Pagtatanggal
PAUNAWA
Ang mga polycarbonate na windshield/wind deflector ay nangangailangan ng wastong pansin at pangangalaga upang mapanatili. Kapag hindi maayos na napanatili ang polycarbonate, maaari itong magresulta sa pagkapinsala ng windshield/wind deflector. (00483e)
PAUNAWA
Gumamit lamang ng mga inirerekomendang produkto ng Harley-Davidson sa mga windshield ng Harley-Davidson. Huwag gumamit ng matatapang na kemikal o mga rain sheeting na produkto, na maaaring maging sanhi ng pinsala sa ibabaw ng windshield, tulad ng paglabo o hazing. (00231c)
TALA
Ang mga windshield ay nangangailangan ng espesyal na pangangalaga. Huwag gumamit ng mga panlinis ng bintana sa gasolinahan o mga may ammonia. Maaaring masira ng mga panlinis na ito ang windshield. Para sa tamang pagmementina ng windshield, tingnan ang Pagkaraang Sumakay → Pangangalaga ng Windshield.
1. Tingnan ang Figure 1. Alisin ang fairing.
a. Idiretso o ituwid ang gulong sa harap.
b. Buksan ang mga clamp (4).
c. Saklangan ang fender. I-angat ang fairing (3) sa ibabaw ng headlamp.
Pagkakabit
BABALA
Tiyaking dire-diretso at maluwag ang steering nang walang anumang pumipigil. Ang pagpigil sa steering ay maaaring magresulta sa pagkawala ng kontrol sa sasakyan at pagkamatay o malubhang pinsala. (00371a)
1. Tingnan ang Figure 2. Siyasatin ang fairing.
a. Tiyakin na nasa lugar, malinis at nasa mabuting kondisyon ang mga panloob na fairing bumper (1) at mga clamp bumper (3).
b. Buksan at isara ang mga clamp (4) para tiyakin na gumagana ang mga ito.
TALA
Kapag may napansing sira o pagkapudpod, magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
2. Ikabit ang fairing.
a. Idiretso o ituwid ang gulong sa harap.
b. Buksan ang mga clamp (4).
c. Saklangan ang harap na fender. Ilagay ang fairing sa ibabaw ng headlamp at sa mga fork sa harap (5).
d. Tingnan ang Figure 1. Iposisyon ang pang-itaas na bumper (2) sa pang-itaas na bracket ng fork (1).
e. Tiyakin na ang pang-ibabang bumper (5) ay nakapuwesto sa pang-ibabang bracket ng fork (6).
f. I-lock ang mga clamp.
g. Tiyakin na ang mga pang-itaas at pang-ibabang bumper ay naipuwesto nang maayos at nakakabit nang mabuti ang fairing.
h. Tiyakin na walang naipit na mga kable o kawad.
1Itaas na bracket ng fork
2Itaas na bumper
3Fairing
4Clamp
5Ibabang bumper
6Ibabang bracket ng fork
Figure 1. May Ikinabit na Fairing
1Bumper ng panloob na fairing (8)
2Panloob na fairing
3Clamp bumper (2)
4Clamp (2)
5Tinidor sa harap (2)
Figure 2. Mga Clamp ng Fairing