ulitin ang hakbang 8 hanggang 11 para sa kabilang STT lamp.
17. Ipasok ang terminal ng bagong itim na wire (10) sa cavity sa likod ng reflector (5) hanggang sa mag-click ito sa pwesto. I-thread ang asul na wire (12) at violet na wire (11) sa gitna ng reflector (5), at ng spring (7), at ipasok ang mga button terminal sa mga tamang puwang (slot) at cavity sa reflector bulb socket (6)
18. I-assemble ang ilaw tulad ng sumusunod:
a. Ipasok ang spring at socket ng bumbilya pabalik sa reflector, habang pinagpapantay ang tab sa socket sa puwang sa reflector.
b. I-upo ang reflector assembly sa gomang gasket, habang pinagpapantay ang tab sa reflector sa puwang (slot) sa gasket.
c. Ikabit ang assembly ng reflector, at ipantay ang tab na nasa reflector sa butas sa loob ng ilaw at mag-iwan ng humigit-kumulang 25-50mm (1-2 in) ng wire sa loob ng housing ng ilaw. Maingat na hilahin ang mga indibidwal na wire sa harap na bukasan ng STT relocation weldment upang alisin ang sobrang wire mula sa loob ng tubo.
d. Gamit ang mga hinlalaki ng parehong kamay, lagyan ng katamtamang puwersa ang paligid ng reflector assembly hanggang sa ganap itong maipuwesto.
e. Maglagay ng marami-raming electrical contact lubricant (H-D Piyesa Blg. 99861-02 o katumbas) sa mga contact sa reflector socket at sa ilalim ng bumbilya. Itulak papasok ang bumbilya at ikutin nang pa-clockwise upang maikabit.
f. Ikabit ang lens sa ilaw at dahan-dahang lagyan ng pwersa gamit ang hinlalaki hanggang sa mag-snap ito sa puwesto. Ikutin ang lens upang maiposisyon ang puwang sa ilalim ng ilaw.
19. Ulitin ang hakbang 13 hanggang 17 para sa kabilang STT lamp.
20. Tingnan ang Figure 4 . Kunin ang pamprotektang tubing (12) mula sa kit, at putulin sa dalawang magkapantay na piraso.
TALA
Kung kinakailangan, maglagay ng maninpis na likidong sabon, panlinis ng bintana o all-purpose na lubricant sa loob at labas ng pamprotekang tubing.
21. I-slide ang pamprotektang tubing sa ibabaw ng tatlong turn signal wire.
22. Sumangguni sa mga tala na ginawa kasabay ng hakbang sa pag-aalis, sa wiring diagram, at seksyon ng AMP ELECTRICAL CONNECTORS sa manwal ng serbisyo. I-crimp ang mga socket terminal sa bawat wire ng senyas ng pagliko. Ikabit ang mga socket connector sa mga tamang cavity ng housing ng socket.
Figure 2. Tanggalin ang Kasalukuyang Side Mount License Plate Assembly
PAGKAKABIT
1. Tingnan ang Figure 4 . Sumangguni sa mga pahina ng tagubilin para sa mga accessory na ikinakabit kasama ng kit na ito (hal., mga saddlebag, upright, o turn signal relocation kit). Dapat nakakabit ang license plate relocation kit kasama ang mga accessory na ito.
2. Para sa pagkakabit kasama ng mga saddlebag gumamit ng mga fender mounting bracket (Numero ng Piyesa 57300019). Para sa pagkakabit kasama ng mga detachable na accessory ngunit walang saddlebag gumamit ng mga fender mounting bracket (Numero ng Piyesa 57300020). Itapon ang anumang hindi ginagamit na fender mounting bracket mula sa kit na ito o iba pang mga accessory kit na ikinakabit.
3. I-snap ang mga plastic wiring channel (A) na naunang itinabi, sa mga bagong fender mounting bracket (2).
4. Ilagay ang gitnang mount na license plate module (3) sa ilalim ng fender at ikabit ito gamit ang turnilyo (6).
5. Kung ikinabit na may two-up na upuan, gumamit ng plastic washer (12) sa pagitan ng pang-mount na tab ng upuan at ng fender.
6. Ang fender mounting bracket ay nakakabit sa ibabaw ng butas sa gilid sa module ng license plate (3) at nakakabit gamit ang hardware mula sa saddlebag, upright o turn signal relocation kit. Ulitin para sa kabilang bahagi.
7. Kumpletuhin ang pagkakabit ng iba pang mga accessory alinsunod sa mga pahina ng tagubilin na kasama ng mga kit na iyon.
8. Tanggalin ang pandikit sa likod mula sa reflector (5). Ilagay ang reflector sa reflector bracket (4).
9. I-snap ang reflector bracket (4) sa license plate module.
10. Iruta ang license plate illuminator wire sa wire channel (A) sa kanang bahagi ng fender mount bracket. Ikonekta ang socket connector mula sa illuminator wiring gamit ang mating pin connector harness (18) sa sasakyan.
11. Sumangguni sa pahina ng tagubilin para sa pagkakabit ng accessory para sa mga tagubilin sa pagruruta ng wire ng senyas ng pagliko. Iruta ang wiring sa mga wire channel. Kapag gumagamit ng fender mounting bracket 57300020 ang wiring ng senyas ng pagliko ay dapat dumaan sa puwang sa mounting bracket bago iruta sa mga plastic wiring channel. Tingnan ang Figure 3 .Ikonekta ang mga socket housing sa wiring ng senyas ng pagliko sa pangkonekta ng mating pin sa harness ng ilaw sa likod (F).
1Wiring ng senyas ng pagliko
2Puwang (slot) ng mounting bracket
Figure 3. Pagruruta ng Wire
12. Ikabit ang upuan.
13. Ikabit ang pangunahing fuse.
MGA PAMALIT NA PIYESA
Figure 4. Mga Pamalit na Piyesa: Relocation Kit ng Plaka ng Lisensya
Talahanayan 1. Talahanayan ng mga Pamalit na Piyesa:
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
1
Bracket, fender mount sa likod (2)
57300019
2
Bracket, fender mount sa likod (2)
57300020
3
Module ng plaka ng lisensya
67900125
4
Bracket, reflector ng plaka ng lisensya
60907-09
5
Reflector, pula
59512-06B
6
Button head Phillip Sems, SST
3085
7
Ilaw ng plaka ng lisensya
73504-11
8
Socket housing
72914-01BK
9
Terminal pin (2)
72991-01
10
Turnilyo, self tapping (2)
4091
11
Harness ng kawad (hindi ipinapakita)
70726-10
12
Washer, nylon
7487
Mga bagay na binanggit sa text, ngunit hindi kasama sa kit:
A
Wire channel (2)
B
Directional lamp, likuran (2)
C
Spacer
D
Harness, ilaw sa likod