Pagtatanggal
1. Tingnan ang Figure 1. Alisin ang fairing.
a. Hilahin ang fairing (1) paharap para matanggal ang mga mounting stud (2) mula sa mga grommet (3).
b. Alisin ang fairing.
Pagkakabit
1. Siyasatin ang fairing.
TALA
Kapag may napansing sira o pagkapudpod, magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
a. Tingnan kung may sira ang mga mounting stud at grommet.
2. Ikabit ang fairing.
a. Ilagay ang fairing sa itaas ng headlamp at ihanay ang mga mounting stud at grommet.
b. Itulak nang diretsong pabalik ang fairing hanggang ganap na itong nakapuwesto.
c. Tiyaking nakalagay nang tama ang mga mounting stud at maayos ang pagkakakabit ng fairing.
1Fairing
2Stud (3)
3Grommet (3)
Figure 1. Fairing