MULTI-POCKET WINDSHIELD BAG
J029972020-09-17
PANGKALAHATAN
Numero ng Kit
Ang kit number 58904-03 ay isang windshield bag na nilagyan ng Harley-Davidson script.
Mga Modelo
Kasya ang mga kit na ito sa mga modelong mayroong H-D ® KING Windshields na walang gauge na nakakabit sa handlebar.
Kinakailangan sa Pagkakabit
TALA
Makakakuha na ng manwal ng serbisyo para sa modelo ng iyong motorsiklo mula sa alinmang Harley Davidson Dealer.
BABALA
Ang hindi wastong pagkakarga ng kargada o pagkakabit ng mga accessory ay maaaring makaapekto sa katatagan at pagmamaneho ng motorsiklo, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00121a)
Pagkakabit
1. Alisin ang acorn nuts mula sa gitnang loob, sa kaliwa at kanan ng pahalang na windshield bracket.
2. Maglagay ng pamprotektang tape strips sa pahalang na windshield bracket upang protektahan ang chrome finish.
3. Ilagay ang windshield bag at bracket nang nakatapat ang mga eyelet sa ibabaw ng mga turnilyo ng pahalang na windshield bracket. Markahana ng lokasyon ng mga patayong suporta para sa tamang pagpupuwesto ng mga gomang bumper at maprotektahan ang pinakaibaba ng bag bracket. Maglagay ng tig-dalawang bumper sa mga minarkahang lokasyon ng mga patayong suporta sa windshield.
4. Ipantay ang bakal na brace sa mga eyelet, upang mahigpit na magkasya sa mga turnilyo ng pahalang na bracket ng windshield.
5. Higpitan ang acorn nuts na inalis sa unang hakbang sa mga turnilyo sa pamamagitan ng mga eyelet sa ilalim ng windshield bag. I-torque ang nut.
Torque: 10,2–12,4 N·m (90–110 in-lbs)
6. Upang mapanatili ang panig na ito sa pinakamagandang kondisyon, marahang punasan gamit ang Harley-Davidson Micro Fiber cloth, na may malinis na tubig o banayad na panlinis na Harley-Davidson gaya ng:
TALA
Ang brace sa ilalim ng pinakaibaba ng windshield bag ay nakasunod sa hugis ng windshield bracket habang tino-torque ang acorn nuts.
TALA
Ang mga panlinis na ito ay mabibili nang magkahiwalay o bilang bahagi ng Harley Care Starter Kit, piyesa bilang 94671-99 mula sa alinmang Harley Davidson Dealer.
a. Sunwash (piyesa bilang 94659-98)
b. Bug Remover (piyesa bilang 94657-98) o
c. Harley Gloss (piyesa bilang 94627-98)
1Mga eyelet ng bracket
2Bracket
Figure 1. Pinakaibaba ng Fairing Pouch
1Leather pouch (hindi ibinebenta nang hiwalay)
2Bumpers, goma (hindi ibinebenta nang hiwalay)
3Pamprotektang tape (hindi ibinebenta nang hiwalay)
4Windshield
5Pouch bracket eyelet
Figure 2. Fairing Clip Attachment, Hitsura Kapag Tiningnan sa Gilid
Mga Pamalit na Piyesa
Figure 3. Mga Pamalit na Piyesa: Multi-Pocket Windshield Bag
Talahanayan 1. Mga Pamalit na Piyesa
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
1
Multi-pocket fairing pouch
Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay