PAGLA-LOCK NG TAKIP NG PASUKAN NG GASOLINA (FUEL FILLER CAP)
J013492019-04-23
PANGKALAHATAN
Numero ng Kit
62803-97A, 62804-97A, 62805-97, 62806-97, 61100129A, 61100117A
Mga Modelo
Para sa impormasyon ukol sa fitment ng modelo, pakitingnan ang Retail na Katalogo ng P&A o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (Ingles lamang).
Mga Pamalit na Piyesa
Pamalit na Set ng Susi, Piyesa Bilang 71639-98/4 na digit na Numero ng Susi.
PAGKAKABIT
1. Bago ikabit ang takip ng gasolina sa sasakyan, ipasok ang susi sa lock. Hawakan nang mahigpit ang chrome na ibabaw ng takip ng gasolina, at ikutin ang susi hanggang huminto ito. Sa mga kanang deroskas na takip ng gasolina, ikutin ang susi nang pakaliwa hanggang huminto ito. Sa mga kaliwang deroskas na takip ng gasolina, ikutin ang susi nang pakanan hanggang huminto ito. Tinitiyak nito ang pagkakaroon ng naka-unlock na posisyon para sa takip ng gasolina. Hayaang bumalik ang susi sa nyutral na posisyon.
2. Alisin ang susi at ikabit ang takip ng gasolina sa sasakyan.
TALA
Kapag ikinakabit ang takip ng gasolina, ikutin ang takip nang isang buong ikot pagkatapos ng maririnig na click. Awtomatiko nitong ipinoposisyon ang takip ng gasolina sa naka-lock na posisyon. Malayang makakaikot ang maayos na naka-lock/nakakabitna takip ng gasolina sa parehong direksyon. Kapag hindi ito nagawa, maaaring ipagpalagay na hindi gumagana nang maayos ang takip ng gasolina.
Figure 1. Pagkakabit ng Kanang De-roskas na Takip ng Gasolina
Pag-aalis
Sa mga kanang de-roskas na takip ng gasolina, ipasok ang susi, at habang hinahawakan sa puwesto ang takip ng gasolina, ikutin ang susi nang pakaliwa hanggang huminto ito, at ibalik a orihinal na posisyon ang susi. Dapat umikot ang takip ng gasolina nang 270 degrees na pakaliwa bago umangkla ang mekanismo upang hayaang maalis ang takip ng gasolina. Ituloy ang pag-ikot nang pakaliwa upang ganap na maalis ang takip ng gasolina.
Sa mga kaliwang de-roskas na takip ng gasolina, ipasok ang susi, at habang hinahawakan sa puwesto ang takip ng gasolina, ikutin ang susi nang pakanan hanggang huminto ito, at ibalik a orihinal na posisyon ang susi. Dapat umikot ang takip ng gasolina nang 270 degrees na pakanan bago umangkla ang mekanismo upang hayaang maalis ang takip ng gasolina. Ituloy ang pag-ikot nang pakanan upang ganap na maalis ang takip ng gasolina.
Mga Pamalit na Susi
Itala ang 4 na digit na numero ng susing nakatatak sa likod ng susi, na katapat ng logo ng Harley-Davidson, sa espasyong ibinigay sa ibaba. Kapag kailangan ng pamalit na susi, magpunta sa iyong Harley-Davidson Dealer na dala ang 4 na digit na numero upang umorder ng pamalit.
4 na digit na numero ng susi: ___________________
Figure 2. Pag-aalis ng Kanang De-roskas na Takip ng Gasolina