Panasonic:
Ang produktong ito ay naglalaman ng mga computer program (na tinatawag din bilang “Software”) na pag-aari o nilisensyahan para sa Panasonic.
Dagdag sa mga pag-aaring computer program ng o na nilisensyahan para sa Panasonic, maaari ring maglamana ng produktong ito ng isa o higit pang Open Source Software library o component, o mga bahagi nito, na binuo ng gma third party at nilisensyahan sa ilalim ng katugmang Open Source Software License.
Ang mga Open Source Software file ay protektado ng copyright.
Ang karapatang gamitin ang anumang Open Source Software ay pinamamahalaan ng kinauukulang Open Source Software license.
Sakaling magkaroon ng hindi pagkakatugma sa pagitan ng iyong lisensya para gamitin ang produktong ito at ng anumang naaangkop na Open Source Software license, mananaig ang Open Source Software license kaugnay ng Open Source Software na mga bahagi ng software.
Hindi nagbibigay ang Panasonic ng warranty para sa mga program na Open Source Software na nilalaman ng device na ito kapag ang mga naturang program ay ginamit sa anumang paraan bukod sa inilaan ng Panasonic. Ang Panasonic, ang mga affiliate at subsidiary nito, ay itinatatuwa ang anuman at lahat ng warranty at representasyon kaugnay ng naturang Open Source Software, malinaw man, ipinathihiwatig, isinasaad ng batas o iba pa, kabilang ang, nang walang limitasyon, anumang ipinahihiwatig na warranty ng pamagat, hindi paglabag, pagiging maibebenta, kalidad na nakasisiya, katumpakan kaangkupan para sa partikular na layunin. Hindi mananagot ang Panasonic sa pagsasagawa ng anumang pagtatama o modipikasyon sa Open Source Software, o pagbibigay ng anumang suporta o tulong kaugnay nito. Itinatatuwa ng Panasonic ang anuman at lahat ng pananagutan na magmumula sa o kaugnay ng paggamit ng Open Source Software. Ang pahayag na ito, gayunpaman, ay, hindi sa anumang paraan, nakakapinsala o nagpapahusay sa anumang warranty o pagtatatuwa na ibinibigay ng Panasonic kaugnay ng anumang produktong gumagamit ng Open Source Software.
Pagtatatuwa sa Mga External Link
Ang mga link na ibinigay sa site na ito papunta sa mga external na site o serbisyo na hindi sa Panasonic ay ibinibigay lamang para sa iyong kaginhawahan. Ang paglabas ng mga hyperlink papunta sa mga Website na hindi sa Panasonic mula sa Panasonic website ay hindi katumbas ng pag-eendorso ng Panasonic sa naka-link na website o sa impormasyon, mga produkto o mga serbisyong nilalaman ng site.
Maaaring maglaman ang produktong ito ng mga computer program (na tinutukoy rin bilang “Software”) na direktang ibinibigay ng Original Equipment Manufacturer (OEM). Ang software na ito ay maaari ring maglaman ng isa o higit pang Open Source Software library o component, o mga bahagi nito, na binuo ng gma third party at nilisensyahan sa ilalim ng katugmang Open Source Software License. Ang mga sumusunod na link ay ibinibigay lamang para sa iyong kaginhawahan, at hindi katumbas ng pag-eendorso ng Panasonic sa naka-link na website o sa impormasyon, mga produkto o mga serbisyong nilalaman ng site.
Kontakin ang Panasonic
Naghahanap ka ba ng dagdag na impormasyon tungkol sa mga propesyonal na produkto at serbisyo ng Panasonic? Mayroon kaming team ng eksperto na handang tumulong.
Mangyaring magpadala sa amin ng email sa address na nasa ibaba at kokontakin ka ng Panasonic Sales representative sa loob ng ilang sandali.
contact_us@panasonic.comOn-Board na Charger:
Ang On-Board Charger (“OBC”) ay naglalaman ng mga computer program (“Software”) na maaaring maglaman ng software na nilisensyahan mula sa mga third party, kabilang ang isa o higit pang Open Source Software library o component, o mga bahagi nito (sama-sama, “Third Party Software”). Ang Third Party Software ay maaaring protektado ng copyright, at ang karapatang gamitin ang Third Party Software ay maaaring pinamamahalaan ng isang Third Party Software license.
Lahat ng lisensya para sa Third Party Software na kasama ng OBC ay ibinibigay sa
lwip.fandom.com/wiki/Licensewww.gnu.org/licenses/lgpl-3.0.en.html
.
Ang iyong paggamit ang OBC ay dapat ituring bilang iyong pagtanggap sa mga Third Party Software license at iyong pagsang-ayon na sumunod sa mga tuntunin at kondisyon ng naaangkop na mga Third Party Software license. WALANG GINAGAWANG ANUMANG URI NG WARRANTY ANG LICENSOR, MALINAW MAN O IPINAHIHIWATIG, KAUGNAY NG ANUMANG THIRD PARTY SOFTWARE. LAHAT NG THIRD PARTY SOFTWARE AY IBINIBIGAY NANG “AS-IS,” NANG WALANG ANUMANG URI NG WARRANTY NG LICENSOR. HINDI MANANAGOT ANG LICENSOR, SA ANUMANG PANGYAYARI, SA IYO O SA ALINMANG THIRD PARTY PARA SA ANUMANG DIREKTA, HINDI DIREKTA, PAMPARUSA, DAPAT TULARAN, NAGKATAON, ESPESYAL, O KAHIHINATNANG PINSALA NA MAGMUMULA SA THIRD PARTY SOFTWARE, KAHIT PA NAABISUHAN ANG LICENSOR TUNGKOL SA POSIBILIDAD NG MGA NATURANG PINSALA O KAWALAN.