Mga Brake Pad
Kinabitan ng Harley-Davidson ang iyong bagong motorsiklo ng pinakamainam na friction material ng brake pad na magagamit. Pinili ito upang magbigay ng pinakamahusay na pagganap na maaari sa ilalim ng mga kalagayan ng temperaturang tuyo, basa, at sa panahon ng matinding pagpapatakbo. Hinihigitan nito ang lahat ng iniaatas ng mga regulasyon na kasalukuyang ipinatutupad. Gayunpaman, sa panahon ng ilang kondisyon ng pagpepreno, maaari kang makaranas ng ingay. Normal lamang ito para sa materyal na ito na nagkikiskisan.
BABALA
Palaging palitan ang kumpletong set ng mga brake pad para sa tama at ligtas na paggana ng preno. Ang maling paggana ng preno ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00111a)
  1. Suriin ang disc ng preno habang umiikot ito. Dapat gumana tulad ng inaasahan ang disc sa caliper ng preno.
  2. Tingnan ang Figure 1. Sukatin ang kapal ng friction material ng brake pad.
  3. TALA
    Hindi kinakailangang pantay na mapudpod ang mga pad. Ang mga groove/uka sa brake pad ay hindi na makikita kapag malapit nang mapudpod ang mga ito. Tingnan ang Figure 2.
  4. Sumangguni sa Talahanayan 1. Kung ang friction material ng brake pad ay nasa minimum na kapal na kinakailangan o mas mababa pa, palitan ang mga pad. Palaging magkapares na palitan ang mga brake pad. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
1Harap, mula sa baba
2Likod, mula sa itaas
Figure 1. Friction Material ng Preno
Figure 2. Break Pad Wear Grooves (Mga Uka Para Matantiya ang Pagkaluma ng Brake Pad)
Talahanayan 1. Minimum na Kapal ng Friction Material ng Brake Pad
MODELO
in
mm
Lahat
0.040
1.02