High Performance at Madaling Ikabit na Naa-adjust na mga Pushrod
J063062019-05-09
PANGKALAHATAN
Numero ng Kit
17900058, 17900073, 17900081
Mga Modelo
Para sa impormasyon ukol sa fitment ng modelo, tingnan ang retail na katalogo ng P&A o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (Ingles lamang).
Mga Nilalaman ng Kit
Tingnan ang Figure 5 at Talahanayan 1 .
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Gamitin ang naaangkop na mga pamamaraan sa manwal ng serbisyo. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00333b)
TALA
Makakakuha ng manwal ng serbisyo mula sa iyong Harley-Davidson dealer.
1Ang Tubo ng Pushrod ng Exhaust ay may label na Exhaust
2Locknut
3Pang-adjust na turnilyo
4Pushrod tube
5Ang Tubo ng Pushrod ng Intake ay may label na Intake
Figure 1. Naa-adjust na Push Rod
PAGKAKABIT
BABALA
Upang maiwasan ang aksidenteng pagsisimula ng sasakyan, na maaaring magdulot ng kamatayan o malubhang pinsala, alisin ang mga kable ng baterya (negatibong (-) kable muna) bago magpatuloy. (00307a)
BABALA
Tanggalin muna ang pagkakakonekta ng negatibong (-) kable ng baterya. Kapag napadikit ang positibong (+) kable sa ground habang nakakonekta ang negatibong (-) kable, maaaring maging sanhi ng pagsabog ng baterya ang mga magreresultang pagsiklab, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00049a)
TALA
Kapag tinatanggal ang mga stock na pushrod tulad ng inilarawan sa hakbang 1 sa ibaba, huwag putulin ang mga pushrod gamit ang paraan na lilikha ng mga pira-pirasong bakal, na maaaring mapunta sa makina (tulad ng paggamit ng hacksaw o die grinder) at magsanhi ng malubhang pinsala.
  1. Alisin ang mga stock pushrod gamit ang bolt cutter.
  2. Ilagay ang motorsiklo sa isang hydraulic center stand habang nakaangat ang likurang gulong mula sa lupa. Tanggalin ang mga spark plug.
  3. Tingnan ang Figure 4 . Habang nakakambiyo, gamitin ang likod na gulong upang paandarin ang makina hanggang sa mapunta sa pinakamababang punto ang dalawang cylinder tappet sa harap (1).
  4. TALA
    Tingnan ang Figure 2 . Hindi ginagamit para sa pag-a-adjust ng lock ang mga pang-ibabang bahagi ng pang-adjust na turnilyo na may mas kaunting taas ng roskas at mga minakinang flat. Dapat gamitin lang ang locknut sa seksyon na may mga buong roskas.
  5. Tingnan ang Figure 1 . Luwagan ang locknut sa lahat ng pushrod at i-adjust ang mga ito sa pinakamaikling haba.
  6. Tingnan ang Figure 3 at Figure 5 . Ikabit ang mga intake pushrod sa mga takip ng pushrod. Palitan ang mga O-ring, ibaba ang takip ng pushrod at keeper ng takip ng spring gamit ang mga bagong piyesang kasama sa kit. Tiyaking nakababa ang adjuster end ng pushrod.
  7. Ipasok ang pushrod (sa loob ng pushrod tube) sa butas ng cylinder head intake pushrod sa harap (sa butas na pinakamalapit sa cylinder) at itulak ang adjuster end ng pushrod sa takip ng lifter.
  8. Sundin ang Pamamaraan ng Pag-adjust sa ibaba upang i-adjust ang pushrod.
  9. TALA
    Dapat isagawa ang pag-a-adjust ng pushrod kapag malamig ang makina.
1Mas pinaiksing roskas at minakinang flat
2Mga buong roskas
Figure 2. Mga Roskas ng Pang-adjust na Turnilyo
PAMAMARAAN NG PAG-ADJUST
  1. Figure 4 . Manu-manong i-adjust ang haba ng pushrod sa zero clearance. Tiyakin na ang itaas ng pushrod tube (5) ay pasok sa loob ng cup sa rocker arm (6) at ang ibabang dulo ng pang-adjust na turnilyo (3) ay pasok sa cup ng lifter (2).
