MGA HYDRAULIC CLUTCH LINE KIT
J063172019-08-21
PANGKALAHATAN
Numero ng Kit
Talahanayan 1. Mga Hydraulic Clutch Line Kit - Banjo Angle 0° - Tuwid
Diamond-Black
Kit
Diamondback
Kit
Haba
37200294
37200251
67.0 in (170 cm)
37200287
37200245
68.5 in (174 cm)
37200289
37200246
70.5 in (179 cm)
37200290
37200247
72.5 in (184 cm)
37200291
37200248
74.5 in (189 cm)
37200288
37200249
76.5 in (194 cm)
37200293
37200250
78.5 in (199 cm)
Talahanayan 2. Mga Hydraulic Clutch Line Kit - Banjo Angle 35°
Diamond-Black
Kit
Diamondback
Kit
Haba
37200284
37200256
140 cm (55.0 in)
37200285
37200259
146 cm (57.5 in)
37200281
37200253
152 cm (60.0 in)
---
37200426
161 cm (63.5 in)
37200280
37200255
168 cm (66.0 in)
37200283
37200258
171 cm (67.5 in)
37200286
37200257
179 cm (70.5 in)
37200279
37200252
183 cm (72.0 in)
37200282
37200254
188 cm (74.0 in)
Talahanayan 3. Mga Hydraulic Clutch Line Kit - Banjo Angle 90°
Diamond-Black
Kit
Diamondback
Kit
Haba
37200292
37200260
184 cm (72.5 in)
Mga Modelo
Para sa impormasyon ukol sa fitment ng modelo, tingnan ang retail na katalogo ng P&A o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (Ingles lamang).
Mga Kinakailangan sa Pagkakabit
Kinakailangan ng apat o limang kableng strap na humigit-kumulang 15 in (38 cm) ang haba (Piyesa Blg. 10039) para sa tamang pagkakabit ng kit na ito.
Kailangan ng DOT 4 brake fluid (Part No. 99953-99A) para sa pagkakabit ng kit na ito.
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Gamitin ang naaangkop na mga pamamaraan sa manwal ng serbisyo. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00333b)
TALA
Tumutukoy ang pahina ng tagubilin na ito sa impormasyon tungkol sa manwal ng serbisyo. Ang manwal ng serbisyo para sa taon/modelo na ito ng motorsiklo ay kinakailangan para sa pagkakabit na ito. Mayroong isa na makukuha mula sa dealer ng Harley-Davidson.
Mga Nilalaman ng Kit
Tingnan ang Figure 9 at Talahanayan 4 para sa mga nilalaman ng kit.
PAGHAHANDA
TALA
Para sa mga sasakyang may sirena ng seguridad:
  • Siguraduhin na malapit ang hands-free na Fob.
  • Habang nasa malapit ang security fob, i-ON ang switch ng ignisyon.
Para sa LAHAT ng sasakyang may pangunahing fuse:
BABALA
Upang maiwasan ang aksidenteng pag-andar ng sasakyan, na maaaring magdulot ng kamatayan o malubhang pinsala, alisin ang pangunahing fuse bago magpatuloy. (00251b)
1. Tingnan ang manwal ng serbisyo. Tanggalin ang pangunahing fuse.
TALA
Kung ang DOT 4 brake fluid ay dumampi sa mga pininturahang bahagi, KAAGAD na hugasan ang bahaging iyon gamit ang malinis na tubig.
Takpan ang mga malalapit na surface ng motorsiklo gamit ang H-D Service Cover o polyethylene protective sheet para maprotektahan ang finish laban sa pagkasira na dulot ng pagtulo o pagtalsik ng DOT 4 brake fluid.
BABALA
Ang pagkakadikit sa DOT 4 break fluid ay maaaring magkaroon ng malubhang epekto sa kalusugan. Ang hindi pagsusuot ng tamang proteksyon sa balat at mata ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala.
  • Kapag nasinghot: Manatiling kalmado, umalis patungo sa sariwang hangin, humingi ng medikal na tulong.
  • Kapag sa balat: Alisin ang mga kontaminadong damit. Banlawan agad ang balat gamit ang maraming tubig sa loob ng 15-20 minuto. Kapag nagkakaroon ng pagkairita, humingi ng medikal na tulong.
