KIT NG HARDWARE NG HOUSING NG SWITCH
J030742021-01-16
PANGKALAHATAN
Numero ng Kit
91124-03A
Mga Modelo
Para sa impormasyon tungkol sa pagiging sukat sa modelo, tingnan ang P&A Retail Catalog o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (English lamang).
Kinakailangan ng Mga Karagdagang Piyesa
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Gamitin ang naaangkop na mga pamamaraan sa manwal ng serbisyo. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00333b)
TALA
Ang pahina ng tagubilin na ito ay sumasangguni sa impormasyon sa Manwal ng Serbisyo. Ang Manwal ng Serbisyo para sa modelo ng inyong motorsiklo ay kinakailangan para sa pagkakabit na ito at ito ay makukuha sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Mga Nilalaman ng Kit
Tingnan ang Figure 1 at Talahanayan 1 .
PAGKAKABIT
BABALA
Upang maiwasan ang aksidenteng pag-andar ng sasakyan, na maaaring magdulot ng kamatayan o malubhang pinsala, alisin ang pagkakakonekta ng negatibong (-) kable ng baterya bago magpatuloy. (00048a)
BABALA
Tanggalin muna ang pagkakakonekta ng negatibong (-) kable ng baterya. Kapag napadikit ang positibong (+) kable sa ground habang nakakonekta ang negatibong (-) kable, maaaring maging sanhi ng pagsabog ng baterya ang mga magreresultang pagsiklab, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00049a)
  1. Idiskonekta ang negatibong (-) kable ng baterya habang sinusunod ang mga tagubilin sa naaangkop na Manwal ng Serbisyo.
  2. Sundin ang pamamaraan sa naaangkop na Manwal ng Serbisyo upang tanggalin ang nakakabit na mga turnilyo mula sa mga housing ng switch sa handlebar, assembly ng clutch lever at harapang brake lever at throttle control.
  3. Tingnan ang Figure 1 . Para sa pang-itaas ang pang-ibaba na clutch lever at harapang mga clamp ng housing ng brake lever, gumamit ng mga turnilyo (1) na may mga washer (3). Higpitan alinsunod sa naaangkop na Manwal ng Serbisyo.
  4. Para sa mga housing ng takip ng switch, gumamit ng mga turnilyo (2). Higpitan alinsunod sa naaangkop na Manwal ng Serbisyo.
MGA PAMALIT NA PIYESA
Figure 1. Mga Pamalit na Piyesa: Kit ng Hardware ng Housing ng Switch
Talahanayan 1. Mga Pamalit na Piyesa
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
1
Turnilyo, button head TORX ® , 1/4-20 x
1-1/8 pulgada (4)
4456
2
Turnilyo, button head TORX, 10-24 X 1/2 na pulgada (4)
4457
3
Washer, 1/4 pulgada (4)
94062-03