KIT NG BOOM! AUDIO STAGE II TOUR-PAK SPEAKER
941000572019-01-31
PANGKALAHATAN
Inirerekomenda ang pagkakabit ng isang dealer.
Numero ng Kit
76000952
Mga Modelo
Para sa impormasyon ukol sa fitment ng modelo, tingnan ang retail na katalogo ng P&A o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (Ingles lamang).
Mga Kinakailangan sa Pagkakabit
TALA
HUWAG pagsamahin ang Stage I at Stage II na mga speaker sa parehong sasakyan.
Ang mga speaker na ito ay para LANG sa 2014 at mas bagong mga Harley-Davidson na audio system. Ang paggamit sa mga speaker na ito sa 2006-2013 na Harley-Davidson mga audio system AY permanenteng makakasira sa mga ito. Ang paggamit sa mga speaker na ito sa 2005 o mas maagang Harley-Davidson na mga audio system AY permanenteng makakasira sa mga iyon.
PAUNAWA
Ang Radio EQ ay DAPAT i-update ng isang Harley-Davidson dealer BAGO paandarin ang audio system. Ang pagpapaandar ng audio system bago ang pag-update ng radio EQ ay AGAD na makapipinsala sa mga speaker. (00645d)
Magagawa lang ang pag-update ng Radio EQ gamit ang Digital Technician ® II diagnostic tool sa mga awtorisadong dealer ng Harley-Davidson. Ang kasangkapang ito ay:
  • Kinakailangan bago PAGAHANIN ang audio system.
  • Inirerekomenda bago ang PAGKAKABIT ng speaker.
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Gamitin ang naaangkop na mga pamamaraan sa manwal ng serbisyo. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00333b)
TALA
Tumutukoy sa impormasyon sa manwal ng serbisyo ang pahina ng tagubilin na ito. Ang manwal ng serbisyo para sa taon/modelo na ito ng motorsiklo ay kinakailangan para sa pagkakabit na ito. Mayroong isa na makukuha mula sa dealer ng Harley-Davidson.
Overload sa Kuryente
BABALA
Kapag nag-i-install ng anumang de-kuryenteng accessory, tiyaking hindi lalampas sa maximum na rating ng amperage ng fuse o circuit breaker na nagpoprotekta sa naapektuhang circuit na binabago. Ang paglampas sa maximum na amperage ay maaaring humantong sa mga pagpalyang elektrikal, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00310a)
PAUNAWA
Posibleng ma-overload ang charging system ng iyong sasakyan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng napakaraming de-kuryenteng accessory. Kung ang pinagsamang de-koryenteng accessory na gumagana nang sabay-sabay ay kumokonsumo ng higit pa sa kuryenteng kayang likhain ng charging system ng sasakyan, maaaring madiskarga ng pagkonsumo ng kuryente ang baterya at magdulot ng pinsala sa sistemang elektrikal ng sasakyan. (00211d)
Ang pagbili ng kit na ito ay nagbibigay karapatan sa iyo sa isang espesyal na ginawang software para sa sound equalization na ginagamit kasama ng Advanced Audio System. Ang natatanging equalization na ito ay dinisenyo upang ma-optimize ang performance at sound response ng mga ibabang speaker ng BOOM! Audio fairing. Kung ang kit na ito ay hindi ikinabit ng isang dealer ng Harley Davidson, makukuha ang espesyal na equalization software na ito nang walang bayad sa anumang dealer sa pamamagitan ng Digital Technician II. Maaaring ilapat ang mga presyo ng dealer sa labor para sa proseso ng pag-upgrade.
Nangangailangan ang amplifier na ito ng hanggang 8 amps na dagdag na current mula sa elektrikal na system.
Mga Nilalaman ng Kit
Tingnan ang Figure 2 at Talahanayan 1 .
PAGHAHANDA
BABALA
Upang maiwasan ang aksidenteng pag-andar ng sasakyan, na maaaring magdulot ng kamatayan o malubhang pinsala, alisin ang pangunahing fuse bago magpatuloy. (00251b)
  1. Tingnan ang manwal ng serbisyo. Tanggalin ang pangunahing fuse.
PAGKAKABIT
  1. Tingnan ang Figure 1 . Alisin ang apat na well nut (1) mula sa bawat lalagyan ng speaker. Ikabit ang mga captive nut (2) sa bawat butas mula sa loob ng mga lalagyan.
  2. Ikabit ang mga pangkonektang wire ng speaker sa loob ng lalagyan ng speaker papunta sa mga spade terminal sa likod ng bagong woofer speaker sa likurang pod. Ang magkakaibang sukat ng mga spade contact ay pumipigil sa hindi wastong pag-assemble.
  3. TALA
    Ang mga speaker sa likuran ay nakapartikular sa pagkakabitang panig. Ang trim ring ng kanang speaker ay may tekstong “BOOM! AUDIO STAGE II” sa ibabaw. Walang teksto ang kaliwang panig.
  4. Tingnan ang Figure 2 . Ikonekta ang two-way na mga pangkonekta ng audio sa amplifier harness [36TB at 37TB] papunta sa pangkonekta ng mid-range at tweeter (B).
  • Pangkonekta [36TB] sa kanang speaker.
  • Pangkonekta [37TB] sa kaliwang speaker.
1. Ikutin ang speaker assembly (1) nang sa gayon ay 45 degrees na naka-outboard mula sa itaas.
2. Ikabit ang speaker assembly sa lalagyan ng speaker gamit ang apat na turnilyong (C) naunang inalis.
a. Maingat na simulan ang pagkakabit ng mga turnilyo upang iwasang maitulak ang mga captive nut sa loob ng mga pagkakabitang butas.
b. Gumamit ng pahalang na padron upang higpitan ang lahat ng apat na turnilyo.
Torque: 1,13–10 N·m (10–89 in-lbs)
3. Ulitin ang hakbang 1-5 para sa natitirang lalagyan ng speaker sa likod.
1Alisin ang well nut (4)
2Ikabit ang captive nut (4)
Figure 1. Alisin at Palitan ang Mga Nut ng Lalagyan ng Speaker sa Likod
PAGKUMPLETO
TALA
Upang maiwasan ang posibleng pagkasira ng audio system, tiyaking naka-OFF ang ignisyon at audio system bago ikabit ang pangunahing fuse.
PAUNAWA
Ang Radio EQ ay DAPAT i-update ng isang Harley-Davidson dealer BAGO paandarin ang audio system. Ang pagpapaandar ng audio system bago ang pag-update ng radio EQ ay AGAD na makapipinsala sa mga speaker. (00645d)
  1. Tingnan ang manwal ng serbisyo. Ikabit ang pangunahing fuse.
  2. Ipa-update ang Radio EQ sa isang dealer ng Harley-Davidson gamit ang Digital Technician II.
  3. I-ON ang ignisyon ngunit huwag paandarin ang makina ng motorsiklo.
  4. Sumangguni sa seksyon ng BOOM! BOX INFOTAINMENT SYSTEM sa manwal ng may-ari. I-ON ang radyo. Tiyakin na gumagana ang mga speaker at tama ang paggana ng fader function sa harap/likod. Kung hindi, suriin ang wiring ng speaker.
HABANG GINAGAMIT
Iwasang direktang makontak ng pressure washer ang mga speaker grille. Maaaring masira ang mga speaker.
MGA PAMALIT NA PIYESA
Figure 2. Mga Pamalit na Piyesa, Kit ng BOOM! Audio Stage II Speaker sa Likod
Talahanayan 1. Mga Pamalit na Piyesa
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
1
Speaker assembly, likurang pod
(kaliwa) (kabilang ang item 2-4)
(kanan) (kabilang ang item 2-4)
.
76000886
76000885
2
  • Speaker assembly, woofer
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
3
  • Speaker assembly, tweeter/midrange
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
4
  • Turnilyo, flat head (3)
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
5
Captive nut (8)
10100064
Mga bagay na binanggit sa text, ngunit hindi kasama sa kit.
A
Tweeter
B
Pangkonekta ng mid-range at tweeter
C
Orihinal na turnilyo (8)