KIT NG NAPAPAINIT AT NAPAPALAMIG NA UPUAN
941000172021-02-02
PANGKALAHATAN
Numero ng Kit
52000462, 52000462DEMO, 52000463, 52000463DEMO, 52100063
Mga Modelo
Para sa impormasyon tungkol sa pagiging sukat sa modelo, tingnan ang P&A Retail Catalog o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (English lamang).
Mga Kinakailangan sa Pagkakabit
Kung may iba pa nang accessory na gumagamit ng accessory circuit connector, tingnan ang Figure 4 , kakailanganin ng "Y" adapter harness.
Mga modelong 2014-2016: Kapag may iba nang accessory na gumagamit ng accessory circuit connector, gumamit ng Switched Circuit Adapter Harness (70264-94A) na hiwalay na mabibili bilang "Y" adapter.
Mga 2017-mas bagong modelo: Kapag may iba nang accessory na gumagamit ng accessory circuit connector, gumamit ng Switched Circuit Adapter Harness (69201706) na hiwalay na mabibili bilang "Y" adapter.
Mga modelong Trike: Hiwalay na pagbili ng adapter bracket kit (52100063).
Mga modelong 2014-2016: Kailangan ikabit ang Kit 69200722 upang mahanap ang accessory circuit connector sa ilalim ng upuan.
Mga 2017-mas bagong modelo: Kailangan ikabit ang Kit 69201599 upang mahanap ang accessory circuit connector sa ilalim ng upuan.
Compatible ang napapainit at napapalamig na upuan sa rider backrest mounting kit 52589-09A at 52300642. Ang upuan ay hindi compatible sa rider backrest mounting kit 52596-09A at 54099-10.
Overload sa Kuryente
PAUNAWA
Posibleng ma-overload ang charging system ng iyong sasakyan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng napakaraming de-kuryenteng accessory. Kung ang pinagsamang de-koryenteng accessory na gumagana nang sabay-sabay ay kumokonsumo ng higit pa sa kuryenteng kayang likhain ng charging system ng sasakyan, maaaring madiskarga ng pagkonsumo ng kuryente ang baterya at magdulot ng pinsala sa sistemang elektrikal ng sasakyan. (00211d)
BABALA
Kapag nag-i-install ng anumang de-kuryenteng accessory, tiyaking hindi lalampas sa maximum na rating ng amperage ng fuse o circuit breaker na nagpoprotekta sa naapektuhang circuit na binabago. Ang paglampas sa maximum na amperage ay maaaring humantong sa mga pagpalyang elektrikal, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00310a)
Ang upuan ay nangangailangan ng hanggang 4 Amps ng kuryente mula sa sistemang elektrikal.
Mga Nilalaman ng Kit
Tingnan ang Figure 11 at Talahanayan 2 para sa nilalaman ng kit.
ALISIN
1. Tanggalin ang grab strap. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
2. Alisin ang upuan. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
3. Tanggalin ang saddlebag. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
Pag-aalis ng Upuan
1. Mga modelong Tour-Pak®: Buksan ang takip ng Tour-Pak. I-angat ang harapang pad upang maabot ang pinagkakabitan ng upuan.
2. Tingnan ang Figure 11 . Tanggalin ang Phillips-head na turnilyo na may lockwasher (A) mula sa likod ng kasalukuyang nakakabit na upuan. Hilahin papunta sa likod ang upuan upang tanggalin ang upuan. Itabi ang turnilyo.
3. Mga Fender Strip: Tanggalin ang mga fender trim strip:
a. Takpan ang dulo ng regular na screwdriver gamit ang piraso ng tape upang protektahan ang mga chrome at pininturahang ibabaw.
b. Tingnan ang Figure 1 . Ipasok ang dulo ng screwdriver sa pagitan ng chrome bezel at gomang trim strip.
c. Sikwatin ang bezel. Hilahin ito pataas at palayo mula sa gomang trim strip.
d. Simula sa alinmang dulo, hilahin papalayo sa fender ang gomang trim strip.
e. Linisin gamit ang magkahalong 50 porsyentong isopropyl alcohol at 50 porsyentong distilled na tubig.
Figure 1. Tanggalin ang Fender Trim Strip
IKABIT
Pagpapalit ng Bumper
TALA
Ang sasakyang Touring na may nakakabit na saddlebag guard at LAHAT ng sasakyang Trike ay hindi nangangailangan ng pagkakabit ng mga spacer (10300256). Itapon ang mga spacer.
1. Figure 2 Tanggalin ang mga Bumper.
a. Tanggalin ang mga bolt (1). Itabi.
b. Tanggalin ang mga bumper (2). Itapon.
c. Ikabit ang mga spacer (3).
d. Ikabit ang mga Orihinal na Kagamitan (OE) bolt (1). Higpitan.
Torque: 43,4–49 N·m (32–36 ft-lbs)
1Bolt (2)
2Bumper (2)
3Spacer (2)
Figure 2. Pagtatanggal ng Bumper / Pagkakabit ng Spacer
Pagkakabit ng Bagong Upuan at Strap na Hawakan
TALA
Figure 3 Mga 2014-mas bagong Trike na modelo: Nangangailangan ng hiwalay na pagbili ng adapter bracket kit (52100063).