  2. Tingnan ang Figure 1 . Habang pinipigilan ang pag-ikot ng pang-adjust na turnilyo ng pushrod gamit ang 5/16 in. na liyabe, dahan-dahang ipihit ang pushrod tube gamit ang 1/2 in. na liyabe, nang 2-1/2 na ganap na pag-ikot pakanan (na magpapahaba sa pushrod) gaya ng makikita mula sa ibaba. (May tuldok sa mga flat ng pushrod tube na pwedeng gamitin bilang sanggunian.)
  3. Hawakan ang pang-adjust na turnilyo at higpitan ang locknut gamit ang 1/2 in. na liyabe na open end sa pushrod tube. Kapag umikot ang pushrod gamit ang locknut, gumamit ng tatlong liyabe na open end, ang isa upang pigilan sa paggalaw ang pushrod tube, ang isa naman para pigilan sa paggalaw ang pang-adjust na turnilyo at ang isa upang ipihit ang locknut.
  4. Ulitin ang hakbang sa pagkakabit 4 hanggang sa hakbang 3 ng Pamamaraan ng Pag-adjust para sa exhaust na pushrod.
  5. TALA
    Maghintay ng sampung minuto bago paandarin ang makina pagkatapos i-adjust ang mga cylinder pushrod sa harap at likod. Pinapayagan ng paghihintay na ito na mag-bleed down ang mga tappet at pinipigilan nito ang pagbaliko ng mga pushrod o valve. Dapat ay malayang makaikot ang mga pushrod at dapat nakapirmi sa puwesto ng mga ito ang mga valve (nakasara) bago paandarin ang makina.
  6. Maghintay ng sampung minuto. Habang nakakambiyo, gamitin ang likod na gulong upang paandarin ang makina hanggang sa mapunta sa pinakamababang posisyon ang dalawang cylinder tappet sa likod.
  7. Ulitin ang mga hakbang sa pagkakabit 4 hanggang sa hakbang 4 ng Pamamaraan ng paP-adjust para sa likurang cylinder.
  8. Ikabit ang mga pushrod spring cap retainer sa mga takip ng pushrod. Ikabit ang mga spark plug at ibalik ang kambiyo sa nyutral.
  9. Ikonekta ang mga kable ng baterya.
Figure 3. Nakakabit ang Pushrod sa Takip ng Pushrod
1Pinakamababang punto ng camshaft
2Lifter
3Pang-adjust na turnilyo
4Locknut
5Pushrod tube
6Rocker arm
7Takip ng pushrod, ibaba
Figure 4. Paglalagay ng Pushrod
BABALA
Ikonekta muna ang positibong (+) kable ng baterya. Kapag napadikit ang positibong (+) kable sa ground habang nakakonekta ang negatibong (-) kable, maaaring maging sanhi ng pagsabog ng baterya ang mga magreresultang pagsiklab, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00068a)
Mga Pamalit na Piyesa
Figure 5. Mga Pamalit na Piyesa
Talahanayan 1. Talahanayan ng mga Pamalit na Piyesa:
Item
Paglalarawan (Dami)
Piyesa
Numero
1
Assembly ng pushrod (Intake) (2)
Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay
1
Assembly ng pushrod (Exhaust) (2)
Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay
2
Takip ng pushrod, ibaba, chrome (4)
Takip ng pushrod, ibaba, makintab na itim (4)
17938-83
Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay
3
Keeper, takip ng pushrod spring (4)
Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay
4
O-ring, takip ng pushrod, itaas (4)
11293
5
O-ring, takip ng pushrod, ibaba (4)
11145A
6
O-ring, takip ng pushrod, gitna (4)
11132A
7
Pushrod tube collar, chrome (4)
Pushrod tube collar, makintab na itim (set ng 4)
17945-36B
17900076
8
Washer (4)
6762D
I-OE ang mga item at sa itaas ng item 7 Pushrod tube collar, chrome (LANG) muling ginagamit sa panghuling assembly
A
Takip ng itaas na pushrod (2)
B
Takip ng spring (2)