Pag-aalis
BABALA
Upang maiwasan ang aksidenteng pag-andar ng sasakyan, na maaaring magdulot ng kamatayan o malubhang pinsala, alisin ang pangunahing fuse bago magpatuloy. (00251b)
PAUNAWA
Kapag kailangan ng pamalit, gamitin lamang ang tinukoy na sealed beam unit o bumbilya, na makukuha sa dealer ng Harley-Davidson. Ang sealed beam o bumbilyang may di-tamang wattage ay maaaring magdulot ng mga problema sa pag-charge ng system. (00209a)
  1. Alisin ang pangunahing fuse. Tingnan ang Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Mga fuse.
  2. Para sa modelong XL1200NS: Tingnan ang Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Pagkakahanay ng Headlamp.
    1. Alisin ang visor ng headlamp.
  3. Tingnan ang Figure 2. Luwagan ang turnilyo ng trim ring (4). Alisin ang trim ring.
  4. Suportahan ang lens at reflector.
  5. Tingnan ang Figure 1. Habang dinidiinan ang mga tab na pang-release (1) sa konektor, hilahin ang konektor mula sa mga spade terminal ng bumbilya .
  6. Hilahin ang rubber boot (2) paatras.
  7. Diinan pababa at sa isang bahagi ang loop (3) sa wire retaining clip (4) upang matanggal ang libreng dulo ng clip mula sa metal catch. Ipihit ang clip pataas. Alisin ang bumbilya mula sa lens at reflector.
1Release tab
2Rubber boot
3Loop
4Retaining clip
Figure 1. Headlamp
Pagkabit
BABALA
Maingat na gamitin ang bumbilya at magsuot ng proteksyon sa mata. Ang bumbilya ay naglalaman ng gas na may pressure, na, kung hindi maingat na gagamitin, ay maaaring maging sanhi ng malubhang pinsala sa mata. (00062b)
PAUNAWA
Huwag hawakan ang quartz na bumbilya. Ang mga marka ng daliri ay uukit sa salamin at magpapaiksi ng buhay ng bumbilya. Hawakan ang bumbilya gamit ang papel o malinis at tuyong tela. Kapag hindi ito ginawa, maaari itong magresulta sa pagkapinsala ng bumbilya. (00210b)
1. Ihanay ang mga tab ng bumbilya sa mga butas sa reflector. Ikabit ang bumbilya.
2. Tingnan ang Figure 1. Ipihit ang retaining clip pababa sa flange ng bumbilya. Diinan ang wire loop pababa hanggang sa ang libreng dulo ng clip ay kumabit sa metal catch.
3. Tingnan ang Figure 2. Itugma ang ITAAS na arrow ng rubber boot sa reflector arrow (1). Ipatong ang rubber boot sa ibabaw ng mga spade terminal ng bumbilya. Palabasin ang hangin sa boot upang matakpan ang lens at ang assembly ng reflector.
4. Ikabit ang pangkonekta.
5. Tiyakin na ang adapter ring (2) ay nasa lugar kung saan ang dalawang tab ng ring ay nakapuwesto sa dalawang umbok sa shell ng headlamp.
6. Itugma ang solong tab sa reflector sa notch/kutab (3) sa loob ng ring ng adapter.
7. Para sa Modelong XL1200C: Ikabit ang gomang finger gasket (5).
8. Ipuwesto ang trim ring at pihitin ang ring nang pakanan upang i-lock ang ring sa lens at reflector.
9. Lahat maliban sa XL1200C: Ikabit ang turnilyo (4) at nut. Para sa modelong XL1200C: Ikabit ang turnilyo (4).
10. Higpitan ang turnilyo.
Torque: 1,0–1,6 N·m (9–14 in-lbs)
11. Ikabit ang pangunahing fuse. Tingnan ang Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Mga fuse.
BABALA
Siguraduhing maayos na gumaga ang lahat ng ilaw at switch bago ang paandarin ang motorsiklo. Ang hindi gaanong nakikitang rider ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00316a)
12. Subukan kung gumagana ang headlamp.
13. I-align o pagpantayin ang headlamp. Tingnan ang Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Pagkakahanay ng Headlamp.
14. Para sa Modelong XL1200NS: Ikabit ang visor ng headlamp. Tingnan ang Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Pagkakahanay ng Headlamp.
1Mga Arrow
2Adapter ring
3Notch
4Turnilyo
5Finger gasket
6Lahat maliban sa XL1200C
7XL1200C
Figure 2. Assembly ng Headlamp