1Turnilyo
2Upuan
3Adapter bracket
4Tab ng upuan
Figure 3. Pagkakabit ng Upuan ng Trike
1. Ikabit ang bagong grab strap. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
BABALA
Upang maiwasan ang aksidenteng pag-andar ng sasakyan, na maaaring magdulot ng kamatayan o malubhang pinsala, alisin ang pagkakakonekta ng negatibong (-) kable ng baterya bago magpatuloy. (00048a)
2. Sundin ang mga tagubilin sa manwal ng may-ari upang alisin ang negatibong kable ng baterya mula sa baterya.
3. Figure 4 Tukuyin at tanggalin ang plug sa accessory circuit connector (6).
1BCM [242]
2BCM power [259]
3Sirenang pangseguridad [142]
4Pangunahing fuse [5]
5Battery tender [281]
6P&A accessory [4] 8-way Molex MX150, gray
7DLC [91]
8Fuse block [64]
6aTANDAAN: Mga 2017-mas bagong modelo: Ang P&A accessory 3-way connector ay nasa kabilang panig. (Hindi ipinakikita)
Figure 4. 2014-2016: Takip sa Kaliwang Bahagi
4. Hanapin ang connector ng napapainit at napapalamig na upuan sa ilalim ng bagong upuan.
5. Ikonekta ang pangkonekta ng napapainit at napapalamig na upuan sa accessory circuit connector (6).
6. Tingnan ang manwal ng may-ari. Ikonekta ang negatibong (-) kable ng baterya.
7. Gabayan ang wiring papasok sa espasyo sa ilalim ng upuan nang sa gayon ay hindi maipit ang wiring kapag ikinabit ang upuan.
8. Tiyaking ganap na nakapasok ang harness fuse holder cap at nakapirmi sa puwesto upang malinis ang base ng upuan.
9. Tingnan ang Figure 5 . Kapag nakakabit na, i-slide ang likuran ng upuan papasok sa grab strap, mula sa harapan, hanggang ang slot (2) na nasa harapang ilalim ng upuan ay nasa likod na ng dilang pang-mount ng upuan (1) sa likurang bracket ng tangke ng gasolina.
1Dila ng bracket ng tangke ng gasolina
2Slot sa ilalim ng upuan (Tipikal)
Figure 5. Harapang Mounting ng Upuan (Tipikal)
10. Diinan ang upuan sa gulugod ng frame.
11. I-slide ang upuan papunta sa harapan ng sasakyan hanggang sa ganap na kumabit ang dila ng bracket ng tangke ng gasolina sa slot sa ilalim ng upuan.
12. Ikabit ang upuan sa likurang fender gamit ang isang Phillips-head na turnilyo (na may lockwasher) na tinanggal sa Pagtatanggal ng Upuan. Higpitan.
Torque: 5,4–8,1 N·m (4–6 ft-lbs)
13. Ikabit ang upuan. Pagkatapos ikabit ang upuan, hatakin pataas ang upuan upang matiyak na nakakabit ito nang mabuti. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
14. Ikabit ang grab strap. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
15. Kung tinanggal, ikabit ang mga saddlebag sa sasakyan. Tingnan ang manwal ng serbisyo. Ikabit gamit ang OE bail head studs at flat washers.
TALA
Dapat mahigpit na pumasok ang minoldeng gomang insert sa pinakaibaba ng mga saddlebag sa pang-ibabang pangsuportang rail ng saddlebag.
16. Higpitan ang mga pasuong na pang-mount na bolt ng saddlebag. Higpitan.
Torque: 7–11 N·m (62,0–97,4 in-lbs)
OPERASYON
TALA
  • Kapag pinagana ang upuan habang naka-off o umaandar nang mas mababa sa normal na bilis ng pagpapatakbo ang makina ng sasakyan, maaaring mabilis na ma-discharge ang baterya ng sasakyan. Maaari itong humantong sa kasunod na hindi pag-start at maaaring makasira sa sistemang elektrikal.
  • Para sa ilang sasakyan, ang accessory switch ay isang rocker switch na matatagpuan sa switch panel ng inner fairing. Habang nasa IGNITION o ACCY ang ignition/key switch, isara ang circuit patungo sa napapainit at napapalamig na upuan sa pamamagitan ng paglipat ng accessory switch mula OFF tungong ON.
  • Tingnan ang manwal ng may-ari para sa pagpapagana ng accessory circuit ng sasakyan.
  • Kapag iniwang naka-ON ang accessory switch at iniwan ang isang seat rotary switch sa posisyong hindi naka-off habang nakapatay ang sasakyan, magsisimulang uminit o lumamig ang upuan kapag ang ignition/key switch ay inilagay sa posisyong IGNITION o ACCY.
  • Gumagana lamang ang mga fan kapag nasa cooling mode ang upuan, at ang rider, pasaher, o parehong posisyon ay inilagay sa isang power level setting na mas mataas sa OFF.
  • Magkasabay na mag-o-on at mag-o-off ang fan ng rider at pasahero.
  • Hindi normal na iisang fan lamang ang gumana sa isang pagkakataon.
  • Hindi mag-iiba-iba ang bilis ng fan ayon sa power level setting.
  • Ang lakas ng pagpapalamig ay kontrolado ng kuryente sa heating/cooling element imbes na sa bilis ng fan.
  • Maaaring tumagal nang 2-5 minuto ang upuan para makamit ang pinakamainam na epektong pagpapainit at 10-20 minuto para makamit ang pinakamainam na epektong pagpapalamig.
  • Hindi umiihip ng hangin ang upuan sa rider o pasahero.
  • Kapag nililinis, ingatang hindi mahihila ang boot sa rocker switch. Huwag tangkaing tanggalin ang rotary knobs o boot sa rocker switch. Ang mga item na ito ay hindi naaayos.
Mga Switch ng Kontrol ng Upuan
1. Figure 6 Mga rotary switch (1,3):
a. Kumokontrol sa indibidwal na level setting ng sona ng rider at pasahero.
b. Magkakahiwalay sa isa’t isa ang mga kontrol level.
c. Pinahihintulutan ng mga detent sa switch na mabilis na bumalik ang operator sa gustong setting.
d. Pinakamalapit sa posisyon ng upuan ng rider ang kontrol ng rider (1).
e. Pinakamalapit sa posisyon ng upuan ng rider pasahero ang kontrol ng pasahero (3).
f. Ang pinakamababang setting, unang detent, ay naglalagay sa posisyon ng upuan sa OFF, anuman ang setting ng iba pang kontrol o switch ng pagpapainit/pagpapalamig (2).
g. Ang dagdag na apat na detent ay nagpapalakas pa sa function set ng pagpapainit pagpapalamig.
2. Figure 6 Switch ng pagpapainit/pagpapalamig (2):
a. Pindutin ang “H” para sa pagpapainit.
b. Pindutin ang “C” para sa pagpapalamig.
3. Mga Fan:
a. Parehong mananatiling OFF kapag pinindot ang pagpapainit.
b. Parehong mananatiling ON kapag nai-set ang rider o pasahero sa level bukod sa OFF at pinindot ang “C”.
c. Palaging mananatiling parehong naka-OFF o naka-ON ang mga fan.
d. Inaalis ng mga fan ang sobrang init mula sa ilalim ng heating/cooling element kapag nasa cooling mode. Ang landas ng hangin ay hindi dumaraan sa ibabaw ng upuan.
e. Hindi umiihip ng hangin ang mga fan sa rider o pasahero.
f. Ang seat Remote na Controller ng Input / Output - Elektronikong Upuan (RIO-ESC) ay pinagagana ang mga fan sa parehong bilis anuman ang level setting.
g. Gumagamit ang upuan ng malalaking kuryente na bahagyang nagpapabago sa bilis ng fan.
h. Maaaring marinig ang bahagyang pagbabago sa bilis ng fan kapag hindi maingay ang paligid. Normal lang ito.
4. Mga Katangian ng Paggana:
a. Tumatagal nang 2-5 minuto ang pinakamainam na pagpapainit.
b. Ang RIO-ESC ay nagdadala ng init sa isang takdang temperatura batay sa control switch level setting.
c. Maaaring hindi matamo ang pinakamataas na temperatura sa mga kalagayang sobra ang lamig dahil sa limitasyon sa pinakamataas na power sa loob ng upuan.
d. Tumatagal ang pag-abot ng pinakamainam na pagpapalamig sa loob ng 10 hanggang 20 minuto.
e. Ang RIO-ESC ang nagdadala sa pagpapalamig bilang porsyento ng buong power batay sa control switch level setting upang mamaksimisa ang pakinabang ng rider at pasahero sa ilalim ng iba’t ibang temperatura ng paligid.
f. Nakadepende ang pinakamahusay na paggana sa malusog na sistema ng charging dahil nalilimitahan ang power ng boltahe ng sistema.
g. Babagsak ang paggana o mamamatay ito kapag may hindi karaniwang baba ng boltahe. Tulad ng kapag inilagay ang susi sa accessory mode at hindi full charge ang baterya.
h. Inililipat ang init sa at tinatanggap sa umookupa sa pamamagitan ng conduction. Makakaapekto sa paggana ang kasuotan.
i. Ang mga heating/cooling element ay matatagpuan lamang sa ilalim ng isang bahagi ng ibabaw ng upuan kung saan napapadikit ang puwit. Hindi mapapainit o mapapalamig ang bahagi ng hita.