  • Kapag sa mata: Hugasan ang mga apektadong mata nang hindi bababa sa 15 minuto sa ilalim ng dumadaloy na tubig habang nakabukas ang mga talukap ng mata. Kapag nagkakaroon ng pagkairita, humingi ng medikal na tulong.
  • Kapag nalunok: Magmumog at pagkatapos ay uminom ng maraming tubig. Huwag piliting sumuka. Tawagan ang Poison Control. Kinakailangan ang agarang medikal na atensiyon.
  • Tingnan ang Safety Data Sheet (SDS) para sa higit pang mga detalye na makukuha sa sds.harley-davidson.com
(00240e)
PAUNAWA
Ang DOT 4 brake fluid ay makapipinsala sa pininturahan at mga ibabaw ng panel ng katawan kapag napadikit sa mga ito. Palaging gumamit ng pag-iingat at protektahan ang mga ibabaw mula sa mga pagtilamsik tuwing nag-aayos ng preno. Ang pagkabigong sundin ito ay maaaring magresulta sa pagkasirang kosmetiko. (00239c)
2. Tingnan ang manwal ng serbisyo. I-drain ang fluid mula sa clutch reservoir at mga linya.
PAGTATANGGAL
BABALA
Siguraduhin na walang mapupuntang clutch fluid sa mga gulong, goma ng gulong o preno kapag nagdadagdag ng fluid. Ang traksyon ay maaaring maapektuhan, na maaaring magresulta sa pagkawala ng kontrol at kamatayan o malubhang pinsala. (00294a)
1. Mga modelong Fairing: Tingnan ang manwal ng serbisyo. Tanggalin ang panlabas na fairing. Tanggalin ang takip ng fairing.
2. LAHAT ng modelo: Itala ang ruta ng linya ng clutch fluid. Itala ang lokasyon ng lahat ng kableng strap.
3. Mga modelong FLRT: Tingnan ang Figure 6 . Tanggalin ang kableng strap na nagpipirmi ng linya ng clutch fluid sa frame bowtie bracket. Mga modelong Softail: Tingnan ang Figure 8 . Tanggalin ang kableng strap na nagpipirmi ng linya ng clutch fluid sa mga frame tubes bracket.
4. Mga modelong Fairing: Tingnan ang Figure 1 . Tanggalin ang mga kableng strap na nagpipirmi ng linya ng clutch fluid sa linya ng preno at handlebar clamp.
PAUNAWA
Huwag pahintulutan ang mga dumi o mga labi na pumasok sa master cylinder reservoir. Ang dumi o mga labi sa reservoir ay maaaring maging sanhi ng hindi tamang paggana at pinsala sa kagamitan. (00205c)
5. LAHAT ng modelo: Tingnan ang manwal ng serbisyo at Figure 3 . Alisin ang takip sa gilid ng transmisyon (7).
6. Tingnan ang manwal ng serbisyo. I-drain ang linya ng clutch fluid (4). Idiskonekta ang linya ng clutch fluid mula sa segundaryong clutch actuator (6).
7. Idiskonekta ang linya ng clutch fluid mula sa clutch master cylinder reservoir (2). Itabi ang banjo bolt (10). Itapon ang mga sealing washer (11).
8. Mga modelong Fairing: Hilahin ang dulong reservoir ng linya ng clutch fluid line papasok sa panloob na fairing.
9. LAHAT ng modelo: Alisin ang anumang clamp na nagkakabit sa linya ng clutch fluid sa motorsiklo. Itabi ang mga clamp at hardware.
10. Tingnan ang Figure 2 . Tandaan ang lokasyon ng mga kableng strap. Alisin ang mga kableng strap na nagkakabit ng linya ng clutch fluid sa likurang linya ng preno. Alisin ang mga kableng strap mula sa mga frame tube.
