Mga Kit | Mga Modelo |
---|---|
59802-05 | Karaniwang taas, malinaw |
58751-05 | Karaniwang taas, smoke |
57199-05 | Compact mababang profile, smoke |
58360-09 | Karaniwang taas, malinaw, itim na braces |
58376-09 | Compact mababang profile, smoke, itim na braces |
1. | Ilipat ang kable ng clutch sa loob ng mga handlebar tulad ng sumusunod: | |||||||||||
2. | Tingnan ang Figure 1 . I-slide ang gomang boot palayo mula sa adjuster ng kable. Ang adjuster ay makikita nang kalagitnaan ng kable ng clutch sa harapang frame downtube. | |||||||||||
3. | Habang hinahawakan ang adjuster ng kable gamit ang 1/2 pulgada na liyabe, luwagan ang jam nut gamit ang isang 9/16 pulgada na liyabe. Ilayo ang jam nut mula sa adjuster ng kable. Ilipat ang adjuster patungo sa jam nut upang magkaroon ng isang malaking halaga ng free play sa lever ng kamay. | |||||||||||
4. | Tanggalin ang maliit na snap ring mula sa pivot pin groove sa ilalim ng clutch lever bracket. Tanggalin ang pivot pin at clutch hand lever mula sa bracket. Tanggalin ang anchor pin at eyelet ng kable ng clutch mula sa clutch hand lever. | |||||||||||
5. | Tingnan ang Figure 2 . Iruta muli ang kable ng clutch sa loob ng mga handlebar at ikonektang muli ang kable ng clutch sa clutch lever. | |||||||||||
6. | Tingnan ang Figure 3 . Ipihit ang adjuster ng kable palayo mula sa jam nut hanggang ang slack ay nawala sa hand lever. Hilahin ang clutch cable ferrule palayo mula sa bracket ng clutch lever upang masukat ang free play. Ikutin ang adjuster ng kable kung kinakailangan upang makuha ang 1/16 hanggang 1/8 pulgada (1.6-3.2 mm) na free play sa pagitan ng dulo ng cable ferrule at bracket ng clutch lever. | |||||||||||
7. | Hawakan ang adjuster gamit ang 1/2 pulgada na liyabe. Gamit ang 9/16 pulgada na liyabe, higpitan ang jam nut laban sa adjuster ng kable. Takpan ang mekanismo ng adjuster ng kable gamit ang gomang boot. |
Figure 1. Adjuster ng Kable ng Clutch
Figure 2. Bagong Pagruruta ng Kable ng Clutch Figure 3. 1/16 -1/8 pulgada (1.6-3.2 mm) na Free Play ng Kable ng Clutch | ||||||||||
8. | Kung kinakailangan, iposisyong muli ang mga pangmount na tie ng kable ng clutch na nakakabit sa frame downtube upang hayaan ang kable ng clutch na makagalaw nang malaya kapag iniliko nang ganap ang mga handlebar mula sa kaliwa hanggang sa kanang mga fork lock. I-siklo ang hand lever nang ilang beses upang makumpirma. | |||||||||||
BABALA Pagkatapos i-relocate ang clutch cable, tiyaking maayos na bubukas at sasara ang clutch hand lever kapag ang mga handlebar ay ganap na ipinihit pakaliwa o pakanan. Ang mabagal na pagtugon ng clutch lever ay maaaring magresulta sa pagkawala ng kontrol, kamatayan o malubhang pinsala. (00424d) BABALA Tiyaking dire-diretso at maluwag ang steering nang walang anumang pumipigil. Ang pagpigil sa steering ay maaaring magresulta sa pagkawala ng kontrol sa sasakyan at pagkamatay o malubhang pinsala. (00371a) | ||||||||||||
9. | Tingnan ang Figure 6 at Talahanayan 2 . Ilipat ang mga senyas sa pagliko alinsunod sa mga tagubilin na kasama sa Kit ng Paglipat ng Senyas sa Pagliko (23). |
1. | Tingnan ang Figure 4 . Alisin ang windshield sub-assembly mula sa balot nito at ilapag nang nakadapa sa isang malinis at malambot na surface, kung saan ang mga mount bracket ay nakaharap pataas. | |||||||||||
2. | Tingnan ang Figure 6 at Talahanayan 2 . Alisin pareho ang clamp at hardware kit mula sa balot nito, at ihiwalay ang kahalintulad na mga parte bilang paghahanda sa pagbubuo nito. Tandaan na ang mga pang-ibaba na clamp ay eksaktong magkatulad, at ang mga kaliwa at kanang pang-itaas na clamp ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng mga ekstensyon na nakaturo pataas. | |||||||||||
3. | Tingnan ang Figure 5 . Buuin ang mga clamp assembly at mga hardware stack. | |||||||||||
BABALA Ang cupped side ng Belleville (cone) na mga washer ay dapat nakaharap sa isa't isa at pinagigitnaan ang mga windshield mount bracket sa bawat mount point. Kapag hindi inilagay sa tamang paraan ang mga washer, maaaring mabawasan ang kakayahan ng windshield na mawasak sa isang banggaan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00422b) | ||||||||||||