5. Dayagnostiko:
a. Ang RIO-ESC ay naglalaman ng tatlong LED na nakalantad sa likurang bahagi: pinakamadali itong makita sa pamamagitan ng pag-unclip sa RIO-ESC sa base ng upuan. Ang cable strap sa RIO-ESC harness ay dapat palitan kapag naputol.
b. Ipinakikita ang mga event code nang magkakasunod-sunod at patuloy na nagkakasunod-sunod hangga’t nananatiling may power sa upuan. Upang matiyak na natutukoy ang lahat ng event code, subaybayan ang mga LED hanggang sa mai-ulat nang pangalawang beses ang parehong event code.
c. Lahat ng event code ay mawawala kapag pinatay at binuhay ang makina.
d. Kung ang dahilan ng event code ay naroon pa rin matapos patayin at buhayin ang makina, itatakda ng RIO-ESC ang angkop na code ulit.
e. Ang pag-aayos ng problema ay maaaring mangailangan na pisikal na ihiwalay ng rider ang upuan sa frame ng sasakyan at abutin ang RIO-ESC nang hindi pinapatay ang power.
f. Awtomatikong tatangkain ng upuan na burahin ang event kapag ang dahilan ng event ay naitama. Tumatagal ang proseso nang 5-30 segundo.
g. Mananatiling ipinakikita ang mga code hanggang sa patayin at buhay ang makina kahit pa maka-recover mag-isa at gumana nang maayos ang upuan.
h. Tingnan ang Talahanayan 1 para sa depinisyon ng event code.
1Switch ng kontrol ng rider
2Switch ng pagpapainit/pagpapalamig ng pasahero
3Switch ng kontrol ng pasahero
Figure 6. Mga Switch ng Pagkontrol sa Pagpapainit/Pagpapalamig ng Upuan
1LED1
2LED2
3LED3
Figure 7. Mga RIO LED
Talahanayan 1. Mga Event Code
LED
Mga Flash
Code
Deteksyon
Mga Posibleng Sanhi
Mga Aksyon para sa Pag-aayos ng Problema
1
1
Internal Controller Switch A
Na-monitor na signal ng pagpalya ng internal chip
  • Internal na sira o pagpalya ng controller
  • Magpunta sa dealer
1
2
Internal Controller Switch B
Na-monitor na signal ng pagpalya ng internal chip
  • Internal na sira o pagpalya ng controller
  • Magpunta sa dealer
1
3
Internal Controller Switch C
Na-monitor na signal ng pagpalya ng internal chip
  • Internal na sira o pagpalya ng controller
  • Magpunta sa dealer
1
4
Internal Controller Switch D
Na-monitor na signal ng pagpalya ng internal chip
  • Internal na sira o pagpalya ng controller
  • Magpunta sa dealer
1
5
Over-current A
Sukatin ang kasalukuyang draw ng heating/cooling element
  • Internal na sira o pagpalya ng controller
  • Pinsala sa heating/cooling element
  • Pinsala sa harness
  • Magpunta sa dealer
1
6
Under-current A
Sukatin ang kasalukuyang draw ng heating/cooling element
  • Plug continuity
  • Nag-trip ang fuse ng heating/cooling pad
  • Pinsala sa heating/cooling element
  • Pinsala sa harness
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Ilagay ang upuan sa OFF at hayaang bumalik ang parehong bahagi ng upuan sa temperatura ng silid nang 5 minuto
  • Magpunta sa dealer
1
7
Over-current C
Sukatin ang kasalukuyang draw ng heating/cooling element
  • Internal na sira o pagpalya ng controller
  • Pinsala sa heating/cooling element
  • Pinsala sa harness
  • Magpunta sa dealer
1
8
Under-current C
Sukatin ang kasalukuyang draw ng heating/cooling element
  • Plug continuity
  • Nag-trip ang fuse ng heating/cooling pad
  • Pinsala sa heating/cooling element
  • Pinsala sa harness
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Ilagay ang upuan sa OFF at hayaang bumalik ang parehong bahagi ng upuan sa temperatura ng silid nang 5 minuto
  • Magpunta sa dealer
1
9
Over-current D
Sukatin ang kasalukuyang draw ng heating/cooling element
  • Internal na sira o pagpalya ng controller
  • Pinsala sa heating/cooling element
  • Pinsala sa harness
  • Magpunta sa dealer
1
10
Under-current D
Sukatin ang kasalukuyang draw ng heating/cooling element
  • Plug continuity
  • Nag-trip ang fuse ng heating/cooling pad
  • Pinsala sa heating/cooling element
  • Pinsala sa harness
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Ilagay ang upuan sa OFF at hayaang bumalik ang parehong bahagi ng upuan sa temperatura ng silid nang 5 minuto
  • Magpunta sa dealer
2
1
Fan 1 Low Speed
Measured fan feedback signal
  • May sumabit (nakaharang) sa fan blade
  • Plug continuity
  • Pinsala sa harness
  • Alisin ang bara
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Palitan ang fan
  • Magpunta sa dealer
2
2
Fan 2 Low Speed
Measured fan feedback signal
  • May sumabit (nakaharang) sa fan blade
  • Plug continuity
  • Pinsala sa harness
  • Alisin ang bara
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Palitan ang fan
  • Magpunta sa dealer
2
3
Fan 1 High Speed
Measured fan feedback signal
  • May bumabara sa daloy ng hangin
  • Sirang fan
  • Palitan ang fan
  • Magpunta sa dealer
2
4
Fan 2 High Speed
Measured fan feedback signal
  • May bumabara sa daloy ng hangin
  • Sirang fan
  • Palitan ang fan
  • Magpunta sa dealer
2
5
Fan 1 Stall
Measured fan feedback signal
  • Ganap na nabarahan ang fan blade
  • Plug continuity
  • Sirang fan
  • Pinsala sa harness
  • Alisin ang bara
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Palitan ang fan
  • Magpunta sa dealer
2
6
Fan 2 Stall
Measured fan feedback signal
  • Ganap na nabarahan ang fan blade
  • Plug continuity
  • Sirang fan
  • Pinsala sa harness
  • Alisin ang bara
