KIT NG NAPAPAINIT NA UPUAN
J044022020-01-31
PANGKALAHATAN
Numero ng Kit
52633-08, 52000004A, 52000135, 52000127, 52000177, 52000564, 52000565
Mga Modelo
Para sa impormasyon tungkol sa pagiging sukat sa modelo, tingnan ang P&A Retail Catalog o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (English lamang).
Mga Kinakailangan sa Pagkakabit
Kapag may iba nang accessory na gumagamit ng accessory circuit connector (nasa ilalim ng upuan, Figure 4 ), kakailangananin ng Switched Circuit Adapter Harness (piyesa bilang 70264-94A).
Mga modelong 2014-2016: Kailangan ng hiwalay na pagbili ng harness extension (Piyesa Blg. 69200722) upang mahanap ang accessory circuit connector.
Mga 2017 at mas bagong modelo: Kailangan ng hiwalay na pagbili ng harness extension (Piyesa Blg. 69201599) upang mahanap ang accessory circuit connector.
Overload sa Kuryente
PAUNAWA
Posibleng ma-overload ang charging system ng iyong sasakyan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng napakaraming de-kuryenteng accessory. Kung ang pinagsamang de-koryenteng accessory na gumagana nang sabay-sabay ay kumokonsumo ng higit pa sa kuryenteng kayang likhain ng charging system ng sasakyan, maaaring madiskarga ng pagkonsumo ng kuryente ang baterya at magdulot ng pinsala sa sistemang elektrikal ng sasakyan. (00211d)
BABALA
Kapag nag-i-install ng anumang de-kuryenteng accessory, tiyaking hindi lalampas sa maximum na rating ng amperage ng fuse o circuit breaker na nagpoprotekta sa naapektuhang circuit na binabago. Ang paglampas sa maximum na amperage ay maaaring humantong sa mga pagpalyang elektrikal, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00310a)
Ang Napapainit na Upuan ay nangangailangan ng hanggang 4.2 Amps ng kuryente mula sa sistemang elektrikal.
Mga Nilalaman ng Kit
Tingnan ang Figure 7 at Talahanayan 1 para sa nilalaman ng kit.
PAGTATANGGAL
Figure 1. Pagtatanggal ng Strap na Kapitan ng Pasahero o Passenger Grab Strap Removal (2008 ang ipinakikita)
TALA
Kapag ginagawa ang mga sumusunod na proseso, iwasang magasgasan ang mga bahaging may pintura gamit ang mga tool o bakal na tab ng upuan.
Pagtatanggap ng Strap na Kapitan: Mga 2013 at Naunang Modelo
1. Tingnan ang manwal ng may-ari. Alisin ang mga saddlebag. Itabi ang lahat ng hardware para sa pagkakabit.
2.
TALA
Bago tanggalin ang mga pangkabit na bolt ng mounting bracket ng saddlebag, tandaan ang oryentasyon ng pagkakakabit ng mga pangkabit na bracket ng saddlebag.
Tingnan ang Figure 1 . Tanggalin ang nagkakabit na bolt at washer sa kaliwang forward saddlebag-mounting bracket upang matanggal ang bracket at maidiskonekta ang kasalukuyang nakakabit na strap na hawakan ng pasahero.
3. Gamitin ang bolt at washer upang i-assemble ang saddlebag mounting bracket sa sasakyan sa parehong oryentasyon noong tinanggal ito. Higpitan ang bolt nang sapat upang panatilihin sa posisyon ang bracket. Huwag higpitan nang husto.
4. tanggalin ang nagkakabit na bolt at washer sa kanang forward saddlebag-mounting bracket. Tanggalin at itapon ang strap na hawakan.
5. I-assemble ang bracket sa sasakyan sa parehong oryentasyon noong tinanggal ito. Higpitan ang bolt nang sapat upang panatilihin sa posisyon ang bracket. Huwag higpitan nang husto.
Pagtatanggap ng Strap na Kapitan: Mga 2014 at Mas Bagong Modelo
1. Tingnan ang Figure 7 . Tanggalin ang turnilyo (D), washer (E) at dulo ng strap na hawakan. Itabi ang hardware para sa pagkakabit mamaya.
2. Ulitin ang naunang hakbang sa kabilang panig.
Pag-aalis ng Upuan
1. Mga modelong Tour-Pak®: Buksan ang takip ng Tour-Pak. I-angat ang harapang pad upang maabot ang pinagkakabitan ng upuan.
