MGA KIT NG COMPACT BACKREST PAD NG SOFTAIL
J065092022-09-15
PANGKALAHATAN
Numero ng Kit
52300556A, 52300555A, 52300558A, 52300559A, 52300617A
Mga Modelo
Para sa impormasyon tungkol sa pagiging sukat sa modelo, tingnan ang P&A Retail Catalog o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (English lamang).
Mga Nilalaman ng Kit
Tingnan ang Figure 3 at Talahanayan 1 .
PAGKAKABIT
Pagkakahanay ng Medallion
1. Gamit ang 50:50 isopropyl alcohol/tubig na solusyon, linisin ang ibabaw ng bracket (2). Payagang matuyo nang husto. Ikabit habang nasa normal na temperatura ng silid.
Temperatura: 10–32 °C (50–90 °F)
1Medallion
2Masking tape
Figure 1. Maglagay ng Tape sa Medallion
2. Tingnan ang Figure 1 . Maglagay ng 3 pulgada ng masking tape na nakasentro sa ibabaw ng bar and shield ng medallion.
3. Pulutin ang medallion sa pamamagitan ng tape at alisin ang papel mula sa adhesive na likod ng medallion.
TALA
Tingnan ang Figure 2 . Hindi simetriko ang mga gilid ng bracket (3). Ang lapad sa ibabaw ay mas makitid kaysa sa lapad ng ilalim.
1Horizontal bar ng medallion
2Ibabang kanto ng bracket
3Bilugang gilid ng bracket
Figure 2. Pagkakahanay ng Medallion
TALA
Tingnan ang Figure 2 . Ihanay ang horizontal bag (1) sa medallion sa ibabang kanto (2) ng bracket. Dapat maging parallel ang dalawang ito.
4. Habang hawak ang tape, ibaba ang medallion sa nakapaloob na bahagi ng bracket. Maglapat ng pare-parehong presyon nang isang minuto.
Attachment ng Bracket
1. Tingnan ang Figure 3 . Kung kinakailangan, gupitin ang plastic na rain seal mula sa dalawang pre-cut na butas ng turnilyo sa backrest pad (1) upang maiwasang maipit ang plastic sa mga thread.
2. Iposisyon ang backrest pad nang sa gayon ay nakahanay ang tabas sa base sa itaas ng sissy bar upright.
3. Tanggalin ang backing ng pandikit mula sa kaliwa at kanang bahagi ng bracket (3).
TALA
  • Tingnan ang Figure 2 . Hindi simetriko ang mga gilid ng bracket (3). Ang lapad sa ibabaw ay mas makitid kaysa sa lapad ng ilalim.
  • Gumamit ng solution na 50:50 na halo ng isopropyl alcohol at tubig upang linising maigi ang ibabaw ng nakatayo (A) bago ikabit ang bracket (2). Payagang matuyo nang husto. Ikabit habang nasa normal na temperatura ng silid. 10–32 °C (50–90 °F)
4. Ilapat ang pang-mount na bracket sa pad nang sa gayon ay nasa gitna ng pad at bracket ang sissy bar upright.
5. Iposisyon at diinang mabuti ang bracket (2) sa sissybar.
6. Tingnan ang Figure 3 . Magpasok ng turnilyo (4) na galing sa kit, sa loob ng bracket (2), at dahan-dahang i-thread ito nang 4-5 ikot sa mating hole sa backrest pad. Ulitin sa kabilang turnilyo. HUWAG higpitan ang turnilyo hanggang sa mailagay ang parehong turnilyo.
7. Sa sandaling maingat na naipasok sa dalawang butas ng backrest pad ang dalawang turnilyo, ikabit nang mabuti ang mga turnilyo. Higpitan.
Torque: 6,8 N·m (60 in-lbs) mga turnilyo ng backrest pad
MGA PAMALIT NA PIYESA
Figure 3. Mga Pamalit na Piyesa: Mga Kit ng Compact Backrest Pad ng Softail
Talahanayan 1. Talahanayan ng mga Pamalit na Piyesa: Mga Kit ng Compact Backrest Pad ng Softail
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
1
Backrest pad
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
2
Mounting bracket
52300565A
3
Medallion
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
4
Turnilyo
94385-92T
Mga item na hindi kasama sa kit:
A
Natatanggal na Sissy Bar Upright