Hindi Gumagana ang Starter o Hindi Umaandar ang Makina
  1. Nakapatay ang switch ng OFF/RUN ng makina.
  2. Nakapatay ang switch ng ignisyon.
  3. Nadiskarga ang baterya o maluwag o kinakalawang ang mga koneksyon (nag-iingay ang solenoid).
  4. Ang clutch lever ay hindi nakalapat nang mabuti sa manibela (handlebar) o wala sa nyutral ang transmisyon.
  5. Ang jiffy stand ay hindi nakaurong (para sa mga modelong mayroong jiffy stand interlock).
  6. Pumutok na fuse.
Rumeredondo Ang Makina Ngunit Ayaw Mag-start
  1. Walang laman ang tangke ng gasolina.
  2. Barado ang filter ng gasolina.
  3. Nadiskarga ang baterya o maluwag o sira ang mga koneksyon ng terminal ng baterya.
  4. Sirang mga spark plug.
  5. Maluwag o hindi na maganda ang koneksyon at nagsho-short ang mga kable ng spark plug at nagsho-short.
  6. Maluwag o kinalawang na koneksyon ng kawad o kable sa coil o baterya.
  7. Hindi gumagana ang pump ng gasolina.
  8. Pumutok na fuse.
Hirap Mag-start
  1. Masama na ang kondisyon, may hindi tamang puwang o bahagyang may sira ang mga spark plug.
  2. Masama na ang kondisyon at may singaw ang mga kable ng spark plug.
  3. Malapit nang madiskarga ang baterya.
  4. Maluwag na koneksyon ng kawad o kable sa isa sa mga terminal ng baterya o sa coil.
  5. Masyadong mabigat ang langis ng makina (malamig na panahon).
  6. Barado o may nakaharang sa vent ng tangke ng gasolina, o sarado ang dinadaanan ng gasolina, na pumipigil sa pagdaloy ng gasolina.
  7. May tubig o dumi sa fuel system o filter.
  8. Hindi gumagana ang pump ng gasolina.
Nagsa-start Ngunit Hindi Regular Ang Pagtakbo o Pumapalya
  1. Hindi na maganda o bahagyang may-sira ang mga spark plug.
  2. Masama na ang kondisyon at may singaw ang mga kable ng spark plug.
  3. Ang puwang ng spark plug ay masyadong malapit o masyadong malayo.
  4. Malapit nang madiskarga ang baterya.
  5. Sirang kawad o maluwag na koneksyon sa mga terminal ng baterya o sa mga coil.
  6. Paminsan-minsang short circuit dahil sa sirang insulasyon ng wire.
  7. May tubig o dumi sa fuel system o filter.
  8. Barado ang vent system ng gasolina. Magpunta sa dealer.
  9. Sira ang isa o higit pang injector.
Paulit-ulit na Nasisira ang Isang Spark Plug
  1. Masyadong malapot ang timpla ng gasolina.
  2. Maling spark plug para sa uri ng serbisyo
Pre-ignition o Detonasyon (Kumakatok o Nagpi-ping)
  1. Maling gasolina.
  2. Maling spark plug para sa uri ng serbisyo
Nag-o-overheat
  1. Hindi sapat ang langis o hindi dumadaloy ang langis.
  2. Mabigat na deposito ng karbon mula sa bumabagal na makina. Magpunta sa dealer.
  3. Hindi sapat ang daloy ng hangin sa ibabaw ng mga cylinder head sa mahabang panahon ng pag-idle o parade duty.
Labis na Panginginig
  1. Maluwag ang fork pivot shaft sa likod. Magpunta sa dealer.
  2. Maluwag ang mga pang-mount na bolt ng makina sa harap. Magpunta sa dealer.
  3. Mahigpit ang chain o mga link sa harap bilang resulta ng hindi sapat na pag-lubricate o lubhang pudpod na belt.
  4. Maluwag ang mga pang-mount na bolt ng makina hanggang sa transmisyon (sa naaangkop na mga modelo). Magpunta sa dealer.
  5. Sirang frame. Magpunta sa dealer.
  6. Sira ang mga gulong at/o goma ng gulong. Magpunta sa dealer.
  7. Hindi nakahanay nang maayos ang sasakyan. Magpunta sa dealer.
Hindi Dumadaloy ang Langis ng Makina (Nakabukas ang Ilaw ng Presyon ng Langis)
  1. Hindi sapat o malabnaw na langis.
  2. Barado ng yelo at putik ang daluyan ng langis sa panahon ng taglamig.
  3. Grounded ang wire ng switch ng signal ng langis o sirang switch ng signal. Magpunta sa dealer.
  4. Sira o hindi naikabit nang tama na check valve. Magpunta sa dealer.
  5. Problema sa pump ng langis. Magpunta sa dealer.