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Palitan ang fan
  • Magpunta sa dealer
2
7
Fan 1 Over-current
Measured fan current draw
  • May sumabit (nakaharang) sa fan blade
  • Sirang fan
  • Pinsala sa harness
  • Alisin ang bara
  • Palitan ang fan
  • Magpunta sa dealer
2
8
Fan 1 Under-current
Measured fan current draw
  • May bumabara sa daloy ng hangin
  • Plug continuity
  • Sirang fan
  • Pinsala sa harness
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Palitan ang fan
  • Magpunta sa dealer
2
9
Fan 2 Over-current
Measured fan current draw
  • May sumabit (nakaharang) sa fan blade
  • Sirang fan
  • Pinsala sa harness
  • Alisin ang bara
  • Palitan ang fan
  • Magpunta sa dealer
2
10
Fan 2 Under-current
Measured fan current draw
  • May bumabara sa daloy ng hangin
  • Plug continuity
  • Sirang fan
  • Pinsala sa harness
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Palitan ang fan
  • Magpunta sa dealer
2
11
Rider Temp High 3
Nasukat na temperatura ng heating/cooling element
  • Pinsala sa heating/cooling element
  • Mas mataas na sa limitasyon ng temperatura ng pagpapagana ang heating/cooling element
  • Plug continuity
  • Hayaang lumamig ang upuan hanggang sa temperatura ng silid
  • Patayin at buhayin ang heat/cool rocker control
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Magpunta sa dealer
2
12
Passenger Temp High 3
Nasukat na temperatura ng heating/cooling element
  • Pinsala sa heating/cooling element
  • Mas mataas na sa limitasyon ng temperatura ng pagpapagana ang heating/cooling element
  • Plug continuity
  • Hayaang lumamig ang upuan hanggang sa temperatura ng silid
  • Patayin at buhayin ang heat/cool rocker control
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Magpunta sa dealer
3
1
Rider Temp High 1
Nasukat na temperatura ng heating/cooling element
  • Pinsala sa heating/cooling element
  • Mas mataas na sa limitasyon ng temperatura ng pagpapagana ang heating/cooling element
  • Plug continuity
  • Hayaang lumamig ang upuan hanggang sa temperatura ng silid
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Magpunta sa dealer
3
2
Under Voltage 1
Nasukat na boltahe ng input connector
  • Mataas ang boltahe sa connector ng upuan
  • Tiyaking maayos ang sistema ng charging ng sasakyan at ang baterya ng sasakyan
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang pangunahing power plug ng upuan
  • Magpunta sa dealer
3
3
Sobra ang boltahe
Nasukat na boltahe ng input connector
  • Mataas ang boltahe sa connector ng upuan
  • Tiyaking maayos ang sistema ng charging ng sasakyan at ang baterya ng sasakyan
  • Magpunta sa dealer
3
4
Rider Low Temp 1
Nasukat na temperatura ng heating/cooling element
  • Pinsala sa heating/cooling element
  • Mas mababa na sa limitasyon ng temperatura ng pagpapagana ang heating/cooling element
  • Plug continuity
  • Hayaang uminit ang upuan hanggang sa temperatura ng silid
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Magpunta sa dealer
3
5
Passenger High Temp 1
Nasukat na temperatura ng heating/cooling element
  • Pinsala sa heating/cooling element
  • Mas mataas na sa limitasyon ng temperatura ng pagpapagana ang heating/cooling element
  • Plug continuity
  • Hayaang lumamig ang upuan hanggang sa temperatura ng silid
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Magpunta sa dealer
3
6
Passenger Low Temp 1
Nasukat na temperatura ng heating/cooling element
  • Pinsala sa heating/cooling element
  • Mas mababa na sa limitasyon ng temperatura ng pagpapagana ang heating/cooling element
  • Plug continuity
  • Hayaang uminit ang upuan hanggang sa temperatura ng silid
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Magpunta sa dealer
3
8
Passenger Switch Level High
Passenger knob voltage
  • Plug continuity
  • Pinsala sa Switch Pack
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Magpunta sa dealer
3
10
Rider Switch Level High
Rider knob voltage
  • Plug continuity
  • Pinsala sa Switch Pack
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Magpunta sa dealer
3
11
Passenger Temp High 2
Nasukat na temperatura ng heating/cooling element
  • Pinsala sa heating/cooling element
  • Mas mataas na sa limitasyon ng temperatura ng pagpapagana ang heating/cooling element
  • Plug continuity
  • Hayaang lumamig ang upuan hanggang sa temperatura ng silid
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Magpunta sa dealer
3
12
Rider Temp High 2
Nasukat na temperatura ng heating/cooling element
  • Pinsala sa heating/cooling element
  • Mas mataas na sa limitasyon ng temperatura ng pagpapagana ang heating/cooling element
  • Plug continuity
  • Hayaang lumamig ang upuan hanggang sa temperatura ng silid
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang plug
  • Magpunta sa dealer
3
13
Under Voltage 2
Nasukat na boltahe ng input connector
  • Mababa ang boltahe sa connector ng upuan
  • Tiyaking maayos ang sistema ng charging ng sasakyan at ang baterya ng sasakyan
  • Tiyaking malinis at ganap na nakapuwesto ang pangunahing power plug ng upuan
  • Magpunta sa dealer
PAG-AAYOS NG PROBLEMA
TALA
  • Kung ang paggana ay hindi tulad ng inaasahan, dapat gawin ang mga sumusunod na hakbang.
