SCREAMIN' EAGLE PRO BIG BORE STAGE 2 KIT
J053702019-07-19
PANGKALAHATAN
Numero ng Kit
29859-04B
Mga Modelo
Kasya ang kit na ito sa mga sumusunod na makina ng Twin Cam 88 (1450 cc) na mayroong Electronic Fuel Injection (EFI):
  • Mga modelong Softail ng 2001-2006 (maliban sa 2005 FLSTFI ng ika-15 Anibersaryo)
  • Mga 2004-05 na Modelong Dyna
  • Mga 2002-2006 na Modelong Touring
Kinakailangan ng Mga Karagdagang Piyesa at Kasangkapan
Ang kit na ito ay nangangailangan ng hiwalay na pagbili ng mga sumusunod na piyesa at kasangkapan na makukuha sa isang dealer ng Harley-Davidson.
  • Camshaft/Crankshaft Sprocket Locking Tool (HD-42314)
  • Camshaft Remover/Installer (HD-43644)
  • Loctite ® 243 (blue) 99642-97
  • Gasket ng Pangunahing Takip (Tingnan ang Katalogo ng Mga Piyesa)
  • Spacer Kit (25938-00)
Ang wastong pag-i-install ng kit na ito ay nangangailangan ng paggamit ng Digital Technician™ sa isang Dealer ng Harley-Davidson.
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Gamitin ang naaangkop na mga pamamaraan sa manwal ng serbisyo. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00333b)
TALA
Ang pahina ng tagubilin na ito ay sumasangguni sa impormasyon sa Manwal ng Serbisyo. Kailangan ang manwal ng serbisyo para sa modelo ng iyong motorsiklo para sa pagkakabit na ito at ito ay makukuha mula sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Mga Nilalaman ng Kit
Tingnan ang Figure 8 , Talahanayan 1 hanggang Figure 10 , Talahanayan 3 .
TALA
Ang piyesang ito para sa pagpapahusay ng performance na may kaugnayan sa makina ay nakalaan para sa mga application sa High Performance at Racing at hindi legal na ibenta o gamitin sa mga sasakyang de-motor na pollution controlled. Maaaring babaan o ipawalang-bisa ng kit na ito ang limitadong garantiya ng sasakyan. Ang mga performance parts na may kaugnayan sa makina ay nakalaan para lamang sa mga sanay na nagmomotor.
PAGTATANGGAL
BABALA
Upang maiwasan ang aksidenteng pagsisimula ng sasakyan, na maaaring magdulot ng kamatayan o malubhang pinsala, alisin ang mga kable ng baterya (negatibong (-) kable muna) bago magpatuloy. (00307a)
BABALA
Tanggalin muna ang pagkakakonekta ng negatibong (-) kable ng baterya. Kapag napadikit ang positibong (+) kable sa ground habang nakakonekta ang negatibong (-) kable, maaaring maging sanhi ng pagsabog ng baterya ang mga magreresultang pagsiklab, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00049a)
1. Mga Softail at 2003-Naunang Modelong Touring:2004-05 Dyna at 2004-2006 na Modelong Touring:
a. Alisin ang upuan alinsunod sa mga tagubilin sa Manwal ng Serbisyo.
b. Idiskonekta ang mga kable ng baterya, una ang negatibong (-) kable.
c. Tanggalin ang maxi-fuse. Sumangguni sa PAG-AALIS NG MAXI-FUSE sa Manwal ng Serbisyo.
PAUNAWA
Ang mga head gasket na ibinigay sa Big Bore kit ay nag-aalis ng pangangailangan para sa orihinal na kagamitan (O.E.) na O-rings. Huwag i-install ang dalawang O-ring mula sa kit sa mga top cylinder dowel, kung hindi, maaaring magkaroon ng malubhang pinsala sa makina. (00484d)
BABALA
Kapag nagkukumpuni ng sistema ng gasolina, huwag manigarilyo o magpahintulot ng apoy o sparks sa paligid. Ang gasolina ay napakadaling lumiyab at lubhang sumasabog, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00330a)
2. Tanggalin ang mga umiiral na cylinder head, cylinder at mga piston. Sumangguni sa seksyon ng MAKINA ng naaangkop na Manwal ng Serbisyo.
