SCREAMIN' EAGLE 4-1/8 PULGADANG BOLT-ON PISTON KIT
J062822020-08-20
PANGKALAHATAN
Mga Numero ng Kit
21900079
Mga Modelo
Para sa impormasyon tungkol sa pagiging sukat sa modelo, tingnan ang P&A Retail Catalog o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (English lamang).
Mga Kinakailangan sa Pagkakabit
PAUNAWA
Dapat mong i-recalibrate ang ECM kapag in-install ang kit na ito. Ang hindi maayos na pag-recalibrate ng ECM ay maaaring magresulta sa malubhang pinsala sa makina. (00399b)
TALA
Ang wastong pag-i-install ng kit na ito ay nangangailangan din ng paggamit ng Digital Technician™ sa isang Dealer ng Harley-Davidson.
Para maikabit nang maayos ang kit na ito, kinakailangan din ang ECM recalibration gamit ang EFI Race Tuner Kit. Sumangguni sa Screamin' Eagle Pro Catalog o makipag-ugnayan sa isang dealer ng Harley-Davidson.
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Gamitin ang naaangkop na mga pamamaraan sa manwal ng serbisyo. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00333b)
TALA
Tumutukoy sa impormasyon sa manwal ng serbisyo ang pahina ng tagubilin na ito. Ang manwal ng serbisyo para sa taon/modelo ng iyong motorsiklo ay kinakailangan para sa pagkakabit na ito. Mayroong isa na makukuha mula sa dealer ng Harley-Davidson.
Mga Nilalaman ng Kit
Tingnan ang Figure 4 at Talahanayan 3 .
Ang performance part na ito na may kaugnayan-sa-makina ay inilaan para gamitin para sa high performance o racing. Hindi ligal na ibenta o gamitin sa mga demotor na sasakyang kontrolado ng polusyon. Binababaan o ipinapawalang-bisa ng kit na ito ang limitadong garantiya ng sasakyan. Ang mga performance parts na may kaugnayan sa makina ay nakalaan PARA LAMANG SA MGA SANAY NA NAGMOMOTOR.
PAGKAKABIT
1. I-angat ang motorsiklo.
TALA
I-disarm ang security system.
2. Alisin ang upuan alinsunod sa mga tagubilin sa manwal ng serbisyo.
3. Para sa Mga Touring na Modelo: Alisin ang kaliwang saddlebag. Tanggalin ang pangunahing fuse. Sumangguni sa manwal ng serbisyo. Para sa Mga Softail na Modelo: Alisin ang pangunahing fuse. Sumangguni sa manwal ng serbisyo. Para sa Mga Dyna na Modelo: Alisin ang takip ng electrical caddy at pangunahing fuse. Sumangguni sa manwal ng serbisyo.
BABALA
Upang maiwasan ang aksidenteng pagsisimula ng sasakyan, na maaaring magdulot ng kamatayan o malubhang pinsala, alisin ang mga kable ng baterya (negatibong (-) kable muna) bago magpatuloy. (00307a)
BABALA
Tanggalin muna ang pagkakakonekta ng negatibong (-) kable ng baterya. Kapag napadikit ang positibong (+) kable sa ground habang nakakonekta ang negatibong (-) kable, maaaring maging sanhi ng pagsabog ng baterya ang mga magreresultang pagsiklab, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00049a)
4. Idiskonekta ang negatibong kable ng baterya.
5. Sumangguni sa mga naaangkop na seksyon ng manwal ng serbisyo para sa mga pamamaraan ng pagtatanggal ng cylinder head, cylinder, at piston.
6. Sundin ang mga pamamaraan sa manwal ng serbisyo para sa pag-iinspeksyon ng mga piyesa.
Figure 1. 0.394 pulgada (10.0 mm)
Mga Panukat na Piston
  1. Hayaang lumamig ang piston hanggang sa temperatura ng silid.
  2. Gamit ang lapis o marker, markahan ang piston sa bawat panig ng skirt sa tapat ng thrust faces (na perpendicular sa piston pin bore) 0394. pulgada (10.0 mm) mula sa ibabang dulo ng chamfer sa piston skirt.
  3. Gamit ang isang micrometer sa mga marka, sukatin ang nominal na dyametro ng piston.
  4. Gumamit ng dial bore gauge para sukatin ang travel zone gn piston ring sa cylinder bore.
Pagkakabit ng Mga Piston
  1. Ang mga piston sa kit na ito ay hindi nakapartikular sa harapan at likurang cylinder. Ikabit ang mga piston sa harapan at likurang cylinder habang nakaturo sa harapan ng makina ang arrow.
  2. TALA
    Ikabit ang mga ring habang nakaharap sa itaas ang mga marka. Ang mga ring na walang marka ay maaaring ikabit nang alinmang panig ang nakaharap sa taas.
    Ang mga 4.125 pulgadang cylinder ay gumagamit ng parehong cylinder base at mga crankcase dowel O-ring gaya ng stock 4.00 sa mga CVO cylinder.
    Palagin itsek ang espasyo sa pagitan ng piston-to-valve at mga non-stock camshaft.