  • Kapag hindi na komportable ang pagpapainit o pagpapalamig, bawasan ang level sa pamamagitan ng pagpihit sa knob papunta sa OFF.
Kung tumatakbo ang sasakyan:
1. Ilipat ang switch ng pagkontrol sa init/lamig, maghintay nang dalawang segundo bago ibalik sa heat o cool mode.
2. Kung walang sakay na pasahero, ilagya ang switch ng kontrol ng pasahero sa OFF.
Kung hindi tumatakbo ang sasakyan at naka-off ang makina, fully charged ang baterya:
1. Itsek ang harness fuse ng upuan.
a. Kung nakabukas ang fuse, palitan ang fuse ng pamalit na piyesang nakalista sa Talahanayan 2 . Huwag palitan ang fuse na ito ng mas mataas ang rating.
b. Kapag patuloy na nagbubukas ang fuse, magpunta sa dealer.
2. Paganahin ang upuan.
a. Panatilihing nakasaksak ang power ng upuan habang inaabot ang RIO-ESC upang makita ang event code history mula sa controller.
b. Dahil pinagagana ng upuan ang mga heating/cooling element ng rider at pasahero nang magkahiwalay at nang magkasunod, ang pagtukoy sa problema ay maaaring mangailangan lamang ng pagpapagana sa rider lamang, pasahero lamang, o kumbinasyon ng dalawa para ma-verify ang problema.
3. Irekord ang event codes sa RIO-ESC .
a. Makikita ang mga ito sa pamamagitan ng pag-unclip sa RIO-ESC ng upuan sa base ng upuan.
b. Tingnan ang Figure 7 at Talahanayan 1 para sa mga detalye sa event codes. Magkakaugnay ang ilang event.
c. Inirerekomendang ituloy ang pagsunod sa mga hakbang anuman ang event code.
4. Tingnan at inspeksyunin ang mga fan kung gumagana at kung may nakabara.
a. Huwag hawakan ang fan blade. Maaaring maging sanhi ang fan blade ng pinsala sa katawan kapag gumagana o biglang gumana.
b. Huwag magsingit ng mga bagay sa fan. Pwede nitong masira ang fan at maging sanhi ng pinsala sa katawan kapag bigla itong gumana.
c. Parehong fan ang gumagana kapag naka-set ang control knob sa cooling mode sa ibabaw ng off. Mamamatay ang fan sa lang kalagayan.
d. I-unplug ang mga fan bago alisin ang bara. Umiikot ang mga fan nang kakaunti ang pumipigil kapag walang power.
5. Kapag nasira ang mga fan, tingnan ang seksyon ng PAG-AAYOS. Ikabit ang mga fan at tiyaking nasa puwesto ang mg connector grommet bago ikonekta ang mga plug.
6. Ilagay ang parehong bahagi ng upuan sa OFF. Mag-cycle ng power sa plug ng upuan.
7. Ilagay ang upuan sa mode na inaalala at itala ang mga mangyayari.
a. Matitiyak nito na tanging mga nagpapatuloy na event ang ire-report.
b. Tingnan ang Figure 1 para sa dagdag na mga aksyon sa pag-aayos ng problema.
TALA
  • Kapag iniinspeksyon ang connector contacts kung may naiipong dumi, tiyaking malinis ang mga ibabaw ng gasket ng mga connector, nakakabit ang mga gasket at maayos na nakapuwesto ang mga gasket bago isaksak ang plug. Huwag linisin ang mga contact gamit ang mga magagaspang o likidong hindi inirerekomenda para sa mga tinned copper contact, plastic o silicone rubber.
  • Maaaring kailanganin ng charger ng baterya upang maiwasan ang pagka-discharge ng baterya habang inaayos ang problema.
  • Ang parehong seksyon ng pagpapainit/pagpapalamig ay naglalaman ng inline fuse na kusang nagre-reset na naglilimita sa paggana sa mga kalagayang mataas ang temperatura . Kapag nagbukas ang mga fuse na ito, magsasara sila kapag bumalik na sa normal na lebel ng paggana ang temperatura. Maaaring tumagal ito nang 3 minuto para kusang humupa sa karaniwang temperatura at mga kalagayang may lilim.
