Pag-aalis
PAUNAWA
I-install ang air filter bago patakbuhin ang makina. Kapag hindi ito ginawa, maaaring mahatak ang mga labi papunta sa makina at maaaring magresulta sa pagkapinsala ng makina. (00207a)
TALA
Sa regular na agwat na panahon, siyasatin ang air filter element. Kapag maalikabok, siyasatin nang mas madalas. Sumangguni sa Mga Pagitan ng Serbisyo at Rekord → Mga Tala ng Serbisyo .
  1. Tingnan ang Figure 1 . Depende sa modelo ng iyong Sportser, alisin ang mga pantakip na turnilyo (7), trim (8) at takip ng air cleaner (6).
  2. Siyasatin ang filter element (3).
  3. Alisin at linisin ang air filter element kung kinakailangan.
Paglilinis ng Filter Element
BABALA
Huwag gumamit ng gasolina o mga solvent upang linisin ang filter element. Ang mga nagliliyab na ahenteng panlinis ay maaaring maging sanhi ng apoy sa intake system, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00101a)
TALA
  • Huwag itaktak ang filter element sa matigas na surface upang alisin ang dumi.
  • Palitan ang filter element kapag sira o kapag hindi na kayang linisin ang element.
1. Hugasan ang filter gamit ang mainit-init at masabong tubig.
TALA
Malinis na ang filter kapag tumatagos na ang sinag ng ilaw dito.
2. Itapat ang filter sa ilaw.
TALA
HUWAG gumamit ng air cleaner filter oil paper/wire mesh element.
BABALA
Maaaring makasugat ang naka-compress na hangin at ang mga lumilipad na labi mula sa naka-compress na hangin ay maaaring maging sanhi ng malubhang pinsala sa mata. Magsuot ng mga salaming pangkaligtasan kapag gumagamit ng naka-compress na hangin. Huwag gamitin ang iyong kamay upang suriin kung may sumisingaw na hangin o upang matukoy ang antas ng pagdaloy ng hangin. (00061a)
3. Pahanginan sa labas o i-blow dry ang filter mula sa loob nito gamit ang low-pressure na hangin.
Pagkakabit
TALA
Tingnan ang Figure 1 . Tiyakin na nasa puwesto ang mga O-ring (1) sa mga breather tube.
  1. Kung naalis, ikabit ang air filter element.
    1. Ikabit ang sapatilya (gasket) ng baseplate (2).
    2. Ikabit ang air filter element (3).
    3. Maglagay ng isang patak ng LOCTITE THREADLOCKER 243 (asul) sa mga thread ng turnilyo ng element (4).
    4. Ikabit ang mga turnilyo ng element.
    5. Higpitan ayon sa ispesipikasyon. Sumangguni sa Talahanayan 1.
  2. Ikabit ng takip ng air cleaner.
    1. Tiyakin na nasa puwesto ang selyo ng air cleaner (5).
    2. Ikabit ang takip (6).
    3. Depende sa modelo ng iyong Sportster, ikabit ang trim (8) at ang mga turnilyo (7).
    4. Higpitan ayon sa ispesipikasyon. Sumangguni sa Talahanayan 1.
Talahanayan 1. Torque ng Fastener ng Air Cleaner
FASTENER
TORQUE
in-lbs
Nm
Mga turnilyo ng air filter element
40-60
4.5-6.8
Mga turnilyo ng takip ng air filter
36-60
4.1-6.8
1O-ring (2)
2Gasket/Sapatilya
3Filter element
4Turnilyo ng element (3)
5Selyo
6Takip
7Turnilyo ng takip
8Trim
9Mga Modelong Forty-Eight (XL1200X), Forty-Eight Special (XL1200XS)
10Iron 883 (XL883N), Iron 1200 (XL1200NS) models
11Mga Modelong SuperLow® (XL883L), 1200 Custom (XL1200C), 1200 Roadster (XL1200CX), SuperLow® 1200T (XL1200T)
Figure 1. Air Cleaner