KIT NG CB NA RADYO NG BOOM! BOX
J057672018-11-28
MGA NILALAMAN NG KIT
Figure 1. Mga Bahagi ng CB na Radyo ng Boom! Box
Talahanayan 1. Mga Bahagi ng CB na Radyo ng Boom! Box
Item
Qty
Paglalarawan
Part No. (Piyesa Blg.)
Mga tala
1
2
Keps™ nut
7838
2
1
Mounting bracket
57000247
3
3
Turnilyo
2478
2,8–4 N·m (25–35 in-lbs)
4
1
CB na Modyul
Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay
5
3
Washer
6716
Para sa mga modelong may fairing na nakakabit sa fork lamang
TALA
Tiyakin na lahat ng nilalaman ay nasa kit bago magkabit o magtanggal ng mga item mula sa sasakyan.
TALA
Tumutukoy sa impormasyon sa manwal ng serbisyo ang pahina ng tagubilin na ito. Ang manwal ng serbisyo para sa taon/modelo na ito ng motorsiklo ay kinakailangan para sa pagkakabit na ito. Mayroong isa na makukuha mula sa dealer ng Harley-Davidson.
PANGKALAHATAN
Numero ng Kit
76000486A
Mga Modelo
Para sa impormasyon tungkol sa pagiging sukat sa modelo, tingnan ang P&A Retail Catalog o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (English lamang).
Bisitahin ang https://serviceinfo.harley-davidson.com para sa pinakabagong pahina ng tagubilin.
Makipag-ugnayan sa Harley-Davidson Customer Support Center sa 1-800-258-2464 (para sa U.S. lang) o sa 1-414-343-4056.
Mga Kinakailangan sa Pagkakabit
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Gamitin ang naaangkop na mga pamamaraan sa manwal ng serbisyo. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00333b)
Ang mga item na ito ay makukuha sa iyong lokal na dealership ng Harley-Davidson.
  • 2014 at mga mas bagong Touring at Trike na modelo: Kinakailangan ang hiwalay na pagbili ng CB na antenna (Piyesa Blg. 76250-09 o 76386-09A) para sa pagkakabit na ito.
  • 2014-2018 na mga Touring at Trike na modelo na walang PTT button: Kinakailangan ang hiwalay na pagbili ng modyul ng kontrol ng kanang kamay (Piyesa Blg. 71500130C) para sa pagkakabit na ito.
Kinakailangan ang pag-update ng software ng radyo pagkatapos ikabit ang CB na modyul para gumana nang maayos ang sistema. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Muling gagamitin ng mga 2019 at mga mas bagong Trike na modelo ang Orihinal na Kagamitan (OE) Hazard/Start/Reverse cap sa bagong kontrol ng kamay.
Overload sa Kuryente
PAUNAWA
Posibleng ma-overload ang charging system ng iyong sasakyan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng napakaraming de-kuryenteng accessory. Kung ang pinagsamang de-koryenteng accessory na gumagana nang sabay-sabay ay kumokonsumo ng higit pa sa kuryenteng kayang likhain ng charging system ng sasakyan, maaaring madiskarga ng pagkonsumo ng kuryente ang baterya at magdulot ng pinsala sa sistemang elektrikal ng sasakyan. (00211d)
BABALA
Kapag nag-i-install ng anumang de-kuryenteng accessory, tiyaking hindi lalampas sa maximum na rating ng amperage ng fuse o circuit breaker na nagpoprotekta sa naapektuhang circuit na binabago. Ang paglampas sa maximum na amperage ay maaaring humantong sa mga pagpalyang elektrikal, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00310a)
Ang CB na Radyo ay nangangailangan ng hanggang 2.0 na Amp na karagdagang kuryente mula sa elektrikal na sistema.
MAGHANDA
BABALA
Upang maiwasan ang aksidenteng pag-andar ng sasakyan, na maaaring magdulot ng kamatayan o malubhang pinsala, alisin ang pangunahing fuse bago magpatuloy. (00251b)
1. Tanggalin ang pangunahing fuse. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
2. Tanggalin ang panlabas na fairing. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
PAGKAKABIT
Fairing na Nakakabit sa Fork:
1. Tingnan ang Figure 2 . Ihanay ang butas (3) sa mounting bracket (5) na may anti-rotation boss (4).
2. Ikabit ang mga turnilyo (2). Higpitan.
Torque: 2,8–4 N·m (25–35 in-lbs)
3. Ikabit ang CB na modyul (1) sa bracket (5).
4. Ikabit ang turnilyo (6). Higpitan.
Torque: 2,8–4 N·m (25–35 in-lbs)
5. Tingnan ang Figure 3 . Ikonekta ang 12-place na housing ng socket sa CB [184] (1).
1CB na Modyul
2Tunilyo (2)
3Panghanay na butas
4Anti-rotation boss
5Mounting bracket
6Turnilyo
Figure 2. Ikabit ang CB na Modyul: Fairing na Nakakabit sa Fork
1Pangkonekta ng CB na Modyul
2Pangkonekta ng CB na Antenna
3Turnilyo
Figure 3. Mga Pangkonekta ng Panloob na Harness ng Fairing
Fairing na Nakakabit sa Frame:
1. Tingnan ang Figure 4 . Ikabit ang pinagkakabitang bracket (2).
2. Ikabit ang mga turnilyo (1) at nut (6). Higpitan.
Torque: 2,8–4 N·m (25–35 in-lbs)
3. Ikabit ang CB na modyul (5) sa bracket (2).
4. Ikabit ang mga washer (3) sa pagitan ng CB na modyul (5) at bracket (2).
5. Ikabit ang turnilyo (4). Higpitan.
Torque: 2,8–4 N·m (25–35 in-lbs)
6. Tingnan ang Figure 5 . Ikonekta ang 12-place na housing ng socket sa CB [184] (1).
1Tunilyo (2)
2Mounting bracket
3Washer (3)
4Turnilyo
5CB na Modyul
6Nut (2)
Figure 4. Ikabit ang CB na Modyul: Fairing na Nakakabit sa Frame
1Pangkonekta ng CB na Modyul
2Pangkonekta ng CB na Antenna
3Turnilyo
Figure 5. Mga Pangkonekta ng Panloob na Harness ng Fairing
Push-to-Talk (PTT) Button - 2014 hanggang 2018 na mga Modelong Touring at Trike
1. Tingnan ang Figure 6 . Palitan ang modyul ng kontrol ng kanang kamay ng Piyesa Blg. 71500130C. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
2. Gamitin ang Digital Technician II para mapagana ang software ng radyo. Magtungo sa isang dealer ng Harley Davidson.

