Tingnan ang Figure 1. Ang pedal ng preno sa pag-park (parking brake) ay nasa kaliwang bahagi ng sasakyan. Mekanikal na pinagagana ng parking brake ang mga preno sa parehong gulong sa likod para maiwasan ang paggulong ng sasakyan habang nakaparada. Umiilaw ang parking brake indicator lamp kapag inilapat ang parking brake.
Huwag gamitin ang parking brake kapag umaandar ang sasakyan. Hindi ito prenong pang-emerhensiya. Laging i-release ang parking brake bago umandar.
TALA
Habang napupudpod ang mga brake pad, maaaring mangailangan ng pag-adjust ang parking brake upang mas maging makapit ang mga preno sa likod. Umiilaw ang parking brake indicator lamp kapag inilapat ang parking brake, kahit hindi pa naa-adjust nang maayos ang parking brake. Tingnan ang Pagpapanatili at Lubrikasyon → Parking Brakepara sa inspeksyon at pag-a-adust.
Paggamit ng Parking Brake
  1. Ganap na ihinto ang sasakyan.
  2. Ilagay sa primera at patayin ang makina.
  3. Ilapat ang preno sa harap at takpan ng kanang paa ang preno sa likod.
  4. Tingnan ang Figure 1. Gamit ang kaliwang paa, mariing tapakan ang pedal ng parking brake hanggang hindi na ito pwedeng tapakan pa.
Pag-release ng Parking Brake
  1. Ilapat ang preno sa harap at takpan ng kanang paa ang preno sa likod.
  2. Tingnan ang Figure 1. Gamit ang kaliwang paa, mariing tapakan ang pedal ng parking brake at i-release. Babalik ang parking brake sa posisyong naka-release.
  3. TALA
    Maaaring hindi mag-reset nang maayos ang parking brake kapag nadadaganan ng paa ang pedal ng parking brake kapag ito ay ini-release. Hayaang bumalik ang pedal sa posisyong naka-release nang wala ang paa ng operator sa pedal ng parking brake.
  4. Paandarin ang motorsiklo. Dapat hindi naka-ilaw ang parking brake indicator lamp. Normal na patakbuhin ang motorsiklo.
1Naka-release ang parking brake
2Nakalapat ang parking brake
Figure 1. Parking Brake