Nakatigil, Nakapatay ang Makina
Dahan-dahang hilahin ang hand lever ng clutch nang sagad sa handlebar grip upang ganap na ma-disengage ang clutch. Hindi nag-e-engage ang mga gear dahil hindi umiikot ang mga transmission shaft at hindi nakahanay ang mga bahagi ng shifter. Ugain ang motorsiklo nang paatras at pasulong habang bahagyang pinipindot ang shift lever o kambyo.
Upshift (Pagpapabilis)
Tingnan ang
Figure 1. Ikambyo sa susunod na mas mataas na gear kapag naabot ng motorsiklo ang bilis na kinakailangan para mag-shift. Sumangguni sa
Talahanayan 1.
Talahanayan 1. Mga Bilis ng Pagpapatakbo* Upang Makapag-upshift (Pagpapabilis ng Takbo)
PAGPAPALIT NG GEAR | mph | km/h |
---|
Una papunta sa ikalawa | 15 | 25 |
Ikalawa papunta sa ikatlo | 25 | 40 |
Ikatlo papunta sa ikaapat | 35 | 55 |
Ikaapat papunta sa ikalima | 45 | 70 |
* Ang mga nakalistang bilis ang mga rekomendasyon. Maaaring ang mga indibidwal
na estilo ng pagpapatakbo ang tumukoy sa bilis ng pagpapatakbo para makapagpalit ng gear. |
Isara ang throttle.
Dahan-dahang hilahin ang hand lever ng clutch nang sagad sa handlebar grip upang ganap na ma-disengage ang clutch.
Hilahin ang gear shift lever o kambyo hanggang sa dulo at bitiwan ito.
Bitawan nang dahan-dahan ang clutch lever at unti-unting buksan ang throttle.
Ulitin ang mga nakaraang hakbang upang magkambyo sa mga natitirang gear.
TALA
Figure 1. Pagkakasunud-sunod ng Pag-upshift: Mga Modelong Sportster
Downshift (Pagpapabagal)
BABALA
Huwag mag-downshift sa mga bilis na mas mataas kaysa sa mga nakalista. Ang pag-shift sa mas mababang gears kapag masyadong mabilis ang takbo ay maaaring maging sanhi para mawalan ng traksyon ang likurang gulong at humantong sa pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00045b)
Tingnan ang
Figure 2. Kapag bumagal ang tulin, tulad ng pag-akyat sa isang burol o pagbagal para lumiko, mag-shift sa susunod na mas mababang gear. Sumangguni sa
Talahanayan 2.
Talahanayan 2. Mga Bilis ng Pagpapatakbo Upang Makapag-downshift (Pagbabawas ng Tulin)*
PAGBABAGO NG GEAR | mph | km/h |
---|
Ikalima hanggang ikaapat | 40 | 65 |
Ikaapat hanggang ikatlo | 30 | 50 |
Ikatlo hanggang ikalawa | 20 | 30 |
Ikalawa hanggang una | 10 | 15 |
* Ang mga nakalistang bilis ang mga rekomendasyon. Ang mga indibidwal
na estilo sa pagpapatakbo ang makakatukoy sa pag-iiba ng bilis ng gear sa kalsada. |
TALA
Ang mga punto ng pag-shift na ipinapakita sa talahanayan ay mga rekomendasyon. Maaaring maiba sa talahanayan ang mga indibidwal na punto ng pag-shift.
Isara ang throttle.
Dahan-dahang hilahin ang hand lever ng clutch nang sagad sa handlebar grip upang ganap na ma-disengage ang clutch.
Ibaba ang gear shift lever hanggang sa dulo at bitawan ito.
Bitawan nang dahan-dahan ang clutch lever at unti-unting buksan ang throttle.
Ulitin ang mga nakaraang hakbang upang magkambyo sa mga natitirang gear.
TALA
PAUNAWA
Mag-shift muna sa neutral bago pahintuin ang makina. Ang mekanismo ng pag-shift ay maaaring mapinsala kapag nagpalit ng gear habang nakahinto ang makina. (00183a)
Pinahihintulutan ng mekanismo ng gear shifter o kambyo ang pag-shift o pagkambyo ng transmisyon sa nyutral mula sa una o ikalawang gear.
Figure 2. Pagkakasunud-sunod ng Pag-downshift: Mga Modelong Sportster