BABALA
Kung patuloy na kumikislap ang ilaw ng ABS nang mas mabilis sa
5 km/h (3 mph)
o nananatiling naka-on, hindi gumagana ang ABS.
Gumagana ang standard na sistema ng preno, ngunit maaaring mag-lock up ang gulong. Makipag-ugnayan sa isang dealer ng Harley-Davidson para ipaayos ang ABS. Kapag nag-lock ang gulong, dudulas ito at maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00361b)
BABALA
Hindi maaaring pigilan ng ABS ang pag-lockup ng likurang gulong dahil sa pag-engine brake. Hindi makatutulong ang ABS sa mga pagliko sa kanto o sa maluluwag/o hindi pantay na kalsada. Kapag nag-lock ang gulong, dudulas ito at maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00362a)