3. Tanggalin ang umiiral na takip ng pangunahing chaincase, clutch diaphragm spring retainer, at diaphragm spring. Sumangguni sa seksyon ng DRIVE ng naaangkop na Manwal ng Serbisyo
PAGKAKABIT
Tanggalin ang Mga Umiiral na Cam Bearing
TALA
Ang parehong bolt ng crank at primary cam sprocket flange ay espesyal na pinatigas habang ang mga flat washer ay may espesyal na dyametro at may mga ground surface. Kung gayon, gamitin lamang ang mga piyesang ibinigay kasama ng Cam Drive Gear Retention Kit (25533-99A) kapag isinasagawa ang upgrade na ito. Ang mga bolt ng crank at primary cam sprocket flange bolts ay hindi pwedeng pagpalitin.
  1. Tanggalin ang mga umiiral na bolt at washer ng crank at primary cam sprocket flange alinsunod sa mga tagubilin sa Manwal ng Serbisyo. Itapon ang mga bolt at washer ng cam drive sprocket flange.
  2. Tanggalin ang umiiral na cam drive sprocket alinsunod sa mga tagubilin sa Manwal ng Serbisyo.
  3. Tanggalin at itapon ang mga umiiral na cam bearing. Sumangguni sa MAKINA, PINAKAIBABANG DULONG Cam Support Plate, (mga) serksyon ng Disassembly/Assembly (Camshaft, Mga Bearing ng Camshaft) ng naaangkop na Manwal ng Serbisyo.
Ikabit ang Mga Bagong Bearing ng Cam
PAUNAWA
Upang igitna ang thrust washer, tiyaking naka-install sa relief groove ang O-ring. Maaaring mapinsala ang bearing cage at makina kapag hindi nakagitna ang thrust washer. (00473d)
TALA
Kapag hindi sapat ang naka-expose na splined shaft upang ikabit ang sprocket, laktawan ang spacer at tumuloy sa Hakbang 1e. Kapag nasimulan na ang panloob na race ng bearing sa minakinang bahagi, tanggalin ang flange bolt, washer, at sprocket, tapos i-assemble gamit ang spacer. Ulitin ang hakbang 1e upang ganap na maikabit ang panloob na race ng bearing.
1Bearing ng roller
2O-ring
3Thrust washer
4Panloob na race ng bearing
Figure 1. Kit ng Likurang Cam Roller
1Basahan
2Box wrench, 9/16 in.
3Panloob na race ng bearing
4Thrust washer
Figure 2. Ikabit ang Panloob na Race ng Bearing (gamit ang O-Ring at Washer)
  1. Tingnan ang Figure 1 . Ikabit ang kit ng bearing ng likurang cam roller ( Figure 10 , item 8) sa likurang camshaft.
    1. Ikabit ang O-ring sa relief groove ng grinding. Ang groove ay nasa splined na dulo sa pagitan ng minakinang bahagi at ng pangalawang cam sprocket. Mag-ingat upang iwasan ang pagkabanat o pagkabasag ng O-ring. Dahil hindi ibinebenta nang hiwalay ang O-ring, kailangang bumil ng bagong roller bearing kit kapag nasira ito.
    2. I-slide ang thrust washer pababa sa likurang camshaft hanggang maigitna ito sa ibabaw ng O-ring sa posisyon ng grinding relief.
    3. I-slide ang panloob na race ng bearing pababa sa likurang camshaft hanggang sa mapadikit ito sa balikat ng minakinang bahagi.
    4. Ikabit ang sprocket spacer at sprocket ng pangunahing cam sa camshaft, at tiyaking maayos itong nakapuwesto gamit ang mas makapal na flat washer at mahabang flange bolt.
    5. Tingnan ang Figure 2 . Balutin ng basahan (1) ang palibot ng camshaft upang mahawakan ito nang mahigpit at upang maprotektahan din ang kamay sa matatalas na dulo ng sprocket. Gamit ang 9/16 in. na box wrench (2), ikutin ang flange bolt nang pakanan. Ganap nang nakakabit ang panloob na race ng bearing (3) kapag mahigpit na itong nakadikit sa thrust washer (4).