11. Tanggalin ang linya ng clutch fluid.
1Linya ng clutch papunta sa linya ng preno
2Linya ng clutch at linya ng preno papunta sa kanang riser
3Linya ng clutch papunta sa kaliwang riser
Figure 1. Mga Linya ng Clutch at Preno, Mga Modelong Fairing (Inalis ang Fairing para Maging Malinaw)
1I-capture lang ang linya ng clutch sa linya ng preno
2I-capture lang ang linya ng clutch at harness sa frame
Figure 2. Lokasyon ng Strap ng Kable ng Linya ng Clutch Fluid
1Takip
2Master cylinder ng clutch
3Hand lever ng clutch
4Linya ng clutch fluid
5Clutch line flare fitting
6Segundaryong clutch actuator
7Takip sa gilid ng panlabas na transmisyon
8Bleeder valve
9Bleeder cap
10Banjo bolt
11Sealing washer (2)
12Clutch line grommet
Figure 3. Mga Koneksyon ng Linya ng Clutch Fluid
PAGKAKABIT
1. Kapag nagkakabit ng bagong handelbar, ikabit sa puntong pagkakabitan ng clutch master cylinder.
2. Mga modelong Fairing: Tingnan ang Figure 1 . Iruta ang linya ng clutch fluid papasok sa panloob na fairing papunta sa master cylinder habang muling binabaybay ang orihinal na ruta. Maluwag na ikabit ang linya sa bawat handlebar riser at ang linya ng preno gamit ang tatlong bagong kableng strap (hiwalay na mabibili).
3. LAHAT ng model: Maluwag na ikabit ang linya sa clutch master cylinder gamit ang banjo bolt at mga bagong sealing washer.
4. Tingnan ang Figure 4 hanggang Figure 8 . Iruta ang linya ng clutch fluid:
a. mula sa ilalim ng pang-ibabang triple clamp,
b. pababa sa kanang bahagi ng o sa harapan ng mga frame tube,
c. sa likod ng likurang brake master cylinder,
d. sa ilalim ng mount ng makina sa harap,
e. sa kanang bahagi ng mas mababang frame member,
f. hanggang sa segundaryong clutch actuator.
5. Tingnan ang Figure 3 . Ikabit nang maluwag ang flare fitting (5) sa segundaryong clutch actuator (6).
6. Tingnan ang Figure 2 . Ikabit ang linya ng clutch fluid gamit ang mga bagong kableng strap. Tiyakin na walang kontak sa exhaust system o anumang iba pang bagay na maaaring magdulot ng pagkasira.
7. Mga modelong Fairing: Ikabit ang linya sa ibabang slot ng linya ng preno at clutch clip sa kanang bahagi ng steering head.
8. Ikabit ang mga clamp.
a. Mga modelong Fairing: Tingnan ang Figure 4 . Ikabit ang linya sa downtube gamit ang dalawang clamp na inalis kanina.
b. Mga modelong FLRT: Tingnan ang Figure 5 . Ikabit ang mga P-clamp na inalis kanina sa parehong lokasyon ng nacelle at frame. Higpitan ang mga turnilyo ng P-clamp.
Torque: 4,5–5,4 N·m (40–48 in-lbs) Hex socket head screw
c. Mga modelong Softail: Tingnan ang Figure 7 . Ikabit ang mga P-clamp na inalis kanina sa parehong lokasyon ng nacelle at frame. Higpitan ang mga turnilyo ng P-clamp.
Torque: 4,5–5,4 N·m (40–48 in-lbs) Hex socket head screw
9. Mga modelong Fairing: Tingnan ang Figure 1 . Ikabit ang linya ng clutch fluid sa handlebar clamp at linya ng preno gamit ang tatlong bagong kableng strap. Mga modelong FLRT: Tingnan ang Figure 6 . Ikabit ang kableng strap sa palibot ng frame tube at linya ng clutch sa pamamagitan ng maliit na butas sa bowtie bracket. Mga modelong Softail: Tingnan ang Figure 8 . I-adjust ang ruta sa harapan ng ABS (kung kinakailangan) at pababa sa kanang bahagi ng frame tube. Ipirmi sa posisyon tulad ng itinala habang inaalis ito.
