Ang sasakyan ay nagkakarga mula sa isang istandard na Nema 5-15 110V na elektrikal na saksakan sa pamamagitan ng electric vehicle supply equipment (EVSE) na sinasaksak sa J1772 na charge port sa sasakyan - ang EVSE ay kasama na ng sasakyan. Tapos, ang 110V alternating current (AC) power ay ikino-convert ng on-board charger (OBC) upang maging DC (direct current) power na pumapasok sa rechargeable energy storage system (RESS) sa pamamagitan ng kulay kahel na harness ng kable. Madaling matukoy ang lahat ng mataas na boltaheng kable sa motorsiklo dahil ito ay kulay kahel. Ang RESS ay binubuo ng mga lithium ion cell at isang Yunit ng Pamamahala ng Baterya (Battery management unit, BMU), na gumagamit ng safety interlock system na tinatawag na high voltage isolation loop (HVIL). Ang trabaho ng BMU ay panatilihin ang tamang balanse ng mga cell at kontrolin ang pagpasok/paglabas ng kuryente, pagsara/pagbukas ng mga mataas na boltaheng kontraktor at mga mabilis magkargang kontraktor. Ino-ON/OFF ng mga kontraktor ang kuryente sa loob ng pack ng baterya, habang pinahihintulutan ng mga mabilis magkargang kontraktor na masipsip ng RESS ang mabilis magkargang DC. Ang DC na mataas na boltahe (High Voltage, HV) ay dumadaloy mula sa RESS sa pamamagitan ng protektadong kulay kahel na harness ng wiring sa kaliwa ng electric vehicle power train (EVPT), kung saan ito ay ikino-convert para maging AC ng EVPT inverter na nagkakarga sa AC permanent magnet motor. Pagkatapos ay dinadala ng motor ang kuryente sa paabanteng propulsion. Habang nagco-coast ang sasakyan, ang EVPT ay nagiging “charger” sa pamamagitan ng proseso ng regenerative na pagpreno habang bumabagal ang pagtakbo. Sa panahong ito, ang AC power ay ginagawang DC power ng inverter at ikinakarga ang enerhiyang nalikha mula sa pagco-coast/pagpreno patungo sa RESS.
Sa tuwing ang motorsiklo ay nakasaksak sa isang isstasyon ng mabilis na nagkakargang DC, ito ay kinakargahan ng DC power nang direkta sa RESS. Nilalampasan ng pagkakarga ng DC ang on-board charger at kaya nitong magbigay ng mas mabilis na pagkakarga dahil hindi ito umaasa sa on-board charger para sa pagko-convert ng AC tungong DC. Ang LiveWire ay gumagamit ng combined charging system (CCS) inlet sa charge port upang pahintulutan ang mabilis na pagkakarga ng DC. Dalawang kulay kahel na mataas na boltaheng harness ng wiring ang tumatakbo mula sa charge port diretso sa RESS.
Ang high voltage interlock loop ay isang mababang boltaheng pamproteksyong circuit na nagtitiyak na lahat ng pangkonekta ng bahaging mataas ang boltahe ay maayos na nakakonekta. Magpapadala ang BMU ng signal na may mababang boltahe sa mga koneksyon ng lahat ng bahagi at malalaman nito kung babalik ang signal sa pamamagitan ng Interlock Loop. Kapag hindi bumalik ang signal, naka-disable ang sistema ng mataas na boltahe.