    6. Tiyaking naka-lock sa puwesto ang thrust washer at hindi na ito maiikot . Kung kinakailangan, ikabit ang shaft sa vise gamit ang mga tansong jaw insert, at higpitan pa ang flange bolt hanggang makuha ang ninanais na resulta.
    7. Tanggalin ang flange bolt, flat washer, sprocket, at spacer.
  2. TALA
    Tandaan na ang mga bearing ng harapan at likurang cam ay hindi maaaring pagpalitin. Gumagamit ang likurang cam ng roller bearing, samantalang gumagamit naman ang harapang cam ng ball bearing. Tingnan ang Figure 3 .
    Maaaring hindi gaanong maging madiin o bahagyang maluwag ang bearing. Kung kinakailangan, linisinang bearing O.D. at maglagay ng Loctite 243 (asul) bago ikabit, pero mag-ingat upang iwasang mailagay ang compound sa ma roller o bearing I.D.
  3. Ikabit ang mga bagong bearing ng cam sa cam support plate alinsunod sa mga sumusunod:
    1. Tingnan ang Figure 4 . Kunin ang Camshaft Remover/Installer (HD-43644).
    2. Habang nakatihaya ang panig ng pangalawang cam chain, ilagay ang cam support plate sa support block, nang sa gayon ay maayos na nasusuportahan ang mga panlabas na race ng mga bearing. Tandaan na ang isang kanto ng support block ay nakahugis upang umayon ang chain guide blocks cast sa harapan ng support plate.
    3. Igitna ang bagong bearing sa ibabaw ng bearing bore, habang nasa ibabaw ang may letrang panig. I-slide ang pilot shaft ng bearing driver sa bearing, papasok sa loob ng butas ng support block.
    4. Tingnan ang Figure 5 . Igitna ang bearing driver sa ilalim ng ram ng arbor press. Diinan ang driver hanggang sa mahigpit nang nakadikit ang bearing sa counterbore na nasa cam support plate. Ulitin ang hakbang 2s hanggang 2c upang ikabit ang pangalawang bearing.
  4. Maglagay ng Loctite 243 (asul) sa mga roskas ng apat na turnilyo ng bearing retainer plate.
  5. Gamit ang T20 Torx ® drive head, ikabit ang bearing retainer plate sa cam support plate.
  6. Higpitan ang mga turnilyo tungo sa 20-30 in-lbs (2.3-3.4 Nm) sa pahalang na paraan. Tiyaking maayos na nakahanay ang butas sa retainer plate sa oiler ng pangalawang cam chain.
1Roller bearing, likurang cam
2Ball, bearing, harapang cam
Figure 3. Mga Cam Bearing
1Support block
2Bearing/pilot driver
3Camshaft driver
Figure 4. Pangtanggal/Pangkabit ng Camshaft
1Bearing/pilot driver
2Bearing
3Support block
Figure 5. Diinan ang Mga Bearing sa Cam Support Plate
Ikabit ang Mga Camshaft
1. Simulan ang mga camshaft sa mga cam bearing.
2. Ilagay ang likod ng cam support plate sa support block, kung tinanggal. Maayos na sinusuportahan ng block ang mga panloob na race ng mga bearing habang ikinakabit ang mga camshaft.
3. Tingnan ang Figure 6 . Pagpantayin ang mga punch mark sa ngipin ng mga sprocket ng pangalawang cam (mga bahaging outboard). Gamit ang dekolor na marker, maingat na markahan ang mga lokasyon ng punch mark sa inboard na bahagi ng ngipin ng sprocket. Kailangan ang mga markang ito upang panatilihin ang maayos na oryentasyon ng mga camshaft habang dinidiinan ang mga ito sa mga bearing.
1Mga punch mark
2Harapang camshaft
3Likurang camshaft
Figure 6. Pagpantayin ang Mga Punch Mark sa Ngipin ng Mga Camshaft Sprocket
4. Ilagay ang kadena ng pangalawang cam sa palibot ng mga sprocket ng parehong harapan at likurang camshaft. Upang mapanatili ang orihinal na direksyon ng pag-ikot, tiyaking nakaharap ang dekolor na markang inilagay sa dugtungan ng kadena sa panahon ng pag-disassemble sa kabilang cam support plate sa panahon ng pagkakabit.
