OVERWATCH HANDLEBAR BAG, MALAKI
J068052019-08-19
PANGKALAHATANG IMPORMASYON
Talahanayan 1. Pangkalahatang Impormasyon
Mga Kit
Mga Iminumungkahing Kagamitan
Antas ng Kasanayan(1)
Oras
93300122
Mga Salaming Pangkaligtasan
15 minuto
(1) Mga simpleng kagamitan at teknik lamang ang kinakailangan
MGA NILALAMAN NG KIT
Figure 1. Mga Nilalaman ng Kit: Mga Bahagi ng Overwatch Handlebar Bag
Talahanayan 2. Mga Nilalaman ng Kit: Mga Bahagi ng Overwatch Handlebar Bag
Item
Qty
Paglalarawan
Part No. (Piyesa Blg.)
Mga tala
1
1
Bag, handlebar, malaki
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
2
1
Bag, telepono
93300130
3
6
Hook-and-Loop
93500026
4
1
Iwas-gasgas na Tape
Hindi ipinagbibili nang hiwalay
TALA
Tiyakin na lahat ng nilalaman ay nasa kit bago magkabit o magtanggal ng mga item mula sa sasakyan.
PANGKALAHATAN
Mga Modelo
Para sa impormasyon ukol sa fitment ng modelo, tingnan ang seksyon ng Retail na Katalogo ng P&A o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (Ingles lamang)
Tiyakin na ginagamit ang pinakabagong bersyon ng pahina ng tagubilin. Makukuha ito sa: www.harley-davidson.com/isheets
Makipag-ugnayan sa Harley-Davidson Customer Support Center sa 1-800-258-2464 (para sa U.S. lang) o sa 1-414-343-4056.
Mga Kinakailangan sa Pagkakabit
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00308b)
MAGHANDA
1. Putulin ang iwas-gasgas na tape (4) para magkasya sa pagkakabitan.
a. Nacelle
b. Bracket ng headlight
IKABIT
BABALA
Huwag lumampas sa kapasidad ng bigat ng Handlebar Bag. Ang labis na bigat ng Handlebar Bag ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (06705a)
TALA
Ang timbang ng mga nilalaman ay hindi dapat lumampas sa limitasyon ng timbang na 3 libra (1.36 kg).
1. Figure 2 Magkabit ng hindi bababa sa apat na hook-at-loop sa likod ng bag.
2. Figure 3 Tiyaking maayos na nakakabit ang mga hook-at-loop sa bag sa handlebar (2), mga riser (3) at pang-itaas na bracket ng fork (4).
TALA
  • Kapag ikinakabit ang mga hook-at-loop sa mga riser at handlebar, ingatan na hindi mahatak, maipit, o makurot ang kahit anong kable o kawad.
  • Tiyakin na maayos ang buong saklaw ng paggalaw sa pamamagitan ng pag-ikot ng mga handle bar mula sa magkabilang lock.
  • Siguruhin na hindi natatakpan ng bag ang ilaw, mga senyas sa pagliko, mga reflector, cluster ng mga instrumento o mga babalang ilaw kapag ikinabit.
  • Depende sa modelo at kompigurasyon ng sasakyan, ang bag ay maaaring i-mount sa harapan o sa likuran ng mga handlebar.
3. Higpitan ang mga hook-and-loop sa abot ng makakaya.
4. Putulin ang mga sobrang hook-at-loop strap pagkatapos itong ikabit.
5. Pana-panahong itsek ang mga pang-mount na strap at ang karga.
Attachment na Bag ng Telepono
BABALA
Itakda ang lakas ng tunog at iba pang mga kontrol sa mga audio at elektronikong device bago sumakay. Ang mga pagkagambala ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol, na magreresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00088b)
1. Figure 4 Ikabit ang bag ng telepono (1) sa bag (3).
a. Ipasok ang mga strap (2) sa mga loop (4) sa itaas na bahagi ng bag (3).
b. Ikabit nang mabuti gamit ang mga hook-at-loop (5).
c. Ang bag ng telepono (1) ay maaaring ikabit nang nakapaharap o patalikod sa bag (3), depende sa oryentasyon ng bag.
1Patayo na pagkakabit sa pamamagitan ng strap
2Pahalang na pagkakabit sa pamamagitan ng clip
Figure 2. Mga Pagpipiliang Attachment na Hook-at-Loop
1Bag
2Handlebar
3Mga Riser
4Itaas na bracket ng fork
Figure 3. Pagkakakabit ng Bag at Hook-and-Loop
1Bag ng Telepono
2Strap (2)
3Overwatch bag
4Mga Loop
5Mga Hook-at-Loop
Figure 4. Ikabit ang Bag ng Telepono sa Overwatch Bag
MGA TAGUBILIN SA PANGANGALAGA AT PAGMEMENTINA
1. Gumamit ng pamunas na walang himulmol para punasan ang anumang alikabok o dumi.
2. Linisin nang maigi ang panlabas na bahagi gamit ang maligamgam na tubig at banayad na sabon.
3. Huwag gumamit ng artipisyal na pamamaraan para mapabilis ang pagpapatuyo ng materyales.
4. Naglalaman ng isa o higit pa sa mga sumusunod na materyales:
a. Polyester
b. Polypropylene
c. Polyethylene
d. Polyvinyl chloride
e. Vinyl