  • Ang power cycling o pagpatay at muling pagbuhay ay nangangahulugang ganap na pagtatanggal ng power sa upuan. Sa pamamagitan ng pag-aalis at muling pagkakabit ng plug ng upuan o sa pamamagitan ng ganap na pagpatay sa sasakyan upang matiyak na natanggalan ng power ang upuan.
  • Ang pagkasira ng controller o maling pagpapagana nito ay posibleng dahilan ng lahat ng event code at hindi hayagang nakalista sa bawat entry. Maaaring kailanganin ang tulong ng dealer sa pag-aayos ng mga problema.
PAG-AAYOS
TALA
Bago palitan ang fan, tanggalin ang upuan. Lagyan ng power ang upuan habang nasa cooling mode upang biswal na mainspeksyon ang paggana ng mga fan at malaman kung aling fan ang hindi gumagana.
Ang fan sa bahagi ng rider ay nakakabit sa plug nang walang striped wires. Ang fan sa bahagi ng pasahero ay nakakabit sa plug nang may striped wires. Kapag naikabit nang maayos, ang fan 1 ay nasa bahagi ng rider, habang ang fan 2 ay nasa bahagi ng pasahero.
1. Pagpapalit ng fan ng pasahero.
TALA
Bago palitan ang fan, tanggalin ang upuan. Lagyan ng power ang upuan habang nasa cooling mode upang biswal na mainspeksyon ang paggana ng mga fan at malaman kung aling fan ang hindi gumagana.
a. Tanggalin ang grab strap at turnilyo ng tab ng likurang upuan (6).
b. Alisin ang upuan. Ingatang hindi mahihila ang koneksyon ng wiring sa pagitan ng upuan at sasakyan.
c. Idiskonekta ang wiring harness ng upuan sa sasakyan.
d. Tanggalin ang mga turnilyo (5). Itabi.
TALA
Tandaan ang ruta ng wiring kaugnay ng base ng upuan. Idiskonekta ang fan mula sa wiring harness ng upuan.
e. Ikabit ang pamalit na fan (3) sa base ng upuan.
f. Ikabit ang mga turnilyo (5). Higpitan.
Torque: 0,564–0,79 N·m (5–7 in-lbs)
TALA
  • Tiyaking nakaruta ang mga wire sa parehong paraan noong orihinal silang nakakabit.
  • Palitan ang anumang kableng strap (7) na tinanggal kanina.
g. Ikonekta ang fan mula sa wiring harness ng upuan.
h. Ikonekta ang wiring harness ng upuan (1) sa sasakyan.
i. Paandarin ang sasakyan o ilagay sa accessory mode.
j. Figure 6 Lagyan ng power ang upuan habang nasa cooling mode upang matiyak na gumagana ang fan.
k. Ikabit ang upuan. Hatakin pataas ang upuan upang tiyakin na ito ay nakakabit nang mabuti. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
TALA
I-OFF ang sasakyan bago kumpletuhin ang pagkakabit sa sasakyan.
l. Ikabit ang turnilyo ng tab ng upuan sa likuran (6).
m. Ikabit ang grab strap.
2. Pagpapalit ng assembly ng rider duct.
TALA
Bago palitan ang duct, tanggalin ang upuan sa sasakyan at biswal na inspeksyunin ang duct kung may sira. Kung may lamat o basag ang duct, kung saan pwedeng tumagas nang direkta ang daloy ng hangin sa fan (at lalampasan ang mga cooling circuit), o hindi gumagana nang maayos ang fan, palitan ang duct/fan assembly.
a. Tanggalin ang grab strap at turnilyo ng tab ng likurang upuan.
b. Alisin ang upuan. Ingatang hindi mahihila ang koneksyon ng wiring sa pagitan ng upuan at sasakyan.
c. Idiskonekta ang wiring harness ng upuan (1) sa sasakyan.
d. Alisin ang mga turnilyo (2). Itabi.
TALA
Tandaan ang ruta ng wiring kaugnay ng base ng upuan. Idiskonekta ang fan mula sa wiring harness ng upuan.
e. Tanggailn ang duct assembly (4) mula sa upuan.
f. Ikonekta ang bagong duct assembly fan connector sa wiring harness.
g. Ikabit ang bagong duct assembly (4) sa base ng upuan.
h. Ikabit ang mga turnilyo (2). Higpitan.
Torque: 0,564–0,79 N·m (5–7 in-lbs)
TALA
  • Ikabit muna sa gilid sa bandang rider, tapos ikutin ang likod ng duct patungo sa puwesto habang tinitiyak na napapanatili ang wiring harness sa tab ng duct.
  • Tiyaking nakaruta ang mga wire sa parehong paraan noong orihinal silang nakakabit.
  • Palitan ang anumang kableng strap (7) na tinanggal kanina.
