KNOCKOUT CUSTOM WHEEL KIT
J065772021-10-19
PANGKALAHATAN
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Ang pag-i-install ng dealer ay iniaatas para sa mga sasakyang may mga ABS na preno. Ang wastong pag-i-install ng kit na ito ay nangangailangan ng paggamit ng mga espesyal na kasangkapan na available lamang sa pamamagitan ng isang Dealer ng Harley-Davidson. Ang hindi wastong naserbisyong sistema ng brake ay pwedeng makaapekto sa pagganap ng preno, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00578b)
BABALA
I-install lamang ang mga gulong at mga installation kit na naaprubahan para sa iyong modelo ng motorsiklo. Bumisita sa isang dealer ng Harley-Davidson para tiyakin ang pagkakatugma. Ang hindi wastong pagtutugma ng mga gulong at mga installation kit o pag-i-install ng mga gulong na hindi naaprubahan para sa iyong modelo ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00610c)
Numero ng Kit
43300494 at 43300496
Mga Modelo
Para sa impormasyon tungkol sa pagiging sukat sa modelo, tingnan ang P&A Retail Catalog o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (English lamang).
Mga Nilalaman ng Kit
Tingnan ang Figure 6 , Figure 7 and Figure 8 .
Mga Kinakailangan sa Pagkakabit
Ang wastong pagkakabit ng kit na ito ay nangangailangan ng sumusunod na mga espesyal na item.
Mga Kinakailangan para sa Harapang Fork Lowering
  • Loctite ® 565 Thread Sealant (99818-97)
  • Harley-Davidson ® Seal Grease (11300005)
  • Fork Tube Holder (HD-41177)
  • Selyo ng Fork/Bushing Tool (HD-45305)
  • Oil Level Gauge ng Harapang Fork (HD-59000B)
  • Spring Compressing Tool ng Harapang Fork (HD-45966)
  • Mga Ekstensyon na Kasangkapan (HD-45966-1)
Mga Kinakailangan para sa Knockout 21” na Harapang Gulong
Hindi compatible ang mga takip ng accessory hub sa ruwedang ito.
  • Kit ng Pagkakabit ng Gulong na NON ABS (41455-08C), May ABS (41454-08B)
  • (10) Mga Turnilyo ng Brake Disc/Hub Cap (3655A) o (2) Mga kit ng Chrome na Turnilyo (46646-05)
  • Pantanggal at Pang-install ng Bearing ng Gulong (94134-09)
  • Gulong: (43100008)
  • Mga Rotor: Tingnan ang katalogo para sa aprubadong rotor fitment.
  • Fender: Tingnan ang katalogo para sa aprubadong fender fitment.
Mga Kinakailangan para sa Knockout 18” na Likurang Gulong:
  • Kit ng Pagkakabit ng Gulong na NON ABS (41456-08C), May ABS (41453-08C)
  • (5) Mga Turnilyo ng Brake Disc (43567-92 o 46647-05)
  • Pantanggal at Pang-install ng Bearing ng Gulong (94134-09)
  • Gulong: (44006-09)
INIREREKUMENDANG MGA DAGDAG NA BAHAGI
Ang mga sumusunod na Harley-Davidson Genuine Motor Accessory ay inirerekomenda para sa tamang pagmementina at paglilinis:
  • Harley ® Bright Chrome Cleaner (94683-99)
  • Harley ® Glaze Polish and Sealant (99701-84)
  • Harley ® Wheel at Spoke Brush (43078-99)
  • Harley-Davidson ® Wheel and Tire Cleaner (94658-98)
  • Harley ® Preserve™ Bare Aluminum Protectant (99845-07)
PAGTATANGGAL
TALA
Tumutukoy sa impormasyon sa manwal ng serbisyo ang pahina ng tagubilin na ito. Ang manwal ng serbisyo para sa modelo ng inyong motorsiklo ay kinakailangan para sa pagkakabit na ito at ito ay makukuha sa isang dealer ng Harley-Davidson.
