Garantiya
Ang Kiheung Motors Ltd. ay nagbibigay ng mga sumusunod na serbisyo nang libre o may bayad para sa mga motorsiklong ibinenta ng Kumpanya alinsunod sa patakaran ng garantiya ng Harley Davidson Motor Company Inc., gauyndin sa Consumer Framework Act at Clean Air Conservation Act.
1. Saklaw ng Garantiya
Magbibigay ng mga serbisyo sa pagkukumpuni/pag-aayos ang Harley-Davidson nang libre o nang may limitadong bayad alinsunod sa panahon ng garantiya at mga tuntuning tinukoy sa garantiya, hangga’t ang motorsiklo ng customer ay ginamit at pinanatili nang naaayon sa iskedyul ng pagtse-tsek at pagmementina at mga alituntunin sa pagpapatakbo na tinukoy sa Manwal ng May-ari na ibinigay ng Kompanya at ang depekto ay sanhi ng problema sa materyales ng component o (mga) proseso ng paggawa.
2. Panahon ng Garantiya
Ang panahon ng garantiya ay 24 na buwan mula sa petsa ng tingiang pagbili at paghahatid, at walang mailalapat na limitasyon sa garantiya sa kabuuang milyahe.
Kung ang pagmamay-ari ng motorsiklo ay inilipat sa iba bago lumipas ang garantiya, ang natitirang panahon ng garantiya ay ipapasa sa bagong may-ari nito.
Panahon ng garantiya para sa mga piyesa na may kinalaman sa fuel exhaust
Ang panahon ng garantiya para sa mga piyesa na may kinalaman sa fuel exhaust ay ipagkakaloob ayon sa nakasaad sa ibaba alinsunod sa Article 63 ng Clean Air Conservation Act.
(Ang panahon ng garantiya ay 24 na buwan mula sa petsa ng tingiang pagbili at paghahatid, gayunpaman, mawawalan ng bisa ang garantiya anumang oras kapag lumampas na ang kabuuang milyahe sa 10,000km sa loob ng panahong ito)
3. Mga Kaugnay na Piyesa
Klasipikasyon | Mga Sakop na Piyesa
Makina
Cylinder; cylinder head; rocker cover; mga piston; crank case; fly wheel; mga intake at exhaust valve; oil pump; cam shaft; rocker arm; radiator; water pump; cam chain; iba’t ibang gasket ng makina at selyong goma
Power Train at Brake System
Transmission gear at housing; belt; brake master cylinder; brake caliper; wheel bearing; mga bearing ng transmission, mga gasket at selyong goma; ABS module
Frame at Mga Exterior na Piyesa
Tangke ng gasolina; fuel pump; fork sa harap; shock absorber sa likod; frame; tangke ng langis; gulong; mga operating device (mga lever at switch); iba’t ibang takip
Mga De-kuryente/Elektronikong Kagamitan
Module (induction/ignition/ECM); stereo; stator; rotor; regulator; iba’t ibang sensor/switch/relay/display; wiring; baterya; cooling fan; thermostat
4. Saklaw ng Garantiya Para sa mga Piyesang May Kinalaman sa Fuel Exhaust at mga Detailed Item
Klasipikasyon
Mga Sakop na Piyesa
Makina
Oxygen sensor; catalyst para sa purifier
Frame at Mga Exterior na Piyesa
Induction module; electronic control unit; throttle position sensor; barometric pressure sensor; fuel sprayer; fuel pressure controller; engine temperature sensor; fuel spray pump
Mga De-kuryente/Elektronikong Kagamitan
Ignition coil; mga spark plug (pre-delivery); regulator/rectifier
Fuel Exhaust Self-Diagnostic Device
Knocking sensor; oxygen sensor
5. Mga Dapat Tandaan ng mga May-ari
- Mangyaring gamitin at panatilihin ang motorsiklo alinsunod sa iskedyul ng pagtse-tsek at pagmementina at mga alituntunin sa pagpapatakbo na tinukoy sa Manwal ng May-ari.
Mangyaring panatilihin ang motorsiklo sa mga awtorisadong service center gamit ang mga tunay na piyesa ng Harley-Davidson.
6. Mga Hindi Kasama sa Garantiya
- Mga pangyayaring hindi kasama sa saklaw ng garantiya na tinukoy sa Manwal ng May-ari o iyong mga pangyayaring kabilang sa iba pang mga limitasyon.
- Mga pagpalyang nagmumula sa hindi paggamit ng mga tunay na piyesa ng Harley-Davidson o kabiguang magdagdag ng langis ng makina
- Ang motorsiklo ay sinuri at pinanatili ng mga pangkalahatang talyer maliban sa awtorisadong service center ng Harley-Davidson o mga depektong natagpuan sa mga motorsiklong inangkat ng mga parallel importer
- Paggamit ng gasolinang depektibo kabilang ang pekeng gasolina at iba pang mga sensory phenomenon na hindi nakakaapekto sa normal na pag-andar (ingay, panginginig)
- Mga kinahinatnang pinsala, halaga o gastos, kabilang ang mga gastos sa transportasyon; mga gastos sa pagpapadala, mga gastos sa pag-iimbak, pagkawala ng oras, abala, o pagkawala ng paggamit ng motorsiklo.
- Regular na checkup para masiguro ang buong pag-andar ng sasakyan - paglilinis ng tangke at filter ng gasolina; alignment ng gulong; pag-a-adjust ng steering system; pag-tsek ng preno (pagpapalit ng langis at brake pad), ignition plug; kable ng spark plug; clutch disk; brake pad; fuse; mga bumbilya; mga filter, mga langis; natural na pagkupas ng pintura; pangangalawang mula sa hindi sapat na pagpapanatili
- Pagpalya ng odometer; hindi matukoy ang milyahe dahil sa mga pagbabago/pag-remodel
- Pagpalya ng odometer; hindi matukoy ang milyahe dahil sa mga pagbabago/pag-remodel - Iba pang mga pangyayari na sumasalungat sa mga patakaran ng garantiya ng Harley-Davidson
7. Proseso ng Pagkukumpuni/Pag-aayos sa Ilalim ng Garantiya
- Bisitahin ang iyong awtorisadong Harley-Davidson Service Center kasama ang iyong motorsiklo at warranty card sa mga normal na oras ng pagnenegosyo at ibigay ang mga ito sa taong responsable sa mga pag-aayos na saklaw ng garantiya.
(Gangnam Service Center: TEL. +82-70-7405-8241 / Yongin Service Center: TEL. +82-70-7405-8251 / Daegu Service Center: TEL. +82-70-7405-8340 / Daejeon Service Center: TEL. +82-70-4048-4633 / Busan Service Center: TEL. +82-70-7457-6882)
8 Hindi inaatasan ang Harley-Davidson Motor Company Inc. na ilapat ang anumang mga pagbabago sa disenyo ng mga sasakyang naibenta at nai-deliver na sa mga customer bilang resulta ng pagbabago sa mga ispesipikasyon sa panahon ng paggawa ng parehong modelo.