4. | Isa-isang clamp muna, nang nakatihaya pataas ang clamp at nasa loob ng windshield bracket (2), higpitan nang sapat ang mga shoulder bolt (1) upang mahawakan ang oryentasyon ng clamp sa windshield habang ikinakabit ang windshield sa motorsiklo. Ang mga turnilyo ay hihigpitan nang husto sa ibang pagkakataon. TALA Panatilihing diretso ang harapang gulong upang maiwasan ang paggasgas ng bracket sa tangke ng gasolina. | |||||||||||
5. | Siguruhin na ang lahat ng apat na clamp ay nasa bukas na posisyon, pagkatapos ay ilagay ang windshield (habang nakalayo sa iyo ang bahagi ng clamp) sa harapan ng motorsiklo. TALA Ang polycarbonate na windshield ay bahagyang nababaluktot at pwedeng ibaluktot upang mailapat ang mga clamp palayo sa headlamp (ilaw) upang mapadali ang pagkakabit nito sa motorsiklo. Ingatan na huwag magasgas ang kinalalagyan ng headlamp ng mga clamp habang ipinupusisyon ang windshield sa mga fork slider. |
Figure 4. Mga Mounting Bracket sa Windshield
Figure 5. Mounting Clamp ng Windshield | ||||||||||
6. | Saklangan ang harap na fender. Igitna ang windshield sa paligid ng headlamp at ilagay ang mga clamp sa mga fork slider. | |||||||||||
7. | Magsimula sa ilalim (sa alinmang panig) na kung saan ang mga shoulder bolt ay hihigpitan nang mas mahigpit nang kaunti gamit ang kamay lamang, isara ang bawat clamp, habang sinisiguro na ang mga clamp ay kusang papantay sa mga fork slider at sa bawat isa. | |||||||||||
PAUNAWA Huwag lumampas sa inirekomendang torque kapag nag-i-install ng mga mounting screw. Maaaring mapinsala ang windshield. (00385a) | ||||||||||||
8. | Ngayong nakakabit na ang mga windshield clamp sa fork slider, siguruhin na ang shoulder na bahagi ng mga shoulder bolt ay nakaposisyon nang maayos sa bawat lokasyon nito sa windshield bracket. Torque. Torque: 6,7 N·m (60 in-lbs) | |||||||||||
9. | Iliko ang mga handlebar nang ganap sa kaliwa at sa kanang mga fork stop upang makumpirma na ang mga kable ng throttle ay malayang nakagagalaw. |
Item | Paglalarawan (Dami) | Numero ng Piyesa | Item | Paglalarawan (Dami) | Numero ng Piyesa | |
---|---|---|---|---|---|---|
1 | Panserbisyong Kit ng Windshield (kasama ang item 2-5) | 12 | Kit ng Hardware, mount ng windshield (4) (kasama ang mga item 13 hanggang 15) | 58790-04 | ||
para sa mga Kit 59802-05 at 58360-09 | 58750-05 | 13 | Shoulder screw, button head | Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay | ||
para sa Kit 58751-05 | 58777-05 | 14 | Spacer, cup washer | Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay | ||
para sa mga Kit 57199-05 at 58376-09 | 57201-05 | 15 | Belleville washer (2) | Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay | ||
2 | Windshield (kabilang sa item 1) | 16 | Brace, pahalang, panlabas Brace, pahalang, panlabas, itim | 58051-78A 58069-09 | ||
3 | Tape, pahalang (2) | 58052-78 | 17 | Brace, pahalang, panloob Brace, pahalang, panloob, itim | 58050-78A 58068-09 | |
4 | Tape, patayo | 59804-05 | 18 | Brace, patayo, kanan Brace, patayo, kanan, itim | 59809-05 58616-09 | |
5 | Washer, goma, itim | 58152-96 | 19 | Brace, patayo, kaliwa Brace, patayo, kaliwa, itim | 59808-05 58388-09 | |
6 | Bracket, windshield mount, kanan Bracket, mount ng windshield, kanan, itim | 59855-05 58399-09 | 20 | Turnilyo, button head, TORX ® , lock patch, 12-24 x 13/16 pulgada (2) | 2452 | |
7 | Bracket, windshield mount, kaliwa Bracket, mount ng windshield, kaliwa, itim | 59844-05 58398-09 | 21 | Turnilyo, button head, Torx, lock patch, #12-24 x 5/8 pulgada (7) | 2921A | |
8 | Assembly ng clamp, kanan pang-itaas (kasama ang dalawa ng item 11) | 59868-05 | 22 | Acorn nut, 12-24 (chrome) (9) | 7651 | |
9 | Assembly ng clamp, kaliwa pang-itaas (kasama ang dalawa ng item 11) | 59859-05 | 23 | Kit ng Paglilipat ng Senyas sa Pagliko (hindi ipinapakita) | 58742-05 | |
10 | Assembly ng clamp (2) (kasama ang dalawa ng item 11) | 58740-05 | A | Gilid ng mga clamp na nakakabit sa bracket. | ||
11 | Gasket (8) (dalawa bawat clamp) | 58791-04 | TANDAAN: Ang hitsura ng mga aktwal na bahagi ay maaaring maiba mula sa ilustrasyon. |