Pag-aalis
  1. Tingnan ang Figure 1. Tanggalin ang pang-mount na turnilyo (1) upang tanggalin ang upuan mula sa likod na fender.
  2. Diinan pababa at paabante ang upuan (2).
  3. I-angat (3) nang bahagya para matanggal ang bracket ng keyhole/susian mula sa seat post.
  4. Hatakin paatras (4) para tanggalin ang dila ng upuan mula sa bracket ng tangke ng gasolina.
  5. Tiyakin na mahigpit ang pagkakakabit ng dila at bracket na pang-mount sa ibaba ng upuan.
  6. Two-up seat: Siyasatin ang grab strap kung may sira o luma na.
1Alisin ang turnilyo
2Pindutin pababa at paharap
3I-angat
4Hilahin
Figure 1. Alisin ang Upuan
Pagkabit
1. Tingnan ang Figure 2. Iposisyon ang upuan sa frame/kaha nang nasa likod ang pang-mount na bracket (1).
2. I-slide ang upuan paabante hanggang ang dila (2) ay saktong magkasya sa ilalim ng bracket ng tangke ng gasolina.
3. Itulak ang upuan paabante para ipuwesto ang keyhole/susian (3) sa seat post. Bahagyang hatakin paatras ang upuan.
TALA
Ang bracket na pang-mount ng solong upuan ay gumagamit ng paabanteng butas sa fender sa likod. Ang bracket ng pangdalawahang upuan ay gumagamit ng paatras na butas.
4. Ikabit ang turnilyo na pang-mount sa upuan para ikabit ang bracket na pang-mount ng upuan sa itaas ng likod na fender. Higpitan para:
Torque: 1,7–3,4 N·m (15–30 in-lbs) Ikabit ang turnilyong pang-mount
5. Hilahin pataas ang upuan para siguraduhin na naka-lock ito sa lahat ng tatlong punto.
1Bracket na pang-mount
2Tongue
3Susian
4Strap na kapitan ng pasahero (grab strap)
Figure 2. Solo at Two-Up na mga Upuan