    Para sa ring compression tool, tingnan ang mga tagubilin sa Service Tool J06234, Ring Compressor Band Tool #HD96333-106 (4-1/8).
Talahanayan 1. Mga Ispesipikasyon ng Piston
ITEM
IN.
MM
Sukat sa cylinder
.001-.0027
.025-.069
Puwang sa dulo ng Top Ring
Puwang sa Dulo ng Ika-2 Ring
Puwang sa Rail ng Ring na Pangontrol ng Langis
.009-.019
.016-.026
.001-.030
.220-.470
.400-.660
.250-.770
Espasyo sa Gilid ng Top Ring
Espasyo sa Gilid ng Ika-2 Ring
Espasyo sa Gilid ng Ring na Pangontrol ng Langis
.0002-.0025
.0004-.0026
.0015-.0074
.005-.063
.011-.066
.037-.187
Piston Pin na Sukat (Maluwag)
.0006-.0009
.014-.024
Talahanayan 2. Mga Limitasyon ng Pagkaluma ng Serbisyo
ITEM
IN.
MM
Sukat sa Cylinder (Maluwag)
.0040
.102
Piston Pin na Sukat (Maluwag)
.0013
.033
Puwang sa dulo ng Top Ring
Puwang sa Dulo ng Ika-2 Ring
Puwang sa Rail ng Ring na Pangontrol ng Langis
.029
.036
.030
.737
.914
.762
Espasyo sa Gilid ng Top Ring
Espasyo sa Gilid ng Ika-2 Ring
Espasyo sa Gilid ng Ring na Pangontrol ng Langis
.0033
.0034
.0083
.083
.086
.210
Pagkakabit ng Circlip ng Piston Pin
1. Tingnan ang Figure 2 . Ipasok ang bukas na dulo ng circlip (1) sa kutab (2) na nasa uka(3).
2. Tingnan ang Figure 3 . Ilagay ang hinlalaki sa piston (1). Diinan nang maigi hanggang humigit-kumulang 85% ng circlip (2) ay nakalapat sa uka.
3. Gumamit ng screwdriver na may maliit na blade upang ikalso ang circlip sa natitirang uka. Huwag gasgasan o sirain ang piston. Ulitin para sa mga nalalabing circlip.
TALA
Tiyakin na ganap na nakalapat ang circlip para sa maayos na pagkakabit.
1Circlip
2Notch
3Uka
Figure 2. Circlip at Piston
1Posisyon ng hinlalaki sa piston
2Circlip 85% na nakalapat
Figure 3. Ikabit ang Circlip
4. Ikabit ang mga cylinder head, cylinder, at mga high compression piston at ring mula sa kit. Sumangguni sa naaangkop ng mga seksyon ng manwal ng serbisyo.
PINAL NA PAG-ASSEMBLE
1. Ikabit ang tangke ng gasolina alinsunod sa mga tagubilin sa manwal ng serbisyo.
2. Para sa mga Touring na Modelo: Ikabit ang pangunahing fuse, takip sa kaliwa at kaliwang saddlebag. Sumangguni sa manwal ng serbisyo. Para sa Mga Softail na Modelo: Ikabit ang pangunahing fuse. Sumangguni sa manwal ng serbisyo. Para sa Mga Dyna na Modelo: Ikabit ang pangunahing fuse at takip ng electrical caddy. Sumangguni sa manwal ng serbisyo.
3. Tingnan ang manwal ng serbisyo. Ikabit ang upuan. Pagkatapos ikabit ang upuan, hatakin pataas ang upuan upang matiyak na nakakabit ito nang mabuti.
PAUNAWA
Dapat mong i-recalibrate ang ECM kapag in-install ang kit na ito. Ang hindi maayos na pag-recalibrate ng ECM ay maaaring magresulta sa malubhang pinsala sa makina. (00399b)
4. Sumangguni sa Screamin' Eagle Pro Catalog o makipag-ugnayan sa isang dealer ng Harley-Davidson.
BABALA
Pagkatapos ikabit ang upuan, hilahin pataas ang upuan upang matiyak na ito ay naka-lock sa posisyon. Habang nakasakay, maaaring gumalaw at maging sanhi ng pagkawala ng kontrol ang maluwag na upuan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00070b)
5. Patakbuhin ang makina. Ulitin nang ilang beses upang tiyakin na tama ang operasyon.
Mga Panuntunan sa Break-in na Pagsakay
Sumangguni sa Manwal ng May-ari upang i-break in ang motorsiklo.
MGA PAMALIT NA PIYESA
Figure 4. Mga Pamalit na Piyesa: Screamin' Eagle 4.125 Inch Bolt-On Piston Kit
Talahanayan 3. Mga Pamalit na Piyesa: Screamin' Eagle 4.125 Inch Bolt-On Piston Kit
Kit
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
21900079
Istandard
1
Piston, istandard
Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay
2
Piston Ring Set, istandard (2)
22000051
3
Pin, piston (2)
22100001
4
Circlip, piston pin (4)
22097-99