5. Isaayos ang mga camshaft sa paraang nakaposisyon ang mga ito sa magkabilang dulo ng kadena, tapos tiyakin na ang mga dekolor na markang inilagay sa inboard na bahagi ng ngipin ng sprocket ay magkapantay pa rin.
6. Habang pinananatili ang pagkakapantay ng posisyon ng mga camshaft sa kadena sa mga dekolor na marka, ilagay ang mga dulo ng sprocket ng mga camshaft sa mga bearing.
TALA
Tiyaking hindi maipagpapalit ang mga camshaft sa proseso ng pagdidiin. Ang likurang camshaft, na makikilala sa pamamagitan ng splined shaft, ay dapat mapunta sa roller bearing sa dulo ng cam support plate.
7. Ilagay ang cup ng camshaft driver sa ibabaw ng dulo ng harapang camshaft lamang .
PAUNAWA
Sa panahon ng press procedure, panatilihing malaya ang shoe tensioner sa chain upang maiwasan ang pinsala sa tensioner assembly. (00474b)
8. Igitna ang dulo ng harapang camshaft sa ilalim ng ram at dahan-dahang diinan ang driver para lang masimulan ang harapang camshaft sa bearing I.D.
PAUNAWA
Siguraduhing naka-align ang rear camshaft sa panahon ng press procedure. Ang hindi pagkakahanay ay maaaring maging sanhi ng pagkakasabit ng inner race sa mga bearing roller na nagreresulta sa pinsala sa bearing. (00475b)
9. Dahan-dahang diinan ang driver sa harapang camshaft, habang iginagalaw ang likurang camshaft kung kinakailangan para magabayan ang panloob na race sa pagitan ng mga bearing roller.
10. Kapag ang panloob na race sa likurang cam ay nasimulan na sa roller bearing, diinan ang driver hanggang sa ganap nang nakapuwesto ang harapang camshaft. Kung kinakailangan, tuluy-tuloy na diinan ng daliri ang ibabaw ng likurang camshaft nang sa gayon ay manatiling parisukat ang assembly at gagalaw ang panloob na race tungo sa posisyong nakakabit sa roller bearing.
11. Matapos ikabit ang mga bagong cam, itsek kung tama ang cam to cam timing gamit ang straightedge sa tabi ng mga punch mark tulad ng inilalarawan sa Manwal ng Serbisyo.
12. Ikabit ang retaining ring mula sa kit sa uka sa dulo ng harapang camshaft.
TALA
Inspeksyunin ang mga bearing ng cam needle sa crankcase at palitan kung kinakailangan.
Palitan ang O-ring mula sa oil pump tungo sa cam plate ( Figure 10 , Item 2) at O-ring mula sa cam plate tungo sa crankcase ( Figure 10 , Item 6).
Ikabit ang Cam Support Plate
Ikabit ang cam plate alinsunod sa MAKINA, PINAKAIBABANG DULONG Cam Support Plate, mga tagubilin sa Pag-disassemble/Pag-assemble sa naaangkop na Manwal ng Serbisyo.
Ikabit ang Sprocket ng Likurang Cam, Crank Sprocket, at Kadena ng Pangunahing Cam
1. Maglagay ng manipis na film ng malinis na H-D 20W50 engine oil sa mga spline ng likurang cam.
2. Ikabit ang splined sprocket sa likurang camshaft. Sumangguni sa MAKINA, PINAKAIBABANG DULONG Cam Support Plate, (mga) seksyon ng Disassembly/Assembly (Camshaft, Mga Bearing ng Camshaft) sa naaangkop na Manwal ng Serbisyo. Gumamit ng mga spacer na kasama ng kit bilang kapalit ng mga nakalista sa Manwal ng Serbisyo.
TALA
Tiyaking maayos ang pagkakapantay ng mga punch mark sa crank at sprocket ng pangunahing cam, tulad ng inilalarawan sa Manwal ng Serbisyo.