Espesyal na Tool: DIGITAL TECHNICIAN II (HD-48650)

1Hazard/Start Cap
2Info Cap
3PTT/Squelch Cap
Figure 6. 2014 at Mas Bagong Kanang Kontrol (71500130C)
Push-to-Talk (PTT) Button - 2019 at Mga Mas Bagong Modelong Touring at Trike
1. Tanggalin OE ang modyul ng kontrol ng kanang kamay. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
2. Ma touring na modelo: Tingnan ang Figure 7 . Ikabit ang modyul ng kontrol ng kanang kamay Piyesa Blg. 71500130C. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
a. Kalasin ang switch housing.
b. Tingnan ang Figure 6 . Tanggalin ang Info cap (2) mula sa bagong modyul ng kontrol.
c. Tingnan ang Figure 7 . Ikabit ang cap ng Senyas ng Pag-atras/Pagliko sa Kanan (5) sa bagong modyul ng kontrol.
d. I-assemble ang switch housing.
3. Mga trike na modelo: Ikabit ang modyul ng kontrol ng kanang kamay Piyesa Blg. 71500130C. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
a. Kalasin ang switch housing.
b. Tingnan ang Figure 6 . Tanggalin ang Info cap (2) at Hazard/Start cap (1) mula sa bagong modyul ng kontrol.
c. Tingnan ang Figure 8 . Tanggalin ang Hazard/Start/Reverse cap (7) mula sa OE modyul ng kontrol.
d. Tingnan ang Figure 8 . Ikabit ang cap ng Senyas ng Pag-atras/Pagliko sa Kanan (8) sa bagong modyul ng kontrol.
e. Tingnan ang Figure 8 . Ikabit ang Hazard/Start/Reverse cap (7) sa bagong modyul ng kontrol.
f. I-assemble ang switch housing.
4. Gamitin ang Digital Technician II para mapagana ang software ng radyo. Magtungo sa isang dealer ng Harley Davidson.

Espesyal na Tool: DIGITAL TECHNICIAN II (HD-48650)

4Hazard/Start Cap
5Cap ng Senyas ng Pag-atras/Pagliko sa Kanan
6PTT/Squelch Cap
Figure 7. 2019 at Mas Bagong Kontrol sa Kanan na view pagkatapos ng pagpapalit ng Cap ng Switch
7Hazard/Start/Reverse Cap
8Cap ng Senyas ng Pag-atras/Pagliko sa Kanan
Figure 8. 2019 at Mas Bagong Kanang Kontrol ng Trike (OE)
KUMPLETUHIN
1. Ikabit ang panlabas na fairing. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
2. Ikabit ang pangunahing fuse. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
PAG-A-ADJUST NG SWR
Ang Standing wave ratio (SWR) ay isang teknikal na termino para sa proseso na sumusuri kung gaano kahusay na naitugma ang CB transmitter at antenna. Kapag napansing mahina ang resepsyon o transmisyon ng CB, dapat itsek ang SWR.
Upang itsek ang SWR, kinakailangan ang isang SWR na metro o tulay. Maaaring magkaroon ang isang dealer ng Harley-Davidson ng SWR na metro at mga nararapat na adapter, o maaari ka nitong idirekta sa isang pagawaan ng CB para sa pagsusuri ng SWR.
Dahil magkakaiba ang mga proseso ng pagpapagana ng mga SWR na metro, tiyaking maingat na sinusunod ang mga tagubilin sa pagpapagana ng SWR na metro.
OPERASYON
Tingnan ang manwal ng may-ari ng BOOM! BOX para sa mga tagubilin sa pagpapagana. Tingnan ang Harley-Davidson.com para mabasa ang manwal ng may-ari online.