1. Tingnan ang Pigura 1. Tanggalin at kalasin ang nakakabit na assembly ng harapang gulong. Kung ang sukat ng dayametro ng harapang brake disc ay hindi 3.25 pulgada, itapon ang mga disc. Itabi ang axle, axle nut at mga spacer ng gulong para sa pagkakabit ng kit. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
2. Tingnan ang I-sheet na kasama ng bagong harapang fender o manwal ng serbisyo. Tanggalin ang harapang fender.
3. Tingnan ang Pigura 2. Tanggalin at kalasin ang nakakabit na assembly ng likurang gulong. Ang inilistang mga bahagi ay kailangan para sa muling pag-assemble. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
4. Tingnan ang manwal ng serbisyo. Tanggalin ang mga harapang fork.
1DIAMETER
Figure 1. Disc Mounting Hole Diameter
1Likurang axle
2Spacer
3Bearing (2)
4Spacer
5Sprocket
6Isolator
7Brake Disc
8Spacer, non ABS
9E-clip
10Nut
11Axle cam
12Wheel speed sensor, ABS
13Clip
Figure 2. Mga Bahagi ng Likurang Gulong na Pwedeng Gamitin Ulit
PAGHAHANDA
Ihanda ang Harapang Gulong
TALA
Huwag ikabit ang bearing shim na kasama sa kit ng pagkakabit.
PAUNAWA
Huwag gamiting muli ang mga turnilyo ng brake disc/rotor. Ang muling paggamit ng mga turnilyong ito ay maaaring magresulta sa pagkawala ng torque at pagkapinsala ng mga bahagi ng brake. (00319c)
Tingnan ang Figure 7 at Talahanayan 2 . para sa mga bahaging kinakailangan upang mahanda ang bagong harapang gulong.
1. Ikabit ang kit ng pagkakabit ng gulong.
a. May nakakabit na ABS: 41454-08B.
b. NON ABS ang nakakabit: 41455-08C.
2.
TALA
Tingnan ang Figure 7 . Ang machined na groove sa harapang gulong ay nagpapahiwatig ng pangunahing bearing na bahagi ng gulong at ikinakabit na nakaharap sa kaliwang panig ng motorsiklo.
Tingnan ang manwal ng serbisyo. Ikabit ang pangunahing bearing gamit ang isang Wheel Bearing Remover at Installer.
3. Tingnan ang manwal ng serbisyo. I-assemble ang mga bahagi ng harapang gulong.
Ihanda ang Likurang Gulong
TALA
Huwag ikabit ang bearing shim na kasama sa kit ng pagkakabit.
PAUNAWA
Huwag gamiting muli ang mga turnilyong nagkakabit sa sprocket. Ang muling paggamit ng mga turnilyong nagkakabit sa sprocket ay maaaring magresulta sa pagkawala ng torque at pinsala sa sprocket at/o belt assembly. (00480b)
Tingnan ang Figure 8 at Talahanayan 3 . para sa mga bahaging kinakailangan upang mahanda ang bagong likurang gulong.
1. Ikabit ang kit ng pagkakabit ng gulong.
a. May nakakabit na ABS: 41453-08C.
b. NON ABS ang nakakabit: 41456-08C.
2.
TALA
Tingnan ang Figure 8 . Ang machined na groove sa likurang gulong ay nagpapahiwatig ng pangunahing bearing na bahagi ng gulong at ikinakabit na nakaharap sa kanang panig ng motorsiklo.
Tingnan ang manwal ng serbisyo. Ikabit ang pangunahing bearing gamit ang isang Wheel Bearing Remover at Installer.
3. Tingnan ang manwal ng serbisyo. I-assemble ang mga bahagi ng likurang gulong.
Pagkakabit ng mga Gulong
1. Tingnan ang Figure 7 at Figure 8 at ang manwal ng serbisyo. Ikabit ang maikling valve stem (43157-83A) sa harapan at likurang mga gulong.
2.
TALA
Ikabit lamang ang kinakailangang (binibili nang hiwalay) na gulong.
Kung ang gulong ay may dilaw na tuldok na sticker sa rim, ayusin ang gulong upang ang puting tuldok ay nasa kabilang panig ng sticker. Kung ang gulong ay may berdeng tuldok na sticker sa rim, ayusin ang gulong upang ang puting tuldok ay nakahanay sa sticker. Kung walang tuldok na sticker sa rim, tingnan ang manwal ng serbisyo.
TALA
Gumamit ng mga plastik na protektor sa mga kagamitan ng pangmount ng gulong at mga rim clamp kapag nagkakabit ng gulong sa isang pininturahang yantas.
Kapag nagkakabit ng mga gulong, damihan ang paggamit ng lube sa yantas at gulong.
