BABALA
Ikambiyo ang transmisyon sa neutral bago paandarin ang makina upang maiwasan ang hindi sinasadyang pag-andar, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00044a)
PAUNAWA
Dapat pahintulutang tumakbo nang dahan-dahan ang makina sa loob ng 15-30 segundo. Pahihintulutan nito ang makinang uminit at hayaang maabot ng langis ang lahat ng surface na nangangailangan ng lubrication. Ang hindi pagsunod dito ay maaaring magresulta sa pagkasira ng makina. (00563b)
TALA
Huwag buksan ang throttle bago paandarin ang makina.
  1. Magdala ng itinakdang fob sa abot ng saklaw.
  2. Tingnan ang Figure 1. Ilagay sa posisyon na RUN (3) ang OFF/RUN na switch.
  3. TALA
    • Kapag naka-ON ang ignisyon, iilaw ang check engine at mananatiling naka-ilaw hanggang paandarin ang makina. Kinakailangang paserbisyuhan kapag pinaandar ang makina at nanatiling nakailaw ang check engine na ilaw.
    • Ang fuel pump ay maaaring umandar nang ilang segundo upang ihanda ang fuel system bago umandar.
    • Habang inilalagay ang switch sa posisyong RUN, may maririnig na pag-click habang bumubukas ang balbula ng automatic compression release (ACR) na nagbibigay-daan sa mas madaling pagpapaandar. Kapag hindi umandar ang makina sa loob ng humigit-kumulang 10 segundo, may maririnig na pangalawang pag-click habang nagsasara ang balbula ng ACR.
  4. Kahit ipinahihiwatig ng nakailaw na berdeng nyutral na ilaw na nasa nyutral ang transmisyon, siguraduhing nasa nyutral sa pamamagitan ng pagpapagulong sa motorsiklo nang atras-abante habang nakaangat ang clutch lever.
  5. Pigain ang clutch lever sa handlebar.
  6. Pindutin ang switch na pang-start (5).
  7. Kapag umandar na ang makina, pwede nang paandarin ang motorsiklo gaya ng karaniwan mong ginagawa matapos itaas ang jffy stand.
1Panganib
2Off
3Patakbuhin
4Signal ng pagliko sa kanan
5Paandarin
Figure 1. Mga Switch ng Kontrol ng Kanang Kamay