Hand Lever ng Clutch
BABALA
Huwag ilagay ang mga daliri sa pagitan ng hand control lever at handlebar grip. Ang hindi tamang posisyon ng kamay ay maaaring makasira sa paggana ng lever ng control at maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00032a)
Tingnan ang Ang Iyong Motorsiklo → Mga Pangunahing Kontrol at Bahagi ng Serbisyo → Mga Kontrol at Bahagi ng Serbisyo (Tipikal). Ang hand lever ng clutch (1) ay pinagagana gamit ang mga daliri ng kaliwang kamay. Tingnan ang Pagpapatakbo → Pag-shift ng Gears.
Gear Shift Lever
Tingnan ang Figure 1. Ang gear shift lever o kambyo ay pinagagana gamit ang kaliwang paa. Ang nyutral ay matatagpuan sa pagitan ng una at ikalawang gear sa six speed shift pattern. Tingnan ang Pagpapatakbo → Pag-shift ng Gears.
Figure 1. Shift Lever/Kambyo at Pattern ng Pag-shift/Pagkambyo
Modyul para sa Kontrol ng Kaliwang Kamay
Tingnan ang Ang Iyong Motorsiklo → Mga Pangunahing Kontrol at Bahagi ng Serbisyo → Mga Kontrol at Bahagi ng Serbisyo (Tipikal). Paganahin ang mga switch sa module ng kontrol ng kaliwang kamay (10) gamit ang hinlalaki ng kaliwang kamay. Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Switch ng Kontrol sa Kaliwang Kamay.
Speedometer/Odometer
Tingnan ang Ang Iyong Motorsiklo → Mga Pangunahing Kontrol at Bahagi ng Serbisyo → Mga Kontrol at Bahagi ng Serbisyo (Tipikal). Ang kasalukuyang bilis ng pag-andar ay makikita sa speedometer(2). Ang kabuuang milyahe at indibidwal na milyahe ng biyahe ay makikita sa window ng odometer sa harap ng speedometer. Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento.
Modyul para sa Kontrol ng Kanang Kamay
Tingnan ang Ang Iyong Motorsiklo → Mga Pangunahing Kontrol at Bahagi ng Serbisyo → Mga Kontrol at Bahagi ng Serbisyo (Tipikal). Paganahin ang mga switch sa modyul para sa kontrol ng kanang kamay (6) gamit ang hinlalaki ng kanang kamay. Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Switch ng Kontrol ng Kanang Kamay.
Mga Preno
BABALA
Huwag ilagay ang mga daliri sa pagitan ng hand control lever at handlebar grip. Ang hindi tamang posisyon ng kamay ay maaaring makasira sa paggana ng lever ng control at maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00032a)
Lever ng preno sa harap: Tingnan ang Ang Iyong Motorsiklo → Mga Pangunahing Kontrol at Bahagi ng Serbisyo → Mga Kontrol at Bahagi ng Serbisyo (Tipikal). Ang lever ng preno sa harap (4) ang kumokontrol sa preno sa harap. Paganahin ang hand lever gamit ang mga daliri sa kanang kamay.
Pedal ng preno sa likod: Tingnan ang Ang Iyong Motorsiklo → Mga Pangunahing Kontrol at Bahagi ng Serbisyo → Mga Kontrol at Bahagi ng Serbisyo (Tipikal). Pinagagana ng pedal ng preno sa likod (5) ang preno ng gulong sa likod.
BABALA
Huwag ilapat ang preno nang sobra sa puntong magla-lock ang gulong. Kapag nag-lock ang gulong, dudulas ito at maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00053a)
Pantay na ilapat ang mga preno upang maiwasan ang pagla-lock ng mga gulong. Pinakamainam ang pagkakaroon ng balanse sa pagitan ng preno sa likod at harap.
Twist Grip ng Throttle
Pagpapabilis:Tingnan ang Ang Iyong Motorsiklo → Mga Pangunahing Kontrol at Bahagi ng Serbisyo → Mga Kontrol at Bahagi ng Serbisyo (Tipikal). Dahan-dahang pihitin ang twist grip ng throttle (5) paatras (papunta sa likod ng motorsiklo), upang buksan ang throttle.
Pagpapabagal: Dahan-dahang pihitin ang twist control grip ng throttle paabante (papunta sa harap), upang isara ang throttle.
Switch ng OFF/RUN
TALA
Ang mga headlamp at tail lamp ay gumagana kapag ang switch ay nasa posisyong RUN.
Fork Lock
BABALA
Huwag paandarin ang sasakyan habang naka-lock ang mga fork. Ang pag-lock ng mga fork ay pumipigil sa kakayahan ng sasakyang lumiko, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00035a)
PAUNAWA
Protektahan ang iyong sasakyan laban sa pagnanakaw. Ang hindi pagla-lock ng motorsiklo matapos itong iparada ay maaaring magresulta sa pagnanakaw at/o pinsala sa kagamitan. (00151b)
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Kontrol, Instrumento at Switch → Fork Lock. Ang fork lock ay matatagpuan sa steering head sa kanang bahagi. Ang fork ay inila-lock gamit ang susi.
Ang agad na paggamit ng fork lock pagkatapos iparada ang iyong motorsiklo ay pipigil sa di-awtorisadong paggamit o pagnanakaw.
  1. Ipihit ang fork papunta sa ganap na pakaliwang posisyon.
  2. Ipasok ang susi sa fork lock.
  3. Ipihit ang susi pakanan (clockwise).
  4. Alisin ang susi.
  5. Para i-unlock ang fork, ipasok ang susi sa fork lock at ipihit pakaliwa (counterclockwise). Alisin ang susi ng lock.
  6. Tingnan kung gumagana nang maayos ang steering sa pamamagitan ng pagpihit sa mga handlebar sa buong ikot na kaya nito. Dapat napipihit nang suwabe ang manibela nang hindi kumakapit.
Figure 2. Fork Lock