Tingnan ang manwal ng serbisyo. Ikabit ang bagong harapan at likurang gulong (binibili nang hiwalay) sa mga rim.
a. Harapang Gulong: 43100008
b. Likurang Gulong: 44006-09
3. Tingnan ang manwal ng serbisyo. Ikabit ang harapang mga brake disc sa gulong.
4. Tingnan ang manwal ng serbisyo. Ikabit ang stock na likurang brake disc at sprocket sa gulong.
Ihanda ang Assembly ng Haparang Fork
1. Tingnan ang Figure 3 . Ikabit ang fork sa Fork Tube Holder (HD-41177) tulad ng sumusunod:
a. I-clamp ang dulo ng kasangkapan (1) sa gato sa pahalang na posisyon.
b. Tingnan ang Figure 6 . Habang nakaharap ang fork bolt (A) pataas, i-clamp ang fork tube (9), sa pagitan ng mga gomang pad sa inboard na bahagi ng kasangkapan. Higpitan ang mga knob hanggang ang fork tube ay maayos nang nakakabit.
TALA
Tandaan na ang fork bolt (A) ay itinutulak ng spring, kaya tiyaking mahahawakan nang mahigpit ang bolt habang ipinipihit ang huling thread.
BABALA
Magsuot ng safety glasses o goggles kapag nagkukumpuni ng fork assembly. Huwag alisin ang mga takip ng slider tube nang hindi binabawasan ang preload ng spring, kung hindi, maaaring tumalsik ang mga takip at spring, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00297a)
2. Dahan-dahang tanggalin ang fork bolt at O-ring (1) mula sa fork tube. Itapon ang O-ring.
3. Tanggalin ang spring collar (F), flat washer (H) at spring (2) mula sa fork tube. Itabi ang spring collar at flat washer para sa paggamit mamaya.
4. Tanggalin ang fork assembly mula sa fork tube holder. Iposisyon ang fork nang pabaliktad sa drain pan upang mapatagas ang langis. Para sa mas mabuting mga resulta, unti-unting i-pump ang fork tube at fork slider (G) nang hindi bababa sa 10 beses.
5. Ikabit ang fork spring at spring collar pabalik sa fork tube.
6. Maglagay ng basahan sa sahig. Baliktarin ang fork assembly. Idiin ang dulo ng spring collar sa basahan. I-compress ang spring. Tanggalin ang turnilyo (7) gamit ang copper washer (6) mula sa ilalim na dulo ng fork slider. Gumamit ng air impact na wrench para sa mas magandang mga resulta. Itapon ang turnilyo at copper washer.
7. Tanggalin at itapon ang fork spring.
8. Itulak palabas ang damper tube (8) at rebound spring (5) sa fork tube sa pamamagitan ng pagpasok ng isang maliit na dayametro na rod papasok sa butas sa ilalim ng tubo. Itapon ang damper tube at rebound spring.
9. Gamit ang pick tool, tanggalin ang retaining clip (C) sa pagitan ng fork slider at fork tube. Huwag palakihin o i-unat ang retaining clip upang matanggal ito mula sa fork tube dahil maaari itong masira.
TALA
Upang malampasan ang anumang balakid, gamitin ang fork tube bilang isang slide hammer: Itulak ang fork tube sa fork slider at pagkatapos ay hilahin ito palabas na may katamtamang lakas. Ulitin ang pagkakasunod-sunod na ito hanggang sa ang fork tube ay humiwalay mula sa fork slider.
10. Tanggalin ang fork tube mula sa fork slider.
11. I-slide palayo ang selyo ng langis ng fork (4), selyo ng spacer (D) at slider bushing (E) mula sa dulo ng fork tube. Itapon ang selyo ng langis ng fork.
12. Tanggalin ang oil lock (3) mula sa dulo ng fork tube (9) o sa loob ng fork slider. Itapon ang oil lock at fork tube.
1Vise grip
2Gomang pad
3Plastik na knob
Figure 3. Fork Tube Holder (HD-41177)
Assembly ng Fork
PAUNAWA
Mag-ingat upang maiwasan ang pagkagasgas o pagkahiwa ng fork tube. Ang pagpinsala sa tubo ay maaaring magresulta sa pagtagas ng fork oil pagkatapos ng assembly. (00421b)
TALA
Ispeksyunin ang mga piyesa kung may pudpod o sira na. Palitan o ayusin kung kinakailangan.
1. Tingnan ang Figure 6 . Tiyakin na ang piston ring ay nakakabit sa damper tube na ang mga cut-out ay nakababa. Ilagay ang bagong rebound spring (5) sa bagong damper tube mula sa kit (8). Ipasok ang damper tube sa bagong fork tube (9).
2. Ipasok ang bagong spring (2) at spring collar (F) sa fork tube, na ang mga mabigat na seksyon ng mga coil ay nakaharap sa damper tube. Itulak ang ilalim ng damper tube papasok sa butas sa ilalim na dulo ng fork tube. Ilagay ang bagong oil lock (3) sa dulo ng damper tube.
