BABALA
Ang automatic-on na headlamp feature ay nagpapahintulot sa ibang motoristang mas mahusay na makita ang nagmamaneho. Siguraduhing nakabukas ang headlamp sa lahat ng oras. Kapag hindi gaanong makita ng ibang motorista ang nagmamaneho, maaari itong magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00030b)
Tingnan ang
Figure 1. Kinokontrol ng switch ng ignisyon ang mga elektrikal na function ng motorsiklo. Ang switch ay nasa kanang bahagi ng steering head. Sumangguni sa
Talahanayan 1.
Ipihit ang susi sa posisyong OFF at alisin ang susi kapag hindi gumagana ang motorsiklo. Maaari ding alisin ang susi sa posisyong ACC.
TALA
Isulat ang numero ng susi sa kalakip na espasyo sa harapan ng manwal na ito.
Gumagana ang ilaw kapag ang switch ay nasa posisyong IGNISYON, gaya ng iniaatas ng batas sa ilang lokalidad.
BABALA
Huwag paandarin ang sasakyan habang naka-lock ang mga fork. Ang pag-lock ng mga fork ay pumipigil sa kakayahan ng sasakyang lumiko, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00035a)
PAUNAWA
Protektahan ang iyong sasakyan laban sa pagnanakaw. Ang hindi pagla-lock ng motorsiklo matapos itong iparada ay maaaring magresulta sa pagnanakaw at/o pinsala sa kagamitan. (00151b)
PAUNAWA
Huwag i-lubricate ang mga lock ng barrel gamit ang lubricant na may petrolyo o graphite. Maaari itong magresulta sa mga lock na hindi gumagana. (00152a)
PAUNAWA
Ilagay ang switch ng ignisyon sa posisyong OFF bago i-lock ang motorsiklo. Kapag iniwan ang switch sa posisyong ACC, mananatiling nakabukas ang mga ilaw ng instrumento at magreresulta sa pagkadiskarga ng baterya. (00492b)
Figure 1. Switch ng Ignisyon: Mga Modelong Sportster
Talahanayan 1. Switch ng Ignisyon
POSISYON | FUNCTION |
---|
OFF | Nakapatay ang ignisyon at mga ilaw. Pwedeng alisin ang susi. |
ACC.* | Naka-on ang mga ilaw ng instrumento. Pwedeng paganahin ang ilaw ng preno at ang busina. Pwedeng
alisin ang susi. |
IGNITION | Nakabukas ang ignisyon at mga ilaw. |
*Mga internasyonal na modelo: Nakabukas din ang mga ilaw sa likod (tail lamp) at ilaw ng posisyon. |