  • Huwag sobrahan ang torque ng mga turnilyong ito. Kapag nasobrahan ang torque nito, mababalatan ang roskas sa base ng upuan.
i. Ikonekta ang wiring harness ng upuan (1) sa sasakyan.
j. Paandarin ang sasakyan o ilagay sa accessory mode.
k. Figure 6 Lagyan ng power ang upuan habang nasa cooling mode (2) upang matiyak na gumagana ang fan.
l. Ikabit ang upuan. Pagkatapos ikabit ang upuan, hatakin pataas ang upuan upang matiyak na nakakabit ito nang mabuti. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
TALA
I-OFF ang sasakyan bago kumpletuhin ang pagkakabit sa sasakyan.
m. Ikabit ang turnilyo ng tab ng upuan sa likuran (6).
n. Ikabit ang grab strap.
3. Tingnan ang Figure 10 at Figure 8 . Pagpapalit ng RIO-ESC .
a. Tanggalin ang grab strap at turnilyo ng tab ng likurang upuan (6).
b. Alisin ang upuan. Ingatang hindi mahihila ang koneksyon ng wiring sa pagitan ng upuan at sasakyan.
c. Idiskonekta ang wiring harness ng upuan (1) sa sasakyan.
d. Tanggalin ang cable strap (7) na katabi ng RIO-ESC (10). Itapon.
e. Gamit ang isang flat head screwdriver, maingat na sikwatin ang RIO-ESC retention tab (9) sa base ng upuan habang hinihila ang RIO-ESC (10) sa kutab nito sa base ng upuan.
f. Ilipat ang lock sa wiring harness connector (8) sa hindi naka-lock na posisyon.
g. Mariing diinan ang plug retention tab upang maidiskonekta ang wiring harness sa RIO-ESC (10).
h. Figure 9 Gamit ang 50:50 na paghahalo ng isopropyl/tubig linisin ang likurang ibabaw ng RIO-ESC at hayaang ganap na matuyo ang ibabaw bago ikabit ang foam block.
i. Figure 9 Tanggalin ang nasa likod ng foam block (13) at ilapat sa likurang bahagi ng RIO-ESC (10) sa ilalim ng mga LED na ilaw.
j. Ikonekta ang bagongRIO-ESC (10) sa wiring harness (8).
k. Ilipat ang lock sa wiring harness (8) sa naka-lock na posisyon.
l. Isingit ang RIO-ESC (10) sa kutab sa base ng upuan hanggang sa mag-lock ang RIO-ESC retention tab (9) sa base ng upuan RIO-ESC into place.
m. Ikabit ang bagong cable strap (7) sa pagitan ng wiring harness (8) at base ng upuan na katabi ng RIO-ESC (10).
n. Ikonekta ang wiring harness ng upuan (1) sa sasakyan.
o. Paandarin ang sasakyan o ilagay sa accessory mode.
p. Figure 6 Lagyan ng power ang upuan habang nasa cooling mode upang matiyak na gumagana ang fan.
q. Ikabit ang upuan. Pagkatapos ikabit ang upuan, hilahin ang upuan upang matiyak kung nakakabit ito nang maayos. Tingnan ang manwal ng serbisyo.
TALA
I-OFF ang sasakyan bago kumpletuhin ang pagkakabit sa sasakyan.
r. Ikabit ang turnilyo ng tab ng upuan sa likuran.
s. Ikabit ang grab strap.
1Harness ng upuan
2Turnilyo ng duct (3)
3Fan (2)
4Duct
5Turnilyo ng fan (4)
6Tab ng upuan
7Strap ng kable (3)
8RIO-ESC harness
9RIO-ESC retention tab
10RIO-ESC
11Fuse, seat harness
12Retainer Clip (3)
Figure 8. Napapainit/Napapalamig na Upuan
10RIO
13Foam block
Figure 9. Ikabit ang Foam Block sa RIO
1Naka-Lock
2Hindi Naka-Lock
Figure 10. RIO Connector Naka-Lock/Hindi Naka-Lock na Posisyon
MGA PAMALIT NA PIYESA
Figure 11. Mga Pamalit na Piyesa: Napapainit na Upuan
Talahanayan 2. Talahanayan ng mga Pamalit na Piyesa:
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
1
Upuan (simpleng pattern ang ipinapakita)
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
2
Grab strap (Strap na hawakan)
52400296
3
Spacer (2)
10300256
Tingnan ang Figure 8 para sa mga sumusunod na item:
2
Turnilyo, duct (3)
10200557
3
Fan (2)
26800204
4
Duct assembly
52000488
7
Cable tie (3)
10006
5
Turnilyo, fan (4)
10201028
10
41000740
11
Fuse, seat harness
69200293
12
Retainer clip (3)
10177
13
Foam block (Tingnan ang Figure 9 )
52000635
Mga bagay na binanggit sa text, ngunit hindi kasama sa kit:
A
Orihinal na kagamitan (Original equipment, OE) na Phillips-head na turnilyo
2952A
B
Turnilyo ng OE na Strap na hawakan (2)
2952A
C
Washer ng OE na Strap na hawakan (2)
6703
D
Kompigurasyon ng modelong 2014 at mas bago