KIT NG PANG-MOUNT NA HARDWARE
941000862019-08-21
PANGKALAHATAN
Numero ng Kit
76000278A
Mga Modelo
Para sa impormasyon ukol sa fitment ng modelo, tingnan ang retail na katalogo ng P&A o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (Ingles lamang).
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Gamitin ang naaangkop na mga pamamaraan sa manwal ng serbisyo. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00333b)
TALA
Tumutukoy ang pahina ng tagubilin na ito sa impormasyon tungkol sa manwal ng serbisyo. Ang manwal ng serbisyo para sa taon/modelo ng iyong motorsiklo ay kinakailangan para sa pagkakabit na ito. Mayroong isa na makukuha mula sa dealer ng Harley-Davidson.
Overload sa Kuryente
PAUNAWA
Posibleng ma-overload ang charging system ng iyong sasakyan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng napakaraming de-kuryenteng accessory. Kung ang pinagsamang de-koryenteng accessory na gumagana nang sabay-sabay ay kumokonsumo ng higit pa sa kuryenteng kayang likhain ng charging system ng sasakyan, maaaring madiskarga ng pagkonsumo ng kuryente ang baterya at magdulot ng pinsala sa sistemang elektrikal ng sasakyan. (00211d)
Ang pagbili ng kit na ito ay nagbibigay karapatan sa iyo sa isang espesyal na ginawang software para sa sound equalization na ginagamit kasama ng Advanced Audio System. Ang natatanging equalization na ito ay dinisenyo upang ma-optimize ang performance at sound response ng mga ibabang speaker ng BOOM! Audio fairing. Kahit pa hindi ikabit ng isang Harley-Davidson ang kit na ito, ang espesyal na equalization software na ito ay makukuha nang walang bayad mula sa alinmang dealer sa pamamagitan ng Digital Technician II. Maaaring ilapat ang mga presyo ng dealer sa labor para sa proseso ng pag-upgrade.
BABALA
Kapag nag-i-install ng anumang de-kuryenteng accessory, tiyaking hindi lalampas sa maximum na rating ng amperage ng fuse o circuit breaker na nagpoprotekta sa naapektuhang circuit na binabago. Ang paglampas sa maximum na amperage ay maaaring humantong sa mga pagpalyang elektrikal, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00310a)
Nangangailangan ang amplifier na ito ng hanggang 8 amps na dagdag na current mula sa elektrikal na system.
Mga Nilalaman ng Kit
MAGHANDA
TALA
Para sa mga sasakyang may sirena ng seguridad:
  • Siguraduhing malapit ang hands-free na fob.
  • I-on ang ignisyon.
TALA
Ang sumusunod na mga hakbang ay ibinigay bilang balangkas ng proseso. Sundin ang lahat ng hakbang na nakasaad sa naaangkop na mga seksyon sa manwal ng serbisyo.
1. Alisin ang upuan.
2. Tanggalin ang tangke ng gasolina.
3. Tanggalin ang pangunahing fuse.
4. Tanggalin ang panlabas na fairing.
5. Alisin ang air duct.
6. Figure 1 Alisin ang takip ng wire trough.
7. Figure 2 Pakawalan ang mga connector anchor para sa mga connector [184] at [280] mula sa pansuportang bracket ng radyo.
8. Figure 3 Kung mayroon, tanggalin ang mga XM/NAV antenna mula sa pansuportang bracket ng radyo at iposisyon sa tabi.
9. Tanggalin ang dalawang tunilyong nagkakabit sa Telematic Control Unit (TCU) sa bracket. itabi ang mga turnilyo para magamit mamaya.
10. Figure 4 Kung mayroon, alisin ang umiiral na TCU bracket (2).
a. Tanggalin ang apat na turnilyo (3). itabi ang mga turnilyo para magamit mamaya.
11. Figure 5 Ipuwesto at ikabit ang TCU sa bracket gamit ang dalawang turnilyo. Higpitan.
Torque: 7–8 N·m (62–71 in-lbs)
12. Kung mayroon, iposisyon ang nakatagong modyul ng antenna sa likuran ng amplifier.
13. Iruta ang kable sa socket sa likuran ng radyo.
14. Figure 6 Alisin ang apat na turnilyo ng pansuportang bracket ng radyo papunta sa radyo. itabi ang mga turnilyo para magamit mamaya.
15. Iposisyon ang bracket ng amplifier.
16. Ikabit ang apat na turnilyo ng pansuportang bracket ng radyo sa radyo. Higpitan.
Torque: 2–3 N·m (18–27 in-lbs)
17. Kung mayroon, iruta ang nakatagong kable ng antenna sa may kaliwang panig (dulo ng connector ng amplifier) ng bagong bracket.
Figure 1. Wire Trough
1[280]
2[184]
Figure 2. [280] at [184]
Figure 3. Pag-aalis ng Antenna
Figure 4. Bracket ng TCU
Figure 5. Turnilyo ng TCU
Figure 6. Mga Turnilyo ng Pansuportang Bracket ng Radyo
1Dulong bracket ng amplifier
2Amplifier
3Dulong bracket ng amplifier
4Mga Turnilyo ng dulong bracket ng amplifier (4)
Figure 7. Mga Bracket ng Amplifier
IKABIT
1. Figure 7 Ikabit ang mga bracket ng amplifier sa amplifier.
2. Figure 8 Ikabit ang amplifier.
a. Iposisyon ang mga butas sa gilid na bracket ng amplifier sa ibabaw ng mga stud sa bracket ng amplifier.
b. Ikabit ang dalawang turnilyo. Higpitan.
Torque: 10–12 N·m (7–9 ft-lbs)
c. Ikabit ang dalawang nut. Higpitan.
Torque: 8–11 N·m (6–8 ft-lbs)
TALA
Huwag ikaskas ang amplifier sa bracket.
1Mga turnilyo ng amplifier
2Assembly ng amplifier
3Amplifier nut (2)
Figure 8. Pagkakabit ng Amplifier
3. Figure 9 Isingit ang connector [184] at mga [280] connector anchor sa bracket ng amplifier bracket at kung mayroon, iposisyon ang mga SiriusXM & NAV antenna.
TALA
Ang bracket ng amplifier ay may clip para sa transmitter ng pambukas ng pinto ng garahe. Kung mayroon nito ang motorsiklo, ilipat iyon sa posisyong ito. Ang stud sa harapan ng bracket ay para lamang gamitin sa CVO.
1Mga XM/NAV antenna
2[280]
3[184]
Figure 9. Paglilipat ng Lokasyon ng Connector
1[149] Amplifier
2[35A] LH speaker (input mula sa radyo)
3[35B] LH speaker (amp output)
4[22] RHCM
5[34A] RH speaker (input mula sa radyo)
6[34B] RH speaker (amp output)
7[162] Likurang channel output (mula sa radyo) (Ipinakikita ang FLHX)
8[313] Likurang channel output (mula sa amp)
9[299] P&A power
Figure 10. Mga Koneksyon ng Harness
4. Figure 10 Iposisyon ang harness gaya ng ipinakikita at ikonekta ang mga connector. Nakadetalye ang mga koneksyon paa sa [162] at [313] sa mga sumusunod na tala.
TALA
  • Mga modelong FLHX: Kung ang pagkakabit na ito ay nagdagdag ng amplifier sa dati nang nakakabit na mga speaker, tingnan ang seksyon ng "Upgrade" section para sa mga tagubilin sa pagkonekta ng wire harness.
  • Kung ang amplifier na ito ay ginamit kasama ng isang pangalawang amplifier upang magpagana ng anim o walong speaker, tingnan ang mga detalye ng pagkonekta para sa [162] at [313] sa Talahanayan 1 , Talahanayan 2 and kit 76000280. FLHX(S) [162] (F) isang 4-way na Molex rear channel output mula sa radyo. Ginagamit para sa output ng speaker na walang amp. Tingnan ang Figure 8 . Hindi ginamit sa pangunahing amp, ginamit para sa INPUT ng pangalawang amp. Tingnan ang Figure 10 . FLHTC/FLHTK/TRIKE [162] (R) isang 16-way Molex rear channel output mula sa radyo. Naglalaman ng lahat ng wiring ng likurang speaker pod. Ikabit ang 69200714 para gamitin sa mga amplifier (tingnan ang Hakbang 7). Fairing Amp [313] isang 4-way na Molex rear channel output ng pangunahing amplifier, maaaring gamitin para sa mga speaker ng saddlebag, mga rear pod o mga fairing lower. Nakalaan para sa mga fairing lower kapag ginamit sa anim o walong speaker na kumpigurasyon.
Talahanayan 1. Pangkonekta ng [313] Amplifier Harness
MODELO
BILANG NG SPEAKER
2
4
6
8
FLHX(S)
N/A
A
B
B
FLHTCU
N/A
C
F
F
FLHTK
N/A
C
F
HINDI KASYA
TRIKE
N/A
C
HINDI KASYA
HINDI KASYA
A: Ikonekta sa jumper 69200489 (para sa mga takip o R. Pod) o harness 69200612 ng fairing lower
B: Ikonekta sa jumper 69200489. Kabilang dulo ng jumper tungo sa speaker expansion harness 69200490 [296]
C: Ikonekta sa jumper 69200489. Kabilang dulo ng jumper tungo sa rear speaker interconnect 69200714 (tingnan sa ibaba)
F: Ikonekta ang [313] sa mga fairing lower lamang. Hindi kailangan ang jumper 69200489
N/A: Ang 2 speaker system ay hindi nangangailangan ng paggamit ng [313]
Talahanayan 2. Connector [162] ng Stock na Fairing Harness at Amp
MODELO
BILANG NG SPEAKER
2
4
6
8
FLHX(S)
N/A
D
E
E
ULTRA
N/A
C
G
G
FLHTK
N/A
C
G
HINDI KASYA
TRIKE
N/A
C
HINDI KASYA
HINDI KASYA
D: Huwag ikonekta, iwanan sa puwesto ang stock na weather-cap
E: Ikonekta sa jumper 69200489. Kabilang dulo ng jumper tungo sa speaker expansion harness 69200490 [296]
G: Ikonekta ang rear speaker interconnect 69200714 sa speaker expansion [296] at [297] 69200489 jumper na hindi ginagamit.
N/A: Ang 2 speaker system ay hindi nangangailangan ng paggamit ng [162]
5. Iruta ang mga kable ng baterya papasok sa wire trough at sa mga kinauukulan nilang terminal ng baterya.
6. Tanggalin ang - at + na terminal ng baterya.
a. Ilagay ang ring terminal na may label na B+ sa positibong terminal ng baterya.
b. Ikabit ang bolt.
c. Ilagay ang terminal na may label na B- sa negatibong poste ng baterya.
d. Ikabit ang bolt.
e. Ikabit nang maigi ang mga bolt. Higpitan.
Torque: 6,8–7,9 N·m (60–70 in-lbs)
f. Iposisyon ang kahanay na fuse holder sa isang lokasyong madaling maabot gamit ang pinakakaunting pagkalas na maaari, huwag ipasok sa wire trough.
7. Mga modelong FLHTCU/K at Trike lamang: Tingnan ang Talahanayan 1 at Talahanayan 2 . Ikabit ang rear speaker pod interconnect harness (69200714).
a. Tingnan ang Figure 11 . Idiskonekta ang [162] na matatagpuan sa likod ng sandalan ng pasahero.
b. Ikonekta ang mga naaangkop na pangkonekta sa interconnect harness [162A/B].
c. Ikonekta ang panig ng 4-way na saksakan ng 69200714 sa panig ng 4-way na pin ng 69200489 jumper.
d. Gamitin ang takip (mula sa 313) upang isaksak ang hindi ginagamit na panig ng 4-pin ng 69200714.
e. Kung gumagamit ng speaker expansion kit 76000280, ikonekta ang panig ng 4-way pin ng 69200714 sa pang-mate na panig ng 4-way na saksakan ng [296].
f. Ikonekta ang panig ng 4-way na saksakan ng 69200714 sa pang-mate na panig ng 4-way na pin [297].
8. Tingnan ang Figure 11 . Ikabit ang takip ng wire trough.
9. Takpan ang anumang hindi gamit na pin-side connector gamit ang 72632-10, na kasama ng 692000478 [313] o mula sa fairing harness connector [162] sa mga modelong FLHX.
1Terminal ng baterya -
2Terminal ng baterya +
3Lokasyon ng fuse holder
Figure 11. Koneksyon ng Baterya
10. Ikabit ang wire harness gamit ang mga cable strap. Tiyaking hindi makakasagabal ang wiring sa pagliko o paggalaw ng suspensyon.
BABALA
Tiyaking dire-diretso at maluwag ang steering nang walang anumang pumipigil. Ang pagpigil sa steering ay maaaring magresulta sa pagkawala ng kontrol sa sasakyan at pagkamatay o malubhang pinsala. (00371a)
11. Tingnan ang Figure 12 . Mga modelong may SiriusXM: Ilipat ang SiriusXM antenna kasama ng bracket at mga tagubilin mula sa kit na iyon. Ikabit ang pangunahing fuse at itsek kung gumagana ang radyo.
1[162B]
2[162A]
3Speaker jumper 62900489
Figure 12. Rear Speaker Pod Interconnect
12. I-load ang amplifier EQ batay sa kumpigurasyon ng speaker gamit ang seksyon ng amplifier flash ng Dealer Service Tool (Digital Technician).
a. Itsek kung may mga update sa Amplifier Base Calibration.
b. Ikabit ang pinakabagong bersyon ng Base Calibration, kung may available nang update.
c. Tumuloy sa reflash ng radyo.
d. Piliin ang mga bagong kumpigurasyon ng mga speaker.
e. Makikita sa seksyon ng impormasyon ang tamang EQ batay sa kumpigurasyon ng mga speaker.
f. Kumpletuhin ang reflash ng radyo gamit ang mga bagong kumpigurasyon ng speaker.
g. Tumuloy sa reflash ng Amplifier.
h. I-load ang EQ ng Amplifier batay sa kumpigurasyon ng mga speaker, gaya ng nakalagay sa seksyon ng reflash ng Radyo.
i. Kumpletuhin ang reflash ng Amplifier.
13. Ikabit ang air duct. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
14. Ikabit ang panlabas na fairing. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
15. Ikabit ang pangunahing fuse. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
16. Ikabit ang tangke ng gasolina. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
17. Ikabit ang upuan. Pagkatapos ikabit ang upuan, hatakin pataas ang upuan upang matiyak na nakakabit ito nang mabuti. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
18. Kung mayroon, ikabit nang maayos ang nakatagong AM/FM antenna sa pagkakabitang panig sa ilalim ng windshield vent sa likod ng amplifier.
19. Sumangguni sa Odometer Self-Diagnostics sa EDM upang alisin ang anumang code na naitakda sa panahon ng pagkakabit.
MGA PAMALIT NA PIYESA
Figure 13. Mga Piyesang Pamalit, Boom! Audio Amplifier Kit
Talahanayan 3. Mga Pamalit na Piyesa
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
1
Mga hex socket button head na turnilyo (4)
926
2
Turnilyo, Torx button head (2)
10500053
3
Bracket, amplifier, kanan
76000945
4
Amplifier
76000277B
5
Bracket, amplifier, anggulo
76000330
6
Jumper, likurang speaker
69200489
7
Harness, rear speaker interconnect
69200714
8
Lock nut (2)
7686
9
Harness, amplifier pangunahing amp
69200487
10
Mga kableng strap (10)
10006
11
Adhesive base (4)
69200342
12
Bracket, amplifier fairing mount
76000923
Figure 14. Kumpigurasyon ng Amplifier
Talahanayan 4. Mga Upgrade
MGA UPGRADE
Mga modelong FLHX na may 4 speaker na sistema: pag-a-upgrade sa Pangunahing Amp
Mga Lower
Idiskonekta ang Pang-ibabang harness (69200612) mula sa output ng radyo ng harness ng sasakyan [162]. Muling ikonekta sa [313] ng fairing amplifier harness.
Mga Pod/Takip
  • Idiskonekta ang Jumper 69200489 mula sa output ng radyo ng harness ng sasakyan [162]. Muling ikonekta sa [313] ng fairing amplifier
  • Palitan ang weather cap mula sa [313] sa [162].