XL MABILIS NA RELEASE NA WINDSHIELD
J062232023-02-28
PANGKALAHATAN
Mga Numero ng Kit
57400318, 57400319
Mga Modelo
Para sa impormasyon ukol sa fitment ng modelo, tingnan ang retail na katalogo ng P&A o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (Ingles lamang).
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00308b)
Mga Nilalaman ng Kit
Tingnan ang Figure 2 at Talahanayan 1 .
PAGKAKABIT
Assembly ng Clamp sa Windshield
1. Alisin ang windshield sub-assembly mula sa pagkakabalot nito at ilapag nang nakadapa sa isang malinis at malambot na ibabaw, kung saan ang mga mount bracket ay nakaharap pataas.
BABALA
Ang cupped side ng Belleville (cone) na mga washer ay dapat nakaharap sa isa't isa at pinagigitnaan ang mga windshield mount bracket sa bawat mount point. Kapag hindi inilagay sa tamang paraan ang mga washer, maaaring mabawasan ang kakayahan ng windshield na mawasak sa isang banggaan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00422b)
2. Tingnan ang Figure 1 . Maluwag na ikabit ang mga assembly ng clamp sa mga bracket ng mount ng windshield (2). Iseguro gamit ang shoulder bolt (1), mga Belleville washer (4) at cup washer (3) tulad ng ipinapakita.
1Shoulder bolt
2Bracket ng Windshield
3Cup washer
4Mga Belleville washer (ang mga naka-cup na bahagi ay nakaharap sa isa’t isa habang ang windshield bracket ay nasa pagitan)
Figure 1. Mounting Clamp ng Windshield
3. Habang ang clamp ay nakaharap sa itaas at outboard sa bracket ng windshield (2), higpitan ang mga shoulder bolt (1) nang sapat lang upang mahawakan ang mga clamp sa puwesto. Ang mga turnilyo ay hihigpitan nang husto sa ibang pagkakataon.
Pagkakabit ng Windshield
TALA
Panatilihing diretso ang harapang gulong upang maiwasan ang paggasgas ng mga bracket sa tangke ng gasolina.
1. Tiyakin na ang lahat ng apat na mga clamp ay nasa “bukas” na posisyon.
TALA
Ang polycarbonate na windshield ay bahagyang nababaluktot at pwedeng ibaluktot upang mailapat ang mga clamp palayo sa headlamp (ilaw) upang mapadali ang pagkakabit nito sa motorsiklo.
Mag-ingat na hindi magasgasan ang housing ng headlamp ng mga clamp habang ipinupusisyon ang windshield sa mga fork tube.
BABALA
Maaaring pigilan ng mga naipit na throttle cable ang pagtugon ng throttle, na maaaring magresulta sa pagkawala ng kontrol at kamatayan o malubhang pinsala. (00423b)
2. Iposisyon ang mga kable ng throttle sa pagitan ng mga lokasyon ng pangmount na clamp ng windshield.
3. Igitna ang windshield sa paligid ng headlamp at ilagay ang mga clamp sa mga fork slider.
BABALA
Tiyaking dire-diretso at maluwag ang steering nang walang anumang pumipigil. Ang pagpigil sa steering ay maaaring magresulta sa pagkawala ng kontrol sa sasakyan at pagkamatay o malubhang pinsala. (00371a)
4. Tingnan ang Figure 2 . I-snap ang clip ng kable ng throttle (11) sa paligid ng kanang panig na fork tube, at iruta ang mga kable ng throttle sa butas ng gabay.
  • Hindi dapat tumama ang mga kable sa hardware ng headlamp o dumaan sa harapan ng headlamp.
  • Hindi dapat tumama ang mga kable sa pangmount na hardware ng senyas sa pagliko o sa mga senyas sa pagliko.
  • Ang mga kable ay hindi dapat tumama sa takip ng gasolina o sa fuel gauge.
  • Ang mga kable ay hindi dapat tumama sa speedometer o tachometer.
  • Tiyaking ang mga kable ay hindi maipit sa pagitan ng frame at/o mga fork.
  • Tiyaking hindi nababanat ang mga kable ng clutch kapag ganap na iniliko ang mga handlebar tungo sa kaliwa at kanan na mga fork stop.
5. Habang ang mga shoulder bolt ay maluwag pa rin na naka-thread at simula sa ibaba, isara ang isang clamp nang paisa-isa sa itaas ng mga fork tube, tandaan na ang mga clamp ay naghahanay sa sarili sa mga tubo at sa isa’t isa.
TALA
Huwag higpitan ang mga shoulder bolt nang lagpas sa inirekomendang higpit. Ang sobrang paghihigpit ay maaaring maging dahilan upang tumabingi ang clamp sa fork tube, na hahantong sa hindi sapat na grip na maaaring magsanhi sa pagkatanggal ng windshield sa paggamit nito.
6. Tiyakin na ang mga shoulder ng mga bolt ay ganap na nakaupo sa bawat lokasyon ng bracket ng windshield. Higpitan.
Torque: 5,4–8,1 N·m (48–72 in-lbs) Hex socket head bolt
7. Iliko ang mga handlebar nang ganap sa kaliwa at sa kanang mga fork stop upang makumpirma na ang mga kable ng throttle ay malayang nakagagalaw. Kapag nagkaroon ng limitadong paggalaw, i-adjust ang windshield kung kinakailangan hanggang matamo ang tamang galaw nito.
TALA
Ipaayos muna sa mga ekspertong tauhan ng Harley-Davidson ang kahit anong problema bago gamitin ang sasakyan nang nakakabit ang accessory na ito.
Pagtatanggal at Pagtatabi ng Windshield
Upang matanggal ang windshield, buksan ang apat na mga clamp at ibaliktad ang mga paraan ng pagkakabit na makikita sa Pagkakabit ng Windshield . Ingatan na huwag magasgasan ang housing ng headlamp o tangke ng gasolina gaya ng naipayo sa pagkakabit.
Kapag itatabi ang windshield, ilagay sa lokasyon kung saan ang mga clamp ng windshield ay mabibigyan ng pinakamahusay na proteksyon. Ilayo ang windshield sa mga lokasyon kung saan ito ay maaaring matamaan o malaglag. Huwag magpatong ng kahit ano sa ibabaw ng assembly ng windshield.
Bago ikabit muli matapos itong itabi, siyasatin muna ang mga clamp at hardware para sa fastener preload at upang masiguro ang kalinisan nito. Ang mga clamp ay dapat na masiklo ng bukas at masara nang malaya, at ang bawat clamp ay dapat may isang pares ng mga gomang gasket (tingnan ang Talahanayan 1 ) sa clamp saddle kung saan ito ay dumidikit sa fork tube.
PANGANGALAGA AT PAGLILINIS
Pana-panahong suriin ang hardware na pang-mount ng windshield. Huwag imaneho nang may maluluwag na mount. Ang maluwag na mount ay nakapagdudulot ng karagdagang stress sa mga natitirang mount, gayundin sa mismong windshield, at maaaring makapagdulot ng maagang pagpalya ng mga bahagi.
PAUNAWA
Ang mga polycarbonate na windshield/wind deflector ay nangangailangan ng wastong pansin at pangangalaga upang mapanatili. Kapag hindi maayos na napanatili ang polycarbonate, maaari itong magresulta sa pagkapinsala ng windshield/wind deflector. (00483e)
  • Ang aninag ng araw sa loob ng kurba sa windshield, sa mga partikular na oras sa loob ng isang araw, ay maaaring magdulot ng matinding pag-init sa mga instrumento ng motorsiklo. Ugaliing mag-ingat sa pagpaparada. Pumarada nang nakaharap sa araw, maglagay ng bagay na hindi nilalampasan ng liwanag sa mga instrumento, o ayusin ang windshield upang maiwasan ang mga aninag.
  • Huwag linisin sa ilalim ng mainit na sikat ng araw o mataas na temperatura.
  • Ang mapulbo, nakakagasgas o alkaline na mga panglinis ay nakakasira ng windshield.
  • Huwag kayurin ang windshield gamit ang labaha o iba pang matatalas na instrumento dahil magdudulot ito ng permanenteng pinsala.
PAUNAWA
Gumamit lamang ng mga inirerekomendang produkto ng Harley-Davidson sa mga windshield ng Harley-Davidson. Huwag gumamit ng matatapang na kemikal o mga rain sheeting na produkto, na maaaring maging sanhi ng pinsala sa ibabaw ng windshield, tulad ng paglabo o hazing. (00231c)
  • Huwag gumamit ng benzene, paint thinner, gasolina, mga lubricant (kasama ang Armorall ® ), o iba pang mga panlinis sa mga gomang bushing. Maaari itong makapinsala sa ibabaw ng bushing.
TALA
Ang pagtakip sa windshield gamit ang malinis at basang tela nang 15 minuto bago ito linisin ay magpapadali sa pagtanggal ng tuyong insektong dumikit dito.
MGA PAMALIT NA PIYESA
Figure 2. Mga Pamalit na Piyesa: XL na Mabilis na Release na Windshield
Talahanayan 1. Mga Pamalit na Piyesa
Item
Paglalarawan (Dami)
Numero ng Piyesa
1
Windshield
Hindi Ipinagbibili nang Hiwalay
2
Tape, pahalang (2)
58052-78
3
Tape, patayo (2)
58415-08
4
Washer, itim na goma (6)
58152-96
5
Bracket, mount ng windshield, itim (kanan)
57300068
6
Bracket, mount ng windshield, itim (kaliwa)
57300069
7
Assembly ng Mabilis na Clamp, 49 mm (4)
57400468
Kit ng Hardware, mount ng windshield (kasama ang mga item 8 hanggang 11)
57300071
8
  • Shoulder bolt
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
9
  • Spacer, cup washer
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
10
  • Belleville washer (2)
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
11
  • Clip, Kable ng Throttle
10800107
12
Brace, pahalang, panlabas (itim)
58069-09
13
Brace, pahalang, panloob (itim)
58068-09
14
Brace, patayo (itim) (2)
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
15
Turnilyo, button head TORX ® , #12-24 x 13/16 pulgada (20.6 mm) ang haba, na may lock patch (2)
2452
16
Turnilyo, button head TORX, #12-24 X 5/8 pulgada (15.9 mm) ang haba, na may lock patch (7)
2921A
17
Acorn nut, #12-24 (chrome) (9)
7651A
18
Edge protection (2)
62540-83
19
Gasket, clamp (2)
57299-07