2. Tingnan ang Figure 7 . Tanggalin ang Phillips-head na turnilyo na may lockwasher (A) mula sa likod ng kasalukuyang nakakabit na upuan. Hilahin papunta sa likod ang upuan upang tanggalin ang upuan. Itabi ang turnilyo
3. Mga Fender Strip: Tanggalin ang mga fender trim strip:
a. Takpan ang dulo ng regular na screwdriver gamit ang piraso ng tape upang protektahan ang mga chrome at pininturahang ibabaw.
b. Tingnan ang Figure 2 . Ipasok ang dulo ng screwdriver sa pagitan ng chrome bezel at gomang trim strip.
c. Sikwatin ang bezel. Hilahin ito pataas at palayo sa gomang trim strip.
d. Simula sa alinmang dulo, hilahin papalayo sa fender ang gomang trim strip.
e. Linisin gamit ang magkahalong 50 porsyentong isopropyl alcohol at 50 porsyentong distilled na tubig.
Figure 2. Tanggalin ang Fender Trim Strip
PAGKAKABIT
Pagkakabit ng Bagong Upuan at Strap na Hawakan
TALA
Ang mga modelong may grab rail ay hindi nangangailangang kabitan ng grab strap.
Mga modelong 2013 at mas luma: Ikinakabit ang grab strap bago ang upuan. Mga modelong 2014 at mas bago: Ikinakabit ang grab strap pagkatapos ng upuan.
1. Mga Modelong 2014 at Mas Bago: Pumunta sa hakbang 3. Mga Modelong 2013 at Mas Luma: Figure 3 Alisin ang dalawang hex nut (2) mula sa studs na malapit sa harapan ng likurang fender.
2. Ikabit ang bagong strap na hawakan (1) sa mga stud gaya ng ipinakikita, gamit ang dalawang butas na nasa pinakalabas ng mga strap na may maraming butas. Ikabit ang grab strap sa mga stud gamit ang mga nut. Higpitan.
Torque: 6,8–10,8 N·m (5–8 ft-lbs)
BABALA
Upang maiwasan ang aksidenteng pag-andar ng sasakyan, na maaaring magdulot ng kamatayan o malubhang pinsala, alisin ang pagkakakonekta ng negatibong (-) kable ng baterya bago magpatuloy. (00048a)
3. Sundin ang mga tagubilin sa manwal ng may-ari upang alisin ang negatibong (-) kable ng baterya mula sa baterya.
TALA
Mga modelong 2014-2016: Kailangan ikabit ang Kit 69200722 upang mahanap ang accessory circuit connector sa ilalim ng upuan.
Mga modelong 2017 at mas bago: Kailangan ikabit ang Kit 69201599 upang mahanap ang accessory circuit connector sa ilalim ng upuan.
4. Tingnan ang Figure 4 . Tukuyin at alisin ang plug mula sa accessory circuit connector (1) sa harapan ng baterya.
1Grab strap (Strap na hawakan)
2Hex nut (2)
Figure 3. Pagkakabit ng Strap na Hawakan
1Accessory Circuit Connector
Figure 4. Accessory Circuit Connector
5. Hanapin ang pangkonekta ng napapainit na upuan sa ilalim na bahagi ng bagong upuan.
TALA
Mga modelong 2014-2016: Kapag may iba nang accessory na gumagamit ng accessory circuit connector, gumamit ng Switched Circuit Adapter Harness (piyesa bilang 70264-94A, na hiwalay na mabibili) bilang "Y" adapter.
Mga modelong 2017 at mas bago: Kapag may iba nang accessory na gumagamit ng accessory circuit connector, gumamit ng Switched Circuit Adapter Harness (piyesa bilang 69201706, na hiwalay na mabibili) bilang "Y" adapter.
6. Ikonekta ang pangkonekta ng napapainit na upuan sa accessory circuit connector (1).
7. Tingnan ang manwal ng may-ari. Ikonekta ang negatibong (-) kable ng baterya.
8. Gabayan ang wiring papasok sa espasyo sa ilalim ng upuan nang sa gayon ay hindi malukot ang wiring kapag ikinabit ang upuan.
9. Tingnan ang Figure 5 . Kapag nakakabit na, i-slide ang likuran ng upuan papasok sa grab strap, mula sa harapan, hanggang ang slot (2) na nasa harapang ilalim ng upuan ay nasa likod na ng dilang pang-mount ng upuan (1) sa likurang bracket ng tangke ng gasolina.
1Dila ng bracket ng tangke ng gasolina
2Slot sa ilalim ng upuan
Figure 5. Harapang Mounting ng Upuan
10. Diinan ang upuan sa gulugod ng frame. I-slide ang upuan papunta sa harapan ng motorsiklo hanggang sa ganap na kumabit ang dila ng bracket ng tangke ng gasolina sa slot sa ilalim ng upuan.
