BABALA
Ang automatic-on na headlamp feature ay nagpapahintulot sa ibang motoristang mas mahusay na makita ang nagmamaneho. Siguraduhing nakabukas ang headlamp sa lahat ng oras. Kapag hindi gaanong makita ng ibang motorista ang nagmamaneho, maaari itong magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00030b)
Maghanda
1. Suriin ang hangin ng gulong.
2. I-adjust ang preload ng shock sa likod para sa nagmamaneho at nilalayong karga.
3. Punuin ang tangke ng gasolina at magdagdag ng pantay na dami ng ballast.
Suriin ang Alignment
1. Tingnan ang Figure 1 . Iparada ang motorsiklo sa linyang (1) perpendikular sa pader.
2. Itakda ang distansya ng sasakyan mula sa pader hanggang sa harap na axle.
Distansya: 7,6 m (25 ft)
3. Gumuhit ng patayong linya sa gitna (2) sa pader na kahanay ng linya (1).
4. Habang may karga ang motorsiklo, ituro ang gulong sa harap nang diretso sa pader. Sukatin ang distansya (4) mula sa sahig hanggang sa gitna ng headlamp.
5. Gumuhit ng pahalang na linya (5) na dadaan sa bertikal na linya (2) gamit ang parehong sukat ng taas ng centerline ng low beam na bumbilya (4).
6. Ihanay ang tuktok ng hot spot hanggang sa pahalang na linya (5) sa headlamp na naka-set sa low beam.
7. I-adjust ang headlamp, kung kinakailangan.
1Perpendikular na linya
2Patayo/Bertikal na linya
37,6 m (25 ft)
4Centerline ng low beam na bumbilya
5Pahalang na guhit
Figure 1. Pagkakahanay ng LED Headlamp
I-adjust
Bilog: Heritage Classic (FLHC), Heritage Classic 114 (FLHCS), Deluxe (FLDE), Street Bob (FXBB), Low Rider (FXLR), Low Rider S (FXLRS), at Softail Standard (FXST):
1. Tingnan ang Figure 2 . I-adjust ang pahalang na pagkakahanay ng headlamp.
a. Luwagan ang turnilyo para sa pahalang na pag-a-adjust (2). I-adjust ang headlamp nang pahalang para idirekta ang sinag ng ilaw nang diretsong paharap.
b. Higpitan ang turnilyong para sa pahalang na pag-a-adjust:
Torque: 25–40,6 N·m (18–30 ft-lbs) Heritage Classic (FLHC), Heritage Classic 114 (FLHCS), Deluxe (FLDE)
Torque: 29,8–37,9 N·m (22–28 ft-lbs) Street Bob (FXBB), Low Rider (FXLR), Low Rider S (FXLRS), Softail Standard (FXST)
2. I-adjust ang bertikal na pagkakahanay ng headlamp.
a. Luwagan ang turnilyo para sa bertikal na pag-a-adjust (1). I-adjust ang headlamp nang bertikal hanggang ang sinag ay nakagitna sa pahalang na linya.
b. Higpitan ang turnilyo para sa bertikal na pag-a-adjust (1):
Torque: 36,6–43,3 N·m (27–32 ft-lbs)
Bilog: Sport Glide (FLSB), Softail Slim (FLSL):
1. Sport Glide (FLSB): Tanggalin ang fairing. Tingnan ang Pagpapatakbo → Fairing .
TALA
Ang pahalang na pagkakahanay ay hindi naa-adjust sa Sport Glide (FLSB) at Softail® Slim (FLSL) na mga headlamp.
2. Tingnan ang Figure 2 . I-adjust ang bertikal na pagkakahanay ng headlamp.
a. Luwagan ang turnilyo para sa bertikal na pag-a-adjust (1). I-adjust ang headlamp nang bertikal hanggang ang sinag ay nakagitna sa pahalang na linya.
b. Higpitan ang turnilyo para sa bertikal na pag-a-adjust (1):
Torque: 36,6–43,3 N·m (27–32 ft-lbs)
3. Sport Glide (FLSB): Ikabit ang fairing.
1Vertical na adjusting screw
2Horizontal na adjusting screw
Figure 2. Pag-a-adjust ng Headlamp
Breakout 114 (FXBRS), Fat Bob 114 (FXFBS), at FXDR 114 (FXDRS)
1. FXDR 114 (FXDRS): Tanggalin ang fairing.
2. Tingnan ang Figure 3 at Figure 4. Luwagan ang turnilyo para sa bertikal na pag-a-adjust (3). I-adjust ang headlamp nang bertikal hanggang ang sinag ay nakagitna sa pahalang na linya.
3. Higpitan ang turnilyo para sa bertikal na pag-a-adjust (3):
Torque: 13,5–17,6 N·m (10–13 ft-lbs) Breakout 114 (FXBRS), FXDR 114 (FXDRS)
Torque: 14,9–19 N·m (11–14 ft-lbs) Fat Bob 114 (FXFBS)
1 Breakout ® 114 (FXBRS), FXDR 114 (FXDRS) Headlamp
2Mounting bracket
3Turnilyo
Figure 3. Pag-a-adjust ng Headlamp
1Fat Bob (FXFB), Fat Bob 114 (FXFBS) Headlamp
2Mounting bracket
3Tunilyo (2)
Figure 4. Pag-a-adjust ng Headlamp
Fat Boy (FLFB/S/ANV)
1. Tingnan ang Figure 5 . Pihitin ang turnilyo para sa pahalang na pag-a-adjust (1). I-adjust ang headlamp nang pahalang para idirekta ang sinag ng ilaw nang diretsong paharap.
2. Pihitin ang turnilyo para sa bertikal na pag-a-adjust (2). I-adjust ang headlamp nang bertikal hanggang ang sinag ay nakagitna sa pahalang na linya.
1Turnilyo para sa pag-a-adjust nang pahalang
2Turnilyo para sa pag-a-adjust nang patayo
Figure 5. Pag-a-adjust ng Headlamp
Pagpapalit ng Headlamp
Walang pamalit na mga bumbilya ang headlamp. Dapat palitan ang buong assembly kapag pumalya na. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.