PAUNAWA
Protektahan ang iyong sasakyan laban sa pagnanakaw. Ang hindi pagla-lock ng motorsiklo matapos itong iparada ay maaaring magresulta sa pagnanakaw at/o pinsala sa kagamitan. (00151b)
Tingnan ang Figure 1. Nasa kanang bahagi ng mga modelong sportster ang fork lock ng steering head. Ang agad ng paggamit sa fork lock pagkatapos iparada ang iyong motorsiklo ay pipigil sa di-awtorisadong paggamit at pagnanakaw.
BABALA
Huwag paandarin ang sasakyan habang naka-lock ang mga fork. Ang pag-lock ng mga fork ay pumipigil sa kakayahan ng sasakyang lumiko, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00035a)
Tingnan ang Figure 2. I-lock ang fork.
  1. Ipihit ang fork papunta sa ganap na pakaliwang posisyon.
  2. Ipasok ang susi sa fork lock.
  3. Ipihit nang pakanan (clockwise).
  4. Alisin ang susi ng lock.
  5. Para i-unlock ang fork, ipasok ang susi sa fork lock at ipihit ito pakaliwa (pa-counterclockwise). Alisin ang susi ng lock.
  6. Subukan kung tama ang paggana ng steering sa pamamagitan ng pagpihit sa handlebars sa buong ikot na kaya nito. Dapat ay suwabe ang pagpihit ng manibela nang hindi napipigilan.
Figure 1. Lokasyon ng Fork Lock: Mga Modelong Sportster
1Naka-lock ang fork
2Naka-unlock ang fork
Figure 2. Mga Posisyon ng Fork Lock: Mga Modelong Sportster