PAGKAKABIT
BABALA
Ang kaligtasan ng nagmamaneho at pasahero ay nakasalalay sa tamang pag-i-install ng kit na ito. Kung ang pamamaraan ay hindi abot ng iyong kakayahan o wala kang mga angkop na kasangkapan, ipagawa sa isang dealer ng Harley-Davidson ang pag-i-install. Ang maling pag-i-install ng kit na ito ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00308b)
TALA
Maglagay ng mga basahan sa headlamp at harapan ng mga tangke ng gasolina upang maiwasan ang pagkakagasgas nito.
Panatilihing diretso ang harapang gulong upang maiwasan ang paggasgas ng bracket sa mga tangke ng gasolina.
Tiyaking hindi tatama ang windshield assembly sa mga chrome o pininturahang bahagi. Kapag tumama ito, magkakaroon ng mga gasgas.
Tanggalin ang stock windshield. Upang tanggalin ang windshield, hawakan ang mga kanto ng windshield nang nakapantay sa gitnang brace at hilahin nang mabuti ang windshield upang makawala ito sa mga uka ng bushing.
Upang ikabit ang bagong windshield, maingat na i-hook ang “mga panga” sa ibaba ng windshield assembly sa mga uka ng mga rubber bushing sa ibabang spotlamp bracket.
I-hook ang dalawang “panga” sa itaas ng windshield assembly papasok sa mga uka ng mga rubber bushing sa itaas.
Itulak ang windshield assembly papasok sa mga bushing hanggang ganap na itong nakapuwesto.
TALA
Siyasatin ang windshield matapos makumpleto ang pagkakabit nito. Siguraduhin na ang pagkakakabit ng windshield ay hindi nalilimitahan ang buong paggalaw pakaliwa o pakanan ng harapang assembly ng fork. Ang limitadong pagkilos ay maaaring makaapekto sa pagmamaneho, na magreresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. Kapag nagkaroon ng limitadong paggalaw, i-adjust ang windshield hanggang matamo ang tamang galaw nito.
Ipaayos muna sa mga ekspertong tauhan ng Harley-Davidson ang kahit anong problema bago gamitin ang sasakyan nang nakakabit ang accessory na ito.
TALA
Suriin ang mounting hardware pana-panahon. Huwag imaneho nang may maluluwag na mount. Ang maluwag na pagkakakabit ay nagdudulot ng karagdagang stress sa iba pang mga nakakabit na mount, gayundin sa mismong windshield, at maaaring magresulta sa maagang pagpalya ng alinman sa dalawa o pareho.
Pangangalaga at Paglilinis
TALA
Ang aninag ng araw sa loob ng kurba sa windshield, sa mga partikular na oras sa loob ng isang araw, ay maaaring magdulot ng matinding pag-init sa mga instrumento ng motorsiklo. Ugaliing mag-ingat sa pagpaparada. Pumarada nang nakaharap sa araw, maglagay ng bagay na hindi nilalampasan ng liwanag sa mga instrumento, o ayusin ang windshield upang maiwasan ang mga aninag.
PAUNAWA
Ang mga polycarbonate na windshield/wind deflector ay nangangailangan ng wastong pansin at pangangalaga upang mapanatili. Kapag hindi maayos na napanatili ang polycarbonate, maaari itong magresulta sa pagkapinsala ng windshield/wind deflector. (00483e)
PAUNAWA
Ang mga windshield ng Harley-Davidson ay gawa sa Lexan. Ang Lexan ay isang mas matibay at di-bumabaluktot na materyal kumpara sa iba pang mga uri ng materyal na windshield ng motorsiklo, ngunit nangangailangan pa rin ng pansin at pangangalaga upang mapanatili. Kapag hindi maayos na napanatili ang Lexan, maaari itong magresulta sa pagkapinsala ng windshield. (00230b)
PAUNAWA
Gumamit lamang ng mga inirerekomendang produkto ng Harley-Davidson sa mga windshield ng Harley-Davidson. Huwag gumamit ng matatapang na kemikal o mga rain sheeting na produkto, na maaaring maging sanhi ng pinsala sa ibabaw ng windshield, tulad ng paglabo o hazing. (00231c)
PAUNAWA
Huwag gumamit ng benzine, paint thinner, gasolina o anumang iba pang uri ng matapang na panlinis ng windshield. Maaari itong makapinsala sa ibabaw ng windshield. (00232c)
TALA
Ang pagtakip sa windshield gamit ang malinis at basang tela nang 15 minuto bago ito linisin ay magpapadali sa pagtanggal ng tuyong insektong dumikit dito.