KIT NG PINTO NG GASOLINA
J062532019-08-21
PANGKALAHATAN
Numero ng Kit
61300049A, 61300050A, 61300794, 61308-09A, 61319-09A, 61335-09A, 62378-10A, 70900843
Mga Modelo
Para sa impormasyon tungkol sa pagiging sukat sa modelo, tingnan ang P&A Retail Catalog o ang seksyon ng Mga Piyesa at Accessory ng www.harley-davidson.com (English lamang).
Mga Kinakailangan sa Pagkakabit
Ang tamang pagkakabit ng kit na ito ay nangangailangan ng Loctite ® 243 Threadlocker and Sealant - Blue (Piyesa Blg. 99642-97 o 11100005).
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00308b)
Mga Tagubilin sa Espesyal na Pangangalaga
Kit 70900843: Maaaring maglagay ng Bare Aluminum wheel Protectant Wipes Piyesa Blg. 93600063 sa tekstong "RideFree" para sa dagdag na proteksyon laban sa pangangalawang.
Mga Nilalaman ng Kit
Ang kit na ito ay may lamang isang pinto ng gasolina. Walang pamalit na piyesang mabibili para sa kit na ito.
PAGKAKABIT
1. Buksan ang orihinal na equipment (OE) na pinto ng gasolina.
2. Tingnan ang Figure 1 . Alisin ang nut (3) na nagkakabit sa assembly ng lock (1) sa pinto ng gasolina (2).
3. Ikabit ang lock assembly sa bagong pinto ng gasolina. Higpitan sa pamamagitan ng nut (3). Higpitan ang nut gamit ang mga daliri.
4. Tanggalin ang dalawang turnilyo (5) na nagkakabit sa OE na pinto ng gasolina sa bisagra ng pinto.
5. Ihiwalay ang OE na pinto ng gasolina mula sa bisagra. Tanggalin ang pinto ng gasolina mula sa mga console pin.
6. Maglagay ng kaunting Loctite 243 (asul) sa nauna nang tinanggal na mga turnilyo. Iposisyon ang bagong pinto ng gasolina at bisagra ng pinto sa ibabaw ng mga console pin. Ikabit ang pinto ng gasolina sa bisagra ng pinto gamit ang mga turnilyo.
7. Higpitan ang mga turnilyo (5).
Torque: 1,8–2,3 N·m (16–20 in-lbs) turnilyo
8. Higpitan ang nut (3).
Torque: 3,4–4,5 N·m (30–40 in-lbs) nut
1Lock assembly
2Pinto ng gasolina
3Nut
4Bisagra ng pinto
5Tunilyo (2)
Figure 1. Pinto ng Gasolina