3. Maglagay ng Loctite 565 Thread Sealant sa bagong turnilyo (7). Iposisyon ang fork tube at damper tube sa fork slider (G). Ikabit ang assembly sa puwesto sa pamamagitan ng paglapat ng presyur sa spring. Ikabit ang turnilyo (7) sa bagong copper washer (6) mula sa kit.
4. Higpitan ang turnilyo.
Torque: 45 ± 5 N·m (33 ± 4 ft-lbs)
5. Lapatan ang panloob na dayametro (ID) at panlabas na dayametro (OD) ng slider bushing (E) ng malinis na langis ng fork. I-slide ang slider bushing pababa sa fork tube (alinmang direksyon).
6. I-slide ang selyo ng spacer (D) pababa sa fork tube hanggang sa dumikit ito sa slider bushing (alinmang direksyon).
7. Lapatan ang ID ng bagong selyo ng langis ng fork (4) ng malinis na langis ng fork. Balutin ang OD ng selyo ng langis ng selyo ng Harley-Davidson Seal Grease. Habang nakaharap sa itaas ang panig na may lettering, i-slide ang selyo ng langis ng fork pababa sa fork tube hanggang sa dumikit ito sa spacer ng selyo.
8. Tingnan ang Figure 4 . Kunin ang Selyo ng Fork/Bushing Tool (HD-45305) at magpatuloy tulad ng sumusunod:
a. I-slide ang pangkabit ng selyo ng fork pababa sa fork tube hanggang sa dumikit ito sa selyo ng langis ng fork.
b. Tingnan ang Figure 4 . Gamit ang kasangkapan na tulad ng slide hammer, dalhin ang selyo ng langis ng fork (kasama ang selyo ng spacer at slider bushing) pababa sa fork tube hanggang sa nakikita na ang groove ng retaining clip sa ID ng fork slider.
c. Tingnan ang Figure 6 . I-slide ang retaining clip (C) pababa sa fork tube hanggang sa dumikit ito sa selyo ng langis ng fork. Ikabit ang retaining clip sa groove ng fork slider. Huwag palakihin o i-unat ang retaining clip upang ikabit ito sa fork tube dahil maaari itong masira.
9. Tanggalin ang spring collar at fork spring.
BABALA
Ang hindi wastong dami ng fork oil ay maaaring makaapekto sa katatagan at humantong sa pagkawala ng pagkontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00298a)
10. Punan ang fork tube tulad ng sumusunod:
a. Habang nakasiksik ang fork tube, magbuhos ng Harley-Davidson Type E Fork Oil sa fork tube hanggang sa halos mapuno ito.
b. Bombahin nang sampung beses ang fork tube upang alisan ng hangin ang sistema.
11. I-adjust ang lebel ng langis ng fork, nang sa gayon ay maging 91 mm (3.58 pulgada) ito mula sa pinakaitaas ng fork tube habang naka-compress ang fork tube at nakaalis ang fork spring, spring collar at flat washer. Magpatuloy tulad ng sumusunod:
a. Tingnan ang Figure 5 . Kunin ang Oil Level Gauge ng Harapang Fork (HD-59000B).
b. Luwagan ang thumbscrew sa metal ring at itaas o ibaba ito sa rod hanggang sa maging 91 mm (3.58 pulgada) mula sa pinakaibaba ng rod ang pinakaibaba ng ring. Higpitan ang thumbscrew.
c. Itulak ang plunger sa cylinder hanggang sa pinakaloob.
d. Tingnan ang Figure 6 . Ipasok ang rod sa ibabaw ng fork tube hanggang pantay nang nakalapat ang metal ring sa ibabaw ng fork tube.
e. Hilahin ang plunger upang tanggalin ang langis ng fork mula sa fork tube. Obserbahan ang langis ng fork sa pamamagitan ng transparent na tubo upang malaman kung may nailalabas na langis mula sa fork.
f. Tanggalin ang rod mula sa fork tube. Itulak ang plunger papasok sa cylinder upang mailabas ang sobrang langis ng fork sa naaangop na lalagyan.
g. Kung kinakailangan, ulitin ang Hakbang 11(c) hanggang 11(f). Tama ang antas kapag walang napapansin na langis na nailalabas mula sa transparent tube.
12. Ikabit ang fork spring sa fork tube habang nakababa ang mabigat na bahagi.
TALA
Tiyakin na naikabit ang fork spring na nasa ibaba ang mabigat na seksyon ng mga coil.
13. Ikabit ang flat washer (H) sa ibabaw ng spring.
14. Ikabit ang spring collar (F) sa ibabaw ng washer.
15. Ikabit ang bagong O-ring (1) sa fork bolt (A).
16. Ikabit ang fork tube bolt. Higpitan.
Torque: 55 ± 25 N·m (41 ± 18 ft-lbs)
Figure 4. Ikabit ang Selyo ng Langis ng Fork
Figure 5. Tanggalin ang Sobrang Langis ng Fork (HD-59000B)
KALIWANG BAHAGI
Ulitin ang mga hakbang para maihanda ang harapang fork at assembly ng fork.
PAGKAKABIT
1. Tingnan ang manwal ng serbisyo. Ikabit ang mga harapang fork.
2.
TALA
MAHALAGA: Ang ABS ay dapat na i-flash muli.
I-flash muli ang sistema gamit Digital Technician II (DT II) .

Espesyal na Tool: DIGITAL TECHNICIAN II (HD-48650)

a. Piliin ang icon ng REFLASH.
b. Sundin ang mga prompt sa screen.
3. Tingnan ang talaan ng impormasyon na kasama ng bagong harapang fender. Ikabit ang harapang fender.
4.
TALA
Ikabit ang harapang gulong na ang valve stem ay nasa kanang bahagi.
Tingnan ang manwal ng serbisyo. Ikabit ang harapang gulong.
5. Tingnan ang manwal ng serbisyo. Ikabit ang likurang gulong.
BABALA
Pagkatapos ayusin ang sistema ng preno, subukan ang mga preno nang mabagal ang takbo. Kung hindi gumagana nang maayos ang mga preno, ang pagsubok sa mabibilis na takbo ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00289a)
BABALA
Kapag ang gulong ay ikinabit at bago paandarin ang motorsiklo, i-pump ang preno upang bumuo ng presyon sa sistema ng preno. Ang hindi sapat na presyon ay maaaring makaapekto sa pagganap, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00284a)
6. Bombahin ang preno upang mag-ipon ng presyur sa sistema.
Test Ride
  1. I-test ride ang motorsiklo upang matiyak ang fork travel at rebound.
MGA PAMALIT NA PIYESA
Figure 6. Mga Pamalit na Piyesa: Touring Cartridge Harapang Fork
Talahanayan 1. Talahanayan ng mga Pamalit na Piyesa: Touring Cartridge Harapang Fork
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
Assembly ng Stock Fork, Non-cartridge Fork mula sa Kit
Mga item ng harapang fork na kasama sa kit:
1
O-ring (2)
46508-01
2
Fork spring (2)
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
3
Lock ng langis (2)
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
4
Selyo ng Langis ng Fork (2)
46514-01A
5
Rebound spring (2)
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
6
Washer (2)
46615-06
7
Turnilyo, M14 (2)
45500118
8
Damper tube na may piston ring (2)
Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay
9
Fork tube (2)
45500537
Ang mga item ng harapang fork na nabanggit sa teksto, ngunit hindi kasama sa kit:
A
Fork bolt (2)
B
Bushing, fork tube (2)
C
Retaining clip (2)
D
Selyo ng space (2)
E
Slider bushing (2)
F
Spring collar (2)
G
Fork slider (2)
H
Flat washer (2)
Figure 7. Mga Pamalit na Piyesa: Knockout na Harapang Gulong
Talahanayan 2. Mga Pamalit na Piyesa: Knockout na Harapang Gulong
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
Mga item ng harapang gulong na kasama sa kit:
1
Gulong
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
2
Machined groove
Item sa kit ng pagkakabit ng harapang gulong, itapon ang ekstrang mga item:
A
Bearing (2 non ABS na mga modelo, 1 ABS na mga modelo)
9276A
B
Mga Bearing (1 ABS na mga modelo)
9252
C
Axle sleeve
41900-08
D
Short valve Stem
43157-83A
E
Valve stem cap
41123-79
Figure 8. Mga Pamalit na Piyesa: Knockout na Likurang Gulong
Talahanayan 3. Mga Pamalit na Piyesa: Knockout na Likurang Gulong
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
Mga item ng likurang gulong na kasama sa kit:
1
Gulong
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
2
Machined groove
Mga item sa kit ng pagkakabit ng likurang gulong, itapon ang ekstrang mga item:
A
Bearing (2 non ABS na mga modelo, 1 ABS na mga modelo)
9276A
B
Bearing (1 ABS na mga modelo)
9252
C
Axle sleeve
41349-07
D
Short Valve Stem
43157-83A
E
Valve stem cap
41123-79