10. LAHAT ng modelo: Habang nasa pinakahuling posisyon ang mga handlebar at kontrol ng kamay, ihanay ang clutch fluid line nang sa gayon ay hindi nakasandal ang banjo fitting sa handlebar at nagbibigay ito ng pinakamalinis na ruta ng linya ng clutch fluid. Higpitan ang banjo bolt.
Torque: 16,9–19,7 N·m (12,5–14,5 ft-lbs) Banjo Bolt
11. Tingnan ang Figure 3 . Ikabit ang grommet ng takip sa gilid ng transmisyon (12) sa linya ng clutch fluid. Iposisyon nang humigit-kumulang katulad ng ipinapakita. Iposisyon ang dulo ng flare-nut ng linya ng clutch fluid (5) at ang grommet upang sumakto sa kutab sa takip ng gilid ng transmisyon. Higpitan ang flare nut.
Torque: 10,3–12,5 N·m (91–111 in-lbs) flare nut
12. Tingnan ang manwal ng serbisyo. Punuin at i-bleed ang clutch fluid system.
13. Isagawa ang panghuling pagpoposisyon ng hydraulic clutch fluid line. Higpitan ang lahat ng strap ng kable at pagruruta upang iwasan ang kontak sa mga surface ng exhaust at makina at iwasan ang mga pagkakaipit ng mga bahagi o iba pang potensyal na nakasisirang posisyon.
14. Mga modelong Fairing: Tingnan ang manwal ng serbisyo. Ikabit ang takip ng fairing.
15. Tingnan ang manwal ng serbisyo. Ikabit ang panlabas na fairing.
16. LAHAT ng modelo: Ikabit ang panlabas na takip sa gilid ng transmisyon. Higpitan.
Torque: 11,2–13,6 N·m (8,3–10 ft-lbs) mga turnilyo ng takip sa gilid ng transmisyon
Figure 4. Mga Lokasyon ng Clamp sa Frame Downtube, Mga Modelong Fairing
1Linya ng clutch
2P-clamp sa nacelle
3P-clamp sa frame
4Banjo fitting sa clutch master cylinder end
Figure 5. Itaas na Pagruruta ng Linya ng Clutch Fluid (Mga Modelong FLRT)
1Linya ng clutch
2P-clamp sa frame
3Kableng strap sa frame bowtie bracket
4Frame bowtie bracket
Figure 6. Ibabang Pagruruta ng Linya ng Clutch Fluid (Mga Modelong FLRT)
1Linya ng clutch
2P-clamp sa nacelle
3P-clamp sa frame
Figure 7. Itaas na Pagruruta ng Linya ng Clutch Fluid (Mga Modelong Softail)
1Linya ng clutch
2P-clamp sa frame
3Ibabang ligtas na lokasyon sa kanang harapan ng frame
Figure 8. Ibabang Pagruruta ng Linya ng Clutch Fluid (Mga Modelong Softail)
PAGKUMPLETO
TALA
Tiyakin na ang switch ng ignisyon ay nasa posisyong OFF bago ikabit ang pangunahing fuse.
1. Tiyakin na naka-OFF ang switch ng ignisyon.
2. Tingnan ang manwal ng serbisyo. Ikabit ang pangunahing fuse.
BABALA
Pagkatapos ikabit ang upuan, hilahin pataas ang upuan upang matiyak na ito ay naka-lock sa posisyon. Habang nakasakay, maaaring gumalaw at maging sanhi ng pagkawala ng kontrol ang maluwag na upuan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00070b)
3. Tingnan ang manwal ng serbisyo. Ikabit ang upuan.
4. Subukang sakyan ang motorsiklo sa mabagal na takbo. Tiyakin na ang mga clutch ay gumagana nang maayos.
MGA PAMALIT NA PIYESA
Figure 9. Mga Pamalit na Piyesa: Mga Hydraulic Clutch Line Kit
Talahanayan 4. Mga Pamalit na Piyesa
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
1
Sealing washer (2)
41751-06A
2
Hydraulic clutch fluid line
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
3
Grommet, takip sa gilid ng transmisyon
12100077
Mga bagay na binanggit sa text, ngunit hindi kasama sa kit:
A
Segundaryong clutch actuator
37200131
B
Kableng strap, humigit-kumulang 15 in (38 cm) ang haba, (5)
10039