Check Engine Lamp (Ilaw na Nagpapahiwatig na Suriin ang Makina)
Tingnan ang Figure 1 o Figure 2. Ipinahihiwatig ng check engine lamp ang kondisyon ng makina/engine management system.
Kadalasang umiilaw ang check engine lamp kapag unang pinaandar ang motorsiklo. Sa panahong ito, magsasagawa ang engine management system ng serye ng self-diagnostics.
Kapag hindi namatay ang ilaw ng makina pagkatapos paandarin ang makina o kapag umilaw ito sa ibang pagkakataon, pumunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Ilaw ng Kaunting Gasolina
Solid: Tingnan ang Figure 1 at Figure 2. Ipinahihiwatig ng babalang ilaw ng kaunting gasolina na umabot na sa mababang antas ng gasolina ang gasolina sa tangke (pagtatantiya). Sumangguni sa Mga Ispesipikasyon para sa mababang antas ng gasolina. Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Display sa Window ng Odometer para sa mga feature ng saklaw ng gasolina.
Kumikislap: Kapag patuloy na kumikislap ang ilaw ng kaunting gasolina, o kapag nanatili itong nakabukas pagkatapos punuin ang tangke ng gasolina, pumunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Ilaw ng Pagkadiskarga ng Baterya
Tingnan ang Figure 1 at Figure 2. Ipinahihiwatig ng ilaw ng pagkakadiskarga ng baterya ang labis na pag-charge o kulang sa pag-charge ng baterya. Sumangguni sa Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Pagpapanatili ng Baterya.
Security Lamp
Tingnan ang Figure 1 at Figure 2. Ipinakikita ng ilaw ng seguridad ang status ng system ng seguridad at ang elektrikal na self-diagnostics para sa motorsiklo. Sumangguni sa SISTEMA NG SEGURIDAD para sa pagpapagana ng system ng seguridad.
Kumikislap: Aktibo ang system ng seguridad.
Solid (aktibo ang system ng seguridad): Naka-activate ang alarm.
Solid (naka-disarm ang system ng seguridad): Kung nananatiling nakabukas ang ilaw pagkatapos ma-disarm ang system ng seguridad, magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Mga Indicator na Ilaw para sa Senyas ng Pagliko
Kumikislap: May pinagaganang senyas ng pagliko. Kapag gumagana ang mga 4-way hazard flasher, sabay na kikislap ang mga indicator ng pagliko.
Mabilis na pagkislap: May bumbilya ng senyas na hindi gumagana. Mag-ingat at sumenyas gamit ang mga kamay. Palitan ang mga bahaging hindi gumagana sa lalong madaling panahon.
High Beam na Ilaw ng Headlamp
Tingnan ang Figure 1 at Figure 2. Nakailaw ang high beam ng headlamp kapag naka-activate ang high beam o flash to pass.
Ilaw ng Nyutral
Tingnan ang Figure 1 at Figure 2. Nakabukas ang ilaw ng nyutral kapag nakanyutral ang transmisyon.
Ilaw ng Cruise Control (Kung Mayroon)
Off: Hindi gumagana ang cruise control.
Orange: Gumagana ang cruise control. Hindi naka-set ang bilis ng pag-cruise o kaya naka-disengage.
Berde: Naka-set ang bilis ng pag-cruise. Ang bilis ng sasakyan ay pinangangasiwaan ng cruise control system.
Indicator ng Auxiliary/Fog Lamp
Nakabukas ang indicator ng auxiliary/fog lamp kapag nakabukas ang mga auxiliary/fog lamp (para sa mga modelong mayroon nito).
ABS Lamp
BABALA
Kung patuloy na kumikislap ang ilaw ng ABS nang mas mabilis sa 5 km/h (3 mph) o nananatiling naka-on, hindi gumagana ang ABS. Gumagana ang standard na sistema ng preno, ngunit maaaring mag-lock up ang gulong. Makipag-ugnayan sa isang dealer ng Harley-Davidson para ipaayos ang ABS. Kapag nag-lock ang gulong, dudulas ito at maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00361b)
Kumikislap: Tingnan ang Figure 1 at Figure 2. Sa mga sasakyang may ABS, magsisimulang kumislap ang ilaw ng ABS kapag pinaandar ang sasakyan. Ipinahihiwatig ng kumikislap na ilaw na nasa mode ng self-diagnosis ang system. Patuloy itong kikislap hanggang sa lumampas ang bilis ng motorsiklo sa 5 km/h (3 mph). Hindi gumagana ang ABS hangga’t hindi namamatay ang pag-ilaw ng lamp.
Solid: Ang patuloy na pag-ilaw ng ilaw ay nagpapahiwatig ng sirang ABS. Di-gumagana ang ABS at gumagana ang mga preno bilang mga prenong hindi ABS. Magpunta sa dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Ilaw ng Presyon ng Langis
PAUNAWA
Kapag nananatiling nakailaw ang oil pressure indicator lamp, palaging suriin muna ang supply ng langis. Kung ang supply ng langis ay normal at ang lampara ay nakailaw pa rin, ihinto agad ang makina at huwag munang patakbuhin hanggang matukoy ang problema at maisagawa ang mga kinakailangang pag-aayos. Kapag hindi ito ginawa, maaari itong magresulta sa pagkasira ng makina. (00157a)
Tingnan ang Figure 1 at Figure 2. Bubukas ang ilaw ng presyon ng langis kapag nakabukas ang ignisyon. Mananatiling naka-ilaw ang lamp hangga’t hindi pinaaandar ang makina.
Kapag naka-ilaw ang lamp habang umaandar ang makina, hindi sapat ang umiikot na langis sa makina.
Suriin at magdagdag ng langis sa makina kung kinakailangan. Tingnan ang Pagpapanatili at Lubrikasyon → Suriin ang Langis ng Makina. Para sa iba pang mga posibleng sanhi, tingnan ang Pag-aayos ng Problema → Makina.
Kapag sapat ang sukat ng langis ng makina at nananatiling nakabukas ang ilaw, agad na ihinto ang makina. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
1Mababang gas
2High beam ng headlamp
3Neutral
4Presyon ng langis
5ABS
6System ng seguridad
7Senyas ng pagliko sa kanan
8Auxiliary/fog lamp
9Pag-diskarga ng baterya
10Suriin ang makina
11Senyas ng pagliko sa kaliwa
Figure 1. Mga Ilaw ng Instrumento: Street Bob (FXBB), Breakout 114 (FXBRS), FXDR 114 (FXDRS), Softail Standard (FXST)
1High beam ng headlamp
2ABS
3Auxiliary/fog lamp
4Security system
5Mababang gasolina
6Nyutral
7Check engine (Suriin ang makina)
8Senyas ng pagliko sa kanan
9Presyon ng langis
10Pagdiskarga ng baterya
11Senyas ng pagliko sa kaliwa
12Cruise control (kung mayroon)
Figure 2. Mga Ilaw ng Instrumento: Tipikal