Pagpapalit ng Bumbilya ng Senyas ng Pagliko
1. Tingnan ang Figure 1. Magsingit ng barya sa siwang/hiwa. Maingat na pihitin hanggang lumuwa ang takip ng lens mula sa housing ng ilaw.
2. Habang itinutulak papasok ang bumbilya, iikot nang pa-counterclockwise o pakaliwa upang tanggalin. Tanggalin ang bumbilya.
3. Siyasatin ang kondisyon ng mga electrical contact sa socket. Kung kinakailangan, linisin gamit ang isang maliit na wire brush at panlinis ng electrical contact.
4. Lagyan ng ELECTRICAL CONTACT LUBRICANT ang mga contact sa socket at ang ilalim ng bagong bumbilya.
5. Pagpantayin ang mga pin sa bagong bumbilya sa mga guide sa socket ng bumbilya. Itulak at iikot ang bagong bumbilya nang pa-clockwise o pakanan sa socket.
6. I-snap ang takip ng lens sa housing ng ilaw habang nasa ibaba ang siwang/hiwa.
BABALA
Siguraduhing maayos na gumaga ang lahat ng ilaw at switch bago ang paandarin ang motorsiklo. Ang hindi gaanong nakikitang rider ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00316a)
7. Tingnan kung gumagana ang lahat ng ilaw.
Figure 1. Alisin ang Lens