Tiyaking maayos ang pagkakapantay ng mga harapan ng sprocket ng crank at pangunahing cam. Gumamit ng mga spacer na kasama ng kit upang panatilihin ang pagkakapantay sa mahigit (+) kumulang (-) 0.01 pulgada.
3. Tingnan ang Figure 10 . Gumamit ng cam drive sprocket flange bolt (13), washer (12), crank flange bolt (11), at flat washer (10) mula sa kit.
BABALA
Maglagay ng threadlocker upang mapanatili ang clamp load sa flange bolt. Ang maluwag na flange bolt ay maaaring maging sanhi ng pagpalya ng makina, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00476c)
4. Ikabit ang mga bagong flange bolt at washer gaya ng sumusunod:
a. Tiyaking malinis at walang langis ang mga roskas, tapos maglagay ng Loctite Primer 7649.
b. Maglagay ng Loctite ® 262 (pula) 94759-99 sa mga roskas ng mga flange bolt.
c. Maglagay ng manipis na film ng malinis na H-D 20W50 engine oil sa parehong spline ng mga flat washer.
d. Simulan ang flange bolt kasama ng flange washer upang ikabit ang crank sprocket sa dulo ng crankshaft.
e. Simulan ang flange bolt kasama ng flange washer upang ikabit ang sprocket ng pangunahing cam sa dulo ng camshaft.
f. Tingnan ang Figure 7 . Iposisyon ang Camshaft/Crankshaft Sprocket Locking Tool (HD-42314) sa pagitan ng sprocket ng crank at pangunahing cam upang iwasan ang pag-ikot. Ang hawakan ng kagamitan ay may markang “Cam” at Crank para sa maayos na oryentasyon.
g. Higpitan ang mga flange bolt ng sprocket ng crank at pangunahing cam tungo sa 15 ft-lbs (20.3 Nm).
h. Luwagan ang bawat flange bolt nang isang buong ikot.
i. Higpitan ang crank flange bolt tungo sa 24 ft-lbs (32.5 Nm) na pinal na torque.
j. Higpitan ang sprocket flange bolt ng pangunahing cam tungo sa 34 ft-lbs (46.0 Nm) na pinal na torque.
k. Tanggalin ang sprocket locking tool at sundin ang mga tagubilin sa Manwal ng Serbisyo para sa pag-aalis ng tensioner ng kadena ng pangunahing cam.
5. Ikabit ang takip ng cam alinsunod sa MAKINA, PINAKAIBABANG DULONG Cam Support Plate, mga tagubilin sa Pag-disassemble/Pag-assemble sa naaangkop na Manwal ng Serbisyo.
TALA
Palitan ang gasket ng takip ng cam ( Figure 10 , Item 3).
Figure 7. Camshaft/Crankshaft Sprocket Locking Tool
Ikabit ang mga Bahagi ng Makina
  1. Ikabit ang mga piston, cylinder, at cylinder head mula sa kit na ito. Sumangguni sa seksyon ng MAKINA ng naaangkop na Manwal ng Serbisyo.
  2. Ikabit ang diaphragm spring retainer, clutch diaphragm spring ( Talahanayan 2 , Item 15) kadena, at pangunahing chaincase. Sumangguni sa seksyon ng DRIVE ng naaangkop na Manwal ng Serbisyo.
Ikabit ang High Performance na Air Cleaner
Sumangguni sa mga tagubiling kasama ng Air Cleaner Kit (29440-99D) sa Pahina ng Tagubilin J04163.
Huling Assembly
BABALA
Ikonekta muna ang positibong (+) kable ng baterya. Kapag napadikit ang positibong (+) kable sa ground habang nakakonekta ang negatibong (-) kable, maaaring maging sanhi ng pagsabog ng baterya ang mga magreresultang pagsiklab, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00068a)
BABALA
Pagkatapos ikabit ang upuan, hilahin pataas ang upuan upang matiyak na ito ay naka-lock sa posisyon. Habang nakasakay, maaaring gumalaw at maging sanhi ng pagkawala ng kontrol ang maluwag na upuan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00070b)
1. Mga Softail, 2003-Naunang Dyna, at 2003-Naunang Touring na Modelo:2004-05 Dyna at 2004-2006 na Modelong Touring:
a. Ikonekta ang mga kable ng baterya, unahin ang positibong (+) kable.
b. Ikabit ang upuan alinsunod sa mga tagubilin sa Manwal ng Serbisyo.
c. Ikabit ang maxi-fuse. Sumangguni sa PAGKAKABIT NG MAXI-FUSE sa Manwal ng Serbisyo.