11. Ikabit ang upuan sa likurang fender gamit ang Phillips-head na turnilyo (na may lockwasher) na tinanggal sa Pagtatanggal ng Upuan. Higpitan.
Torque: 5,4–8,1 N·m (4–6 ft-lbs)
12. Tingnan ang manwal ng serbisyo. Ikabit ang upuan. Pagkatapos ikabit ang upuan, hatakin pataas ang upuan upang matiyak na nakakabit ito nang mabuti.
13. Mga Modelong 2014 at Mas Bago: Ikabit ang strap na hawakan.
a. Ikabit ang dulo ng grab strap sa slot ng bracket ng grab strap. Ipantay ang butas ng grab strap sa butas ng bracket.
b. Tingnan ang Figure 7 . Ikabit ang turnilyo (D) at washer (E) ng grab strap. Higpitan.
Torque: 5,4–8,1 N·m (4,0–6,0 ft-lbs)
c. Ulitin ang mga hakbang sa kabilang panig.
TALA
Dapat mahigpit na pumasok ang minoldeng gomang insert sa pinakaibaba ng mga saddlebag sa pang-ibabang pangsuportang rail ng saddlebag.
14. Kung tinanggal, ikabit ang mga saddlebag sa motorsiklo alinsunod sa mga tagubilin sa manwal ng may-ari. Ikabit gamit ang mga orihinal na bail head stud at flat washer.
15. Higpitan ang mga pasulong na pang-mount na bolt ng saddlebag. Higpitan.
Torque: 7–11 N·m (62,0–97,4 in-lbs)
OPERASYON
TALA
Ang accessory switch ay isang rocker switch na matatagpuan sa switch panel ng inner fairing.
1. Habang nasa IGNITION o ACCESS ang ignition/key switch, buksan ang circuit patungo sa napapainit na upuan sa pamamagitan ng paglipat ng accessory switch mula OFF tungong ON.
2. Magkahiwalay na kinokontrol ng dalawang switch sa gilid ng upuan ang pagpapainit ng bahagi ng rider at pasahero. Ang nasa unahang switch ay kumokontrol sa bahagi ng rider, at ang nasa likurang switch ay kumokontrol sa bahagi ng pasahero.
  • Kapag nasa gitnang posisyon, naka-OFF ang pagpapainit sa bahagi ng upuan na iyon.
  • Kapag pinindot ang ibabang bahagi ng switch tungo sa may upuan, mag-o-ON ang pagpapainit sa bahaging iyon nang naka-LOW setting.
  • Kapag pinindot ang itaas na bahagi ng switch tungo sa may upuan, mag-o-ON ang pagpapainit sa bahaging iyon nang naka-HIGH setting.
TALA
Kapag iniwang naka-ON ang accessory switch at iniwang naka-LOW o HIGH ang posisyon ng rocker switch ng pampainit ng upuan habang patay ang motorsiklo, magsisimulang uminit ang upuan kapag inilagay ang ignition/key switch sa posisyong IGNITION o ACCESS.
Kapag gumagana ang pampainit ng upuan habang ang makina ng motorsiklo ay nakapatay o tumatakbo nang mas mababa sa karaniwang bilis ng pagpapatakbo, mabilis na madidiskarga ang baterya ng sasakyan, na maaaring magresulta sa kasunod na hindi pag-andar, at maaaring makasira sa sistemang elektrikal.
1Switch ng pagkontrol sa init ng bahagi ng rider
2Switch ng pagkontrol sa init ng bahagi ng pasahero
3Posisyong low heat
4Posisyong high heat
Figure 6. Mga Switch ng Pagkontrol sa Pagpapainit ng Upuan
MGA PAMALIT NA PIYESA
Figure 7. Mga Pamalit na Piyesa: Napapainit na Upuan
Talahanayan 1. Talahanayan ng mga Pamalit na Piyesa:
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
1
Upuan (simpleng pattern ang ipinapakita)
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
2
Strap na hawakan (Kit 52633-08)
51188-86
Strap na hawakan (Kit 52000004A, 52000177, 52000564 at 52000565)
52400005
Strap na hawakan (Kit 52000127 at 52000135)
52400015
Mga bagay na binanggit sa text, ngunit hindi kasama sa kit:
A
Orihinal na kagamitan (Original equipment, OE) na Phillips-head na turnilyo
2952A
B
OE na flanged nut (2)
7499
C
OE na stud (2)
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
D
Turnilyo ng OE na Strap na hawakan (2)
2952A
E
Washer ng OE na Strap na hawakan (2)
6703
F
Kompigurasyon ng modelong 2014 at mas bago
G
Kompigurasyon ng modelong 2013 at mas luma