Hindi Gumagana ang Starter o Hindi Umaandar ang Makina
  1. Ang switch na OFF/RUN ng makina ay nasa posisyong OFF.
  2. Ang switch ng ignisyon ay wala sa posisyong IGNITION.
  3. Nadiskarga ang baterya o maluwag o kinakalawang ang mga koneksyon (ang solenoid ay nag-chachatter).
  4. Ang clutch lever ay hindi nakalapat nang mabuti sa handlebar at nakalapat ang front o rear brake o wala sa neutral ang transmission.
  5. Ang pangunahing fuse ay wala sa lugar.
Umaandar ang Makina ngunit Ayaw Magsimula
  1. Walang laman ang tangke ng gasolina.
  2. Barado ang filter ng gasolina.
  3. Nadiskarga ang baterya o maluwag o sira ang mga koneksyon ng terminal ng baterya.
  4. Sirang mga spark plug.
  5. Maluwag o masama na ang kalagayan ng mga koneksyon ng kable ng spark plug at nag-soshort.
  6. Maluwag o sirang mga koneksyon ng wire o kable sa coil o baterya.
  7. Hindi umaandar ang fuel pump.
  8. Ang pangunahing fuse ay wala sa lugar.
Mahirap Magsimula
  1. Masama na ang kondisyon ng mga spark plug, may hindi tamang puwang o bahagyang may sira.
  2. Masama na ang kondisyon at may singaw ang mga kable ng spark plug.
  3. Malapit nang madiskarga ang baterya.
  4. Sira o maluwag ang mga koneksyon ng kawad o kable sa isa sa mga terminal ng baterya o sa coil ng ignisyon.
  5. Masyadong mabigat ang langis ng makina (pagpapatakbo sa malamig na panahon).
  6. May tubig o dumi sa sistema ng langis.
  7. Hindi umaandar ang fuel pump.
Nagsisimula ngunit Hindi Tuluy-tuloy ang Pagtakbo o Pumapalya
  1. Masama na ang kondisyon o bahagyang may sira ang mga spark plug.
  2. Masama na ang kondisyon at may singaw ang mga kable ng spark plug.
  3. Ang puwang ng spark plug ay masyadong malapit o masyadong malaki.
  4. Malapit nang madiskarga ang baterya.
  5. Sirang wire o maluwag na koneksyon ng wire sa coil ng ignisyon, baterya o connector ng ECM.
  6. Paminsan-minsang short circuit dahil sa sirang insulasyon ng wire.
  7. May tubig o dumi sa sistema ng langis.
  8. Barado ang sistema ng fuel vent. Pumunta sa dealer.
  9. Sira ang isa o higit pang mga injector.
Paulit-ulit na Nasisira ang Isang Spark Plug
  1. Masyadong malapot ang timpla ng langis.
  2. Maling spark plug.
Pre-ignition o Detonasyon (Mga Knock o Ping)
  1. Maling langis.
  2. Maling spark plug para sa uri ng serbisyo.
Umiinit
  1. Hindi sapat ang suplay ng langis o hindi dumadaloy ang langis.
  2. Mabigat na deposito ng karbon mula sa makinang nagla-lug. Pumunta sa dealer.
  3. Hindi sapat ang daloy ng hangin sa mga cylinder head sa mahahabang panahon ng pagtigil o parade duty.
Labis na Panginginig
  1. Maluwag ang rear fork pivot shaft nuts. Pumunta sa dealer.
  2. Maluwag ang mga bolt ng front engine mounting. Pumunta sa dealer.
  3. Maluwag ang mga bolt ng engine hanggang transmission mounting. Pumunta sa dealer.
  4. Sirang frame. Pumunta sa dealer.
  5. Mahigpit ang front chain o mga link bilang resulta ng hindi sapat na lubrikasyon o labis na pagkapudpod ng belt.
  6. Sira ang mga gulong at/o goma ng gulong. Pumunta sa dealer.
  7. Hindi maayos na nakahanay ang sasakyan. Pumunta sa dealer.
  8. Pudpod o sira na ang steering head damper. Pumunta sa dealer.
  9. Maluwag ang mga fastener ng panhard rod. Pumunta sa dealer.
Hindi Dumadaloy ang Langis ng Makina (Umiilaw ang Oil Pressure na Lamp)
  1. Hindi sapat o malabnaw na supply ng langis.
  2. Barado ng yelo at putik ang oil feed sa panahon ng taglamig.
  3. May ground ang oil signal switch wire o sira ang signal switch. Pumunta sa dealer.
  4. Sira o hindi wastong nakakabit na check valve. Pumunta sa dealer.
  5. Problema sa pump ng langis. Pumunta sa dealer.