XL na Pang-itaas na Belt Guard
J030132019-01-05
PANGKALAHATAN
Numero ng Kit
60402-04A, 60379-09A, 60300045
Mga Modelo
Para sa impormasyon tungkol sa pagiging sukat sa modelo, tingnan ang P&A Retail Catalog o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (English lamang).
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Gamitin ang naaangkop na mga pamamaraan sa manwal ng serbisyo. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00333b)
TALA
Tumutukoy sa impormasyon sa manwal ng serbisyo ang pahina ng tagubilin na ito. Ang manwal ng serbisyo para sa taon/modelo na ito ng motorsiklo ay kinakailangan para sa pagkakabit na ito. Mayroong isa na makukuha mula sa dealer ng Harley-Davidson.
Walang pamalit na piyesa sa kit na ito.
Pag-aalis
1. Tingnan ang Figure 1 . Tanggalin ang mount nut (3) at washer (2) ng pang-ibabang shock absorber sa kanan.
2. Bahagyang hilahin ang pang-mount na bolt ng shock absorber (1) nang palabas hanggang makita ang butas ng mounting tab sa belt guard (7) pero huwag tanggalin nang buo.
3. Sa harapan ng belt guard, tanggalin ang bolt (6), washer (5) at nut (4).
4. Tanggalin ang belt guard mula sa sasakyan.
Pagkakabit
TALA
Tingnan ang Figure 1 . Kapag ikinakabit ang bagong chrome na belt guard, ang harapang mounting tab (8) ay ikakabit sa labas ng swing arm mounting tab (9). Ang mounting tab ng likurang belt guard (10) ay naikakabit sa loob ng mount tab ng shock absorber (11).
1. Tingnan ang Figure 1 . I-slide ang bagong belt guard (7) sa posisyon sa sasakyan.
2. Ikabit nang maayos ang belt guard sa likurang swing arm gamit ang bolt (6), washer (5) at nut (4). Higpitan.
Torque: 13,6–20,3 N·m (120–180 in-lbs)
3. Diinan ang mounting bolt ng pang-ibabang shock absorber (1) papasok sa butas na pang-mount ng belt guard.
4. Ikabit nang maayos ang washer (2) at nut (3) sa bolt. Higpitan.
Torque: 61–68 N·m (45–50 ft-lbs)
1Pang-mount na bolt ng pang-ibabang shock absorber (kanang bahagi)
2Washer
3Mount nut
4Nut
5Washer
6Bolt
7Belt guard
8Harapang mounting tab
9Likurang mounting tab
10Mounting tab ng likurang belt guard
11Mount tab ng shock absorber
Figure 1. Pagtatanggal at Pagkakabit ng Pang-itaas na Belt Guard