SuperLow (XL883L), SuperLow 1200T (XL1200T) at mga Modelong may Karaniwang Estilo na Tail Lamp
1. Tingnan ang Figure 1. Tanggalin ang dalawang turnilyo at lens mula sa base.
TALA
Tanggalin ang 4-pin connector para mapadali ang pagtatanggal ng bumbilya.
2. Hilahin ang assembly ng bumbilya mula sa lens. Tanggalin ang bumbilya.
3. Balutin ang base ng bagong bumbilya gamit ang ELECTRICAL CONTACT GREASE. Ikabit ang bagong bumbilya.
4. Ikabit (itulak) ang assembly ng bumbilya sa lens.
5. Kapag natanggal, ikonekta ang konektor sa circuit board.
6. Ikabit ang lens sa base gamit ang dalawang turnilyo. Higpitan sa:
Torque: 2,3–2,7 N·m (20–24 in-lbs) Mga turnilyo ng lens ng tail lamp
BABALA
Siguraduhing maayos na gumaga ang lahat ng ilaw at switch bago ang paandarin ang motorsiklo. Ang hindi gaanong nakikitang rider ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00316a)
7. Buksan ang ignisyon. Tingnan kung gumagana ang lahat ng ilaw.
1Lens
2Base
3Tail lamp connector
4Socket ng bumilya
Figure 1.
1200 Custom (XL1200C)
Bagaman katulad ng hitsura ng karaniwang estilong tail lamp, ang tail lamp sa modelong 1200 Custom (XL1200C) ay isang LED assembly. Magpunta sa dealer o tingnan ang manwal ng serbisyo para sa pagpapalit.
Iron 883 (XL883N), Iron 1200 (XL1200NS), Forty-Eight (XL1200X), Forty-Eight Special (XL1200XS), 1200 Roadster (XL1200CX)
Ang mga tail at stop lamp ay mga dual filament turn bulb sa mga bullet housing ng mga senyas ng pagliko sa likod na mayroong mga pulang lens. Para palitan ang tail o stop lamp, palitan ang mga bumbilya ng senyas ng pagliko. Tingnan ang Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Pagpapalit ng Turn Signal Bulb: Incandescent.
Iron 883 (XL883N), Iron 1200 (XL1200NS), 1200 Roadster (XL1200CX), Forty-Eight (XL1200X), Forty-Eight Special (XL1200XS) na mga Modelong may LED na Senyas ng Pagliko na Tail at Stop Lamp
Sa internasyonal at Japan na Iron 883 (XL883N), Iron 1200 (XL1200NS), 1200 Roadster (XL1200CX), Forty-Eight (XL1200X) at Forty-Eight Special (XL1200XS) na mga modelo, ang senyas ng pagliko na nasa likod/tail lamp ay isang LED assembly. Sa mga 1200 Roadster (XL1200CX) na modelo para sa ilang merkado, ang center stop lamp ay isang LED assembly. Walang pamalit na bumbilya para sa ganitong estilo ng ilaw. Magpunta sa dealer o tingnan ang manwal ng serbisyo para sa pagpapalit.