Muling i-calibrate ang ECM
PAUNAWA
Dapat mong i-recalibrate ang ECM kapag in-install ang kit na ito. Ang hindi maayos na pag-recalibrate ng ECM ay maaaring magresulta sa malubhang pinsala sa makina. (00399b)
I-download ang bagong ECM calibration gamit ang Digital Technician™ sa isang dealer ng Harley-Davidson.
MGA PAMALIT NA PIYESA
Figure 8. Mga Pamalit na Piyesa: Screamin' Eagle Pro Big Bore Stage 2 Kit
Talahanayan 1. Mga Pamalit na Piyesa: Screamin' Eagle Pro Big Bore Stage 2 Kit
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
1
Cylinder assembly (Itim) (2)
16548-99A
6
Head gasket (2)
16787-99A
2
Piston (2)
Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay
7
O-ring, cylinder deck ring dowel (2)
11273
3
Piston ring set (2)
21918-99
8
O-ring, cylinder spigot (2)
11256
4
Piston pin (2)
22132-99
--
Piston kit (kasama ang item 2 hanggang 5)
22851-99A
5
Piston pin circlip (4)
22097-99
Paalala: Huwag magkabit ng O-ring (item 7) sa mga dowel ng ibabaw na cylinder.
Figure 9. Mga Pamalit na Piyesa: Screamin' Eagle Big Bore Stage 1 Kit
Talahanayan 2. Mga Pamalit na Piyesa: Screamin' Eagle Big Bore Stage 2 Kit
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
1
Gasket, base ng rock cover (2)
16719-99A
10
Assembly ng baffle (2)
26500002
2
Gasket, base ng takip ng rocker (2)
17386-99A
11
Air cleaner kit (Hindi Ipinakikita)
29440-99C
3
Gasket, takip ng tappet (2)
18635-99B
12
Selyo, exhaust (Hindi Ipinakikita)
17048-98
4
O-ring, takip ng middle push rod (4)
11132
13
Selyo, EFI intake (2) (Hindi Ipinakikita)
26995-86B
5
O-ring, takip ng ibabang push rod (4)
11145
14
Kit ng selyo ng valve (Hindi Ipinakikita)
18004-86
6
O-ring, itaas na takip ng push rod (4)
11293
15
Spring, clutch diaphragm (Hindi Ipinakikita)
37951-98
7
O-ring, rocker arm support (2)
11270
--
Breather assembly kit (kasama ang item 8 hanggang 10)
17025-03A
8
Bolt (4)
4400
9
Breather assembly
17025-03A
Figure 10. Mga Pamalit na Piyesa: Screamin' Eagle Pro Big Bore Stage 2 Kit
Talahanayan 3. Mga Pamalit na Piyesa: Screamin' Eagle Pro Big Bore Stage 2 Kit
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
1
Retaining ring (2)
11031
8
Kit ng roller bearing, likurang cam
8983
2
O-ring, oil pump tungo sa cam plate
11286
9
Washer (crank) (2)
Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay
3
Sapatilya, takip ng cam
25244-99A
10
Capscrew, flanged (crank) (2)
Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay
4
Retaining ring, camshaft
11494
11
Washer (likurang cam)
6294
5
Ball bearing, harapang camshaft
8990A
12
Capscrew, flanged (likurang cam)
996
6
O-ring, cam plate tungo sa crankcase (2)
11301
13
Loctite 262 (pula), 0.5 ml na pakete (Hindi Ipinakikita)
Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay
7
Camshaft kit (kasama ang para sa harap at likod)
25937-99B
Mga Paalala: Mabibili lamang ang item 9 at 10 bilang bahagi ng Cam Drive Gear Retention Kit 25533-99A. Mabibili lamang ang Loctite (item 13) sa 6 ml na tubo, piyesa bilang 94759-99.