TALA
Gagana ang backlight ng instrumento matapos ang bahagyang pagkaantala. Maaaring sandaling magbago ang backlighting kapag nagbabago ang liwanag sa paligid, tulad ng kapag dumadaan sa isang tunnel.
Analog Tachometer
Tingnan ang Figure 1 . Ipinahihiwatig ng sweep needle ng tachometer (1) ang bilis ng makina sa revolutions per minute (rpm).
Speedometer
BABALA
Maglakbay sa bilis na naaangkop para sa kalsada at mga kondisyon at huwag kailanman maglakbay nang mas mabilis sa nakatakdang limitasyon ng bilis. Ang sobrang bilis ay maaaring magdulot ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00008a)
Tingnan ang Figure 1 . Ipinakikita ng speedometer (2) ang milya kada oras (para sa mga U.S. na modelo) o kilometro kada oras (mga modelong internasyonal). Maaaring palitan ang display mula mph tungong km/h. Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Display sa Window ng Odometer .
Gear Indicator
Tingnan ang Figure 1 . Ipinakikita ang kasalukuyang piniling numero ng gear (3) kapag tumatakbo ang motorsiklo. Kapag nakanyutral ang kambyo o nakahila papasok ang clutch lever, magiging blangko ang numero ng gear.
ODOMETER
Pindutin ang trigger switch upang magpalipat-lipat sa iba’t ibang function ng odometer.
Odometer: Kabuuang Milyahe
Tingnan ang Figure 1 . Ang odometer (4) ay matatagpuan sa harapan ng speedometer.
De-susing ignisyon: Ang switch ng ignisyon ay dapat nasa posisyong ACC o IGNITION.
Walang susing ignisyon: Habang nasa saklaw ang fob, ipihit ang switch ng OFF/RUN sa RUN.
Mga Odometer: Trip A at B
Tingnan ang Figure 1 . Upang tingnan ang milyahe ng pagbiyahe (4), pindutin at bitawan ang trip switch para ipakita ang A o B na trip odometer sa window ng odometer. Tinutukoy ng A o B ang trip odometer.
Upang i-reset ang mga trip odometer, piliin ang A o B . Pindutin ang trip switch nang humigit-kumulang tatlong segundo. Ang trip odometer ay mag-rereset sa zero.
Orasan
Tingnan ang Figure 1 . Pindutin at bitawan ang trip switch para ipakita ang orasan (4) sa window ng odometer.
Digital Tachometer
Tingnan ang Figure 1 . Pindutin at bitawan ang trip switch nang paulit-ulit hanggang makita ang digital tachometer (4). Mabilis na magpapakita ang odometer window ng mensaheng ‘RPM’ tapos ipapakita nito ang bilis ng makina.
1Analog Tachometer
2Speedometer (MPH o km/h)
3Indicator ng gear
4Odometer, Trip A/B, Orasan, Digital Tachometer (RPM)
Figure 1. Mga Instrumento: 1